MALDITA WANNABE 1

4.3K 88 18
                                    

'Tak! Tak! Tak! Tak! '

Yan lang naman yung tunog ng YSL kong sapatos na binili ko pa sa SM (Sa Malayo) habang binabagtas ko ang highway papunta sa pinapasukan kong School.

Maingay ba? Well, I dont Care. As far as I know wala namang batas sa Pilipinas na bawal mag-ingay ang sapatos. Unless I-implement ito ng bulok nating sistema.

Okay! Back to my Story na nga bago pa ako maging hater ng bansa. Lol

Napangiti ako ng mala dyosa nang makita kong  hawak ko na naman ang atensyon ng mga tao,  No doubt kung tumititig sila sa akin. Sino ba namang hindi mapapatitig sa kagandahang dala ko, 'di ba? Kung meron man! Sige patayin ko.

Dahil love ko si Avah, kagaya nya gusto ko rin ng Atensyon. <3

Kasi kaming mga Maldita, we are the star of our own world! In short, twinkle twinkle little star.

Nakakatuwa lang dahil halata kasing inggit na inggit na naman yung mga tao sa awra ko ngayon. Hihi!

Hindi na nakakapagtaka, ikaw ba naman  magsuot ng Black CHANEL dress at DIOR Bag at sinamahan pa ng NINEWEST kong sunglasses?

Ooops?

Sorry, Im so mean!

Dapat pala hindi ko na binabanggit yung mga brand, kasi alam kong maiinggit ka din. Hihi sorry! Dapat humble lang.

Bago ako pumasok ng School, dumaan muna ako para bumili ng Coffee sa 7/11 na nasa labas lang ng Gate ng school namin. Yun ay para maihanda ko yung sarili ko kapag may nasalubong akong tatanga-tanga.

Gusto ko kasing gayahin yung ginawa ni Avah sa first chapter ng Avah Maldita, if you know what I mean. Remember? nung may nakasalubong sya tapos nabuhusan nya ng  Coffee , then nagmaldita sya? Panalo yun!

Ang Cool kaya nun! Parang ako!

At dahil gaya-gaya ako, Gusto ko ring mangyari yon lalo na ngayong first day of School!

By the way, freshman ako sa University at kagaya ni Avah, I'm taking up Bachelor of Science in business Administration Major ing Marketing-Management.

Like Avah, ako rin ay isang COOS. Pero hindi Child of the Owner of School ha? Kundi Child of the otosan somewhere .

Yes, tama kayo ng pagkakabasa, Utusan lang ang parents ko. Poor lang kami at Highschool friends ko lang nakakaalam nun, pero I doubt kung may mga Highschool friends akong nag enroll dito, mamahaling University kaya to, hello?

And kung tinatanong nyo kung paano ako nakapasok dito, Wala na kayong pakeelam. Care nyo? Magbasa na lang kayo! -_- just kidding. Nanalo kasi si mama ng raffle nung Christmas party nila sa pinapasukan niyang kumpanya nung janitor pa siya. At isa sa premyo ay ang scholarship sa anu mang school na gusto ng anak nung makakabunot. Luckily, si mama ang nakabunot.

And ito na nga, kung nung Highschool kilala ako bilang Abigail Ahensyano na talunan at walang kalaban-laban, pwes! NGAYONG College ipapakita ko ang bagong Side ko, As Abah , isang Nightmare. Isang Maldita!

As in now na!

So ganun na nga yung ginawa ko, Ini-ready ko yung sarili ko ng may makita akong babaeng makakasalubong ko.

At tamang tama, mukang tatanga-tanga nga ang  babaeng ito...  ay teka! Babae nga ba to? Wait! Papisil nga ng bra! Baka pandesal lang pala! Hihi. 

Pero Look! Nakakatuwa! nakasuot sya ng mukhang mamahaling dress at Lois vutton na bag pero I know Binili lang din nya yung mga yun sa SM (Sa Malayo) kagaya ng mga gamit ko.

hahah, sige lang! Araw mo to girl papatunayan kong AKO LANG ang may K na magsuot ng mga imitation na gamit!

So, eto na nga ang storya, IPINWESTO ko na yung Hawak kong Cup na may lamang kape sa harapan ko ng makita kong palapit na sya sa akin.

Ngumiti pa ako sa huling pagkakataon para namnamin ang tagumpay ng 'Buhos Coffee Thingy' ni Avah.

At.

Ayan na!

:)

Kablaaaaaag!



'O my! Sh*t ! Yung coffee ko!' sabi ko na kunware umaarte. O pang famas mga beh!

'Oh! Im sorry hindi ko sinasadya.' Sabi nung babae sa akin,  napatingin agad ako sa damit nya kung na achieve ko ba ang 'Buhos Coffee Thingy' ni avah, pero Tsss! Bwiset!

Epic! Ako yung nabuhusan! Gosh! Mission failed!

'Okay ka lang ba Miss?' Sabi pa nya habang pinupunasan ko yung malagkit na kape sa Damit ko. Arrrgh!!!!

Tss! Dahil sa sinabi nya tinignan ko sya ng masama,  mukha ba akong okay? Sya kaya mabuhusan ng kape tignan lang natin kung magiging okay sya!

Nakakapanggigil! Hindi ito yung gusto kong mangyari! Okay! Well! May pagkakataon pa ako para bumawi!

Kung hindi ako nagtagumpay sa plano ko, ipapakita ko ngayon sa kanya kung gaano ako kamaldita! -_-

Umayos ako ng tayo, Inilagay ko yung kamay ko sa bewang ko saka ko itinaas ng unti-unti yung kilay ko then tinignan ko sya mula paa hanggang paa - yan version ko ng Avah Maldita look.

'Mukha ba akong okay? Tignan mo nga nabuhusan na yung Mamahaling damit ko at yung Coffee ko kainis hindi ko pa nababawasan yun atsaka bat ba hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo? Hindi mo ba ako nakita? Sa ganda kong to? Akala mo ba sa ginawa mo nagmukha kang tao? Akala mo..'     
Hindi ko na naituloy pa yung na memorize kong lines sa bahay ng biglang naimbyerna ako dahil ngumiti lang sya.

At bakit ngingiti-ngiti pa tong gagang to? Wa-epek ba yung pagmamaldita ko?

'Yun ba yung problema mo?Im sorry talaga Miss, okay ganto, Ill pay it na lang para hindi ka na umiyak, sorry talaga ah,  Im in a hurry kasi e.' Sabi nya na parang  nang aasar tapos may hinugot sya sa Waaaaw!

Makalaglag panga yung Bag nya! Mukha kasing Authentic e hindi kagaya ng bag kong nag-nanaknak na yung kulay.

Tapos may inabot sya sa akin, at dahil sa pagkatulala ko kinuha ko naman yun saka sya umalis.

Saka ko lang narealize na pera pala yun nung nakaalis na sya.

Tsssss!

Bwiseeet!

Ang kapal! Binayaran ba naman ako? Teka? Im not bayaran! Im not cheap! Pero sayang naman kung ibabalik ko diba? Well akin na to! Pera na ang lumalapit aarte pa ba ako?

Pero t..teka? Hindi ba sya natakot sa pagmamaldita ko ?

Hindi ba effective yung pagmamaldita ko sa kanya?! -_-

Tss!

Nakakainis! Hindi ko na naman na achieve yung 'Buhos coffee Thingy' ni Avah! Buong effort pa man ding practice yung ginawa ko dun!

Palpak na naman ako! Tumingin pa ako sa paligid at pinagtitinginan na pala nila ako.

Nakakabwiset talaga! Ako pa ngayon ang nagmukang kawawa! Hindi ganito yung gusto kong mangyari!

Nakakainis!

Ano ba kasing Meron kay Avah na wala sa akin?

Bat sya lang nakakagawa nun?

Pareho lang naman kaming Maldita ah!

Atsaka sinusunod ko naman yung maldita Tips nya

Ano pa bang kulang!

Bakit nga ba?

Avah Maldita Wannabe! #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon