Chapter 21

361 7 3
                                    

Taas-noong iniangat ni Janisse ang tingin sa building, MHR Firm. Sinabi ni Angie na ito ang araw ng blessing ng bagong tayong firm na ito na business ng boyfriend. Sa istruktura pa lang at disenyo ng building ay tingin niyang mukhang mahusay nga ang nobyo. Maging siguro ang serbisyo din nito.

Nang mahagip ng mata si Angie na naroon at nakasukbit ang mga braso sa katabing lalaki ay hindi na siya nag-atubiling lumapit roon. Nang makalapit ay  nahagip siya ng tingin ni Angie. Malawak na ngiti ang binati sa kanya. "Janisse, Im so glad you came!”

"Syempre naman. You have my word, as always." Unti-unting humarap ang katabing lalaki ni Angie. Sa tingin niya ay ito ang ipinagmamalaking boyfriend at may-ari ng firm.

She strucked and suddenly observed his entire feature. His face... He's familiar. Pinakatitigan niya pa ng maigi ang buong hitsura nito. Until, she realized who this stranger is. Bibigkasin niya pa lang ang pangalan sana nito ay naunahan na siyang tapikin ni Angie sa balikat. Dahilan upang matawa ang lalaki.

"Para ka namang na-engkanto dyan Janisse! Dont tell me you had a crush with him? Hm? Hindi na pwede, he's mine now," paninita ni Angie na umakap pa sa lalaki.

"I dont think so babe," kontra naman ng nobyo nito. Gumanti ng pisil sa pisngi ni Angie. "Alam nating hindi na mangyayari yun. Ikaw na lang ang kilala nito." At itinuro ang dibdib.

Sudden grin flashed from Janisse. She couldnt imagine this moment would come. Na narito siya sa harapan ng dalawang tao na noon pa may sa tingin niya'y ito ang mas dapat mabigyan ng pagkakataong magsama. Tama nga ang kutob niya kay Angie mula pa noon, na may lihim itong pagtingin kay Merk. At si Merk na kabisado din niya ang mga hilig gaya ng kay Angie ay malayong hindi sila magkapalagayan ng loob.

Yes, si Merk nga ang lalaking narito sa harapan. Wala na ang makapal na salamin nito. His body were now broad from gyms. Tuloy, hindi niya napigilang muling maisip ang kuya nito. Dahil ang tindig at hitsura ngayon ni Merk ay hindi na nalalayo kay Hans.

"How are you Janisse?" magiliw na tanong nito sa kanya. Wala ng bakas ng lungkot o pagkabigo. Hindi na ito ang lalaking nasaktan niya noon.

"I'm good. Still the Tigress you knew. By the way, congratulations sa business mo. I like the design of the building."

Kapwa nakita ni Janisse ang ngiti ng dalawa. Na para bang may napakaganda siyang sinabi na ikinatuwa ng mga ito.

"Of course you'll gonna like it," ani Merk.

"Eh gustong-gusto mo rin naman kasi ang nag-disenyo nito," tugon naman ni Angie at sabay ngumuso sa likuran niya.

Ibinaling niya ang tingin sa direksyong nginuso ni Angie. At sa oras na iyon ay hindi na niya maawat ang kaba sa dibdib. Naglalaro sa utak niya ng paulit-ulit ang sinabi ni Angie. Because there's only one she knew that answered it. Para bang naging slow motion ang unti-unting pagpaling ng mukha niya. Kung makikita man niya ang matagal nang hinhintay ay hindi niya alam ang magagawa.

Then it hit her. Bumilis ang tibok ng puso niya. Sa wakas nakita na niya ulit ito. Walang nagbago sa hitsura nito. His smile and laughter was still the same, nagpapangiti pa rin ng damdamin niya. Hindi na nga niya namalayang humahakbang na pala ang mga paa niya palapit rito. Bitbit ang kaba gawa ng sobrang pagwawala ng dibdib. At ang makita ito na pinalilibutan ng mga kababaihan ay humahalo rin ang inggit sa pananabik niya. Pero bago pa man siya makalapit ng husto ay pinigil niya ang isang paa sa paghakbang.

"Hi Hon, youre enjoying too much huh?" Galing iyon sa isang buntis na lumapit, kumunyapit sa braso ni Hans.

"At last, you came Honey. Kanina pa kita hinihintay," tuon ni Hans sa dumating na buntis. Nanlambot ang tuhod ni Janisse. Totoo ba ang nakikita niya? Narinig? Her heart was now breaking into shutters...

Na para bang salamin iyong nagkakan-da-basag sa mga tainga niya...

Lalo siyang nagimbal nang bahagyang yumuko si Hans, kapantay ang tiyan ng buntis. Mula doon ay dinampian nito iyon ng halik. "Hi baby," sabi nito.

Janisse couldnt believe she was witnessing this scene. That the man she badly wanted was now a married man. Ganito ba talaga kapait ang kapalaran para sa kaligayahan niya? Nasaan na ang magandang kapalit sa paghihintay niya?

Girls MEANistry: Janissarie Guadalupe, The Mischievous TigressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon