MALDITA WANNABE 3

1.5K 55 14
                                    

UN Building 302 (10:30)

Yan yung Room at oras na papasukan ko sa 2nd subject ng  first day of Class ko.

Nakakainis! Hindi ko na naabutan yung first subject ko ! Bwiset kasi talaga yung babaeng yun! Tss! -_-

At dahil 10:25 na, Naglakad na ako paakyat ng building na yun, wala kasing Elevator tong Mahaderang school na to e!

Nkkklk! Ang mahal mahal pa man din ng tuition dito ni hindi man lang nila naisipang magpalagay ng Elevator kahit para sa akin lang? Duuhh!

Hell-oh??? Hindi ba nila nabalitaan na mag eenroll ang isang Abah Malditang katulad ko dito? Chos!

Pero seriously .
Nakakawalang gana na mag aral dito! Pwe! -_-

Ang laking Disappointment lang!!! Chos!

Tumingin pa ako sa APPLE iWATCH kong buy 1 take 3 sa Lazada para icheck sana kung anong oras na , pero isa ring bwiset to e! nag-lag ba naman yung screen nya tapos hindi na ma-touch! Bwiset! Kakabili ko lang nito nung isang buwan nasira na! Saan ako titingin ng orasan nito? Putik! baka late na ako!

Tsss! Bahala na nga! Malatena  kung Malate! Wala akong Pakeelam!  Anak naman ako ng May Ari ng School na to e. Hahaha Chos! Umagang umaga nangangarap na naman ako! -_-

Ilang Metro na lang yung layo ko sa Room na yun kaya naman binilisan ko pa ang paglalakad na may pa flip flip hair effect  pa.

FYI kaka-plantya ko lang po kasi ng buhok kaninang madaling araw. Alam nyo na!   First day of school kaya? Remember?

AT DAHIL mahadera ako, pumasok na ako ng walang pasabi sa Room ng marating ko  yun.

at mukhang Late na nga talaga ako sa klase , Nagdidiscuss na kasi yung Baklitang prof sa harapan. Tsk!  First day pero discuss agad? Ano yun? Excited?  Pwede namang the next day diba?? Tss!

Paupo na sana ako sa bakanteng upuan ng biglang tawagin ako nung baklang prof.

'Hey there Miss Red Dress, Red Shoes and Red bag! Can you please Come here!' Sabi nya.

At dahil mabait pa ako sa lagay na to, Sumunod naman ako sa sinabi nya, pumunta na ako sa Harap.

' Oh Class! Tignan nyo nga naman First day na first day pero may late na agad hindi nyo ba sya papalakpakan?' Narinig kong sabi nung Baklitang prof.  hindi ko yun pinansin.

Nagsimula namang mag palakpakan. Yung mga Bwiset na mga kaklase ko. mga Uto uto! Palibasa ang papanget nilang lahat!

'By the way, Miss, What is your name?'  Tanong nya sa akin

'Me? Im Abah.'  Sagot ko habang nakangiti pa.

Ngumiti rin sya ng malapad sa akin saka sya nagsalita.

'Alam mo ba Miss Abah, galit na galit na galit na galit ako sa mga estudyanteng nale-late sa klase ko.' Mahinahon at sweet na pagkakasabi nya.

'Ahh? Ganun ba Sir? Sorry, wala akong pakeelam e.' pasimpleng pagmamaldita ko habang nakangiti pa sa kanya.

Kitang kita ko naman na nagbabago na yung Awra nya, pataas na yung Drawing nyang kilay sa akin.

'Niloloko mo ba ako ha?!!' Taas boses nyang sabi.

'Muka ba akong clown sir? Sa ganda kong to? And No, Im not joking ,Im just saying the truth and nothing but the truth.' Sabi ko.

Nanliit yung mata nya sa akin na para bang gusto nya akong kainin. Hell-oh? Wag mo akong subukan!

'Wala ka palang modong bata ka e,ginagalit mo ako? Huh! Please Get out of this room nagdidilim na yung paningin ko sayo.' Sabi nya na galit na galit na.

Waw ha? Kanya tong eskwelahang ito? Kapal din ng apog ng Baklang prof na to e!
Bwiset! Masampulan nga , makikita nya talaga yung makikita nya!  Grrr!

Kagaya ng dati, Inuna ko muna yung ritwal ko bago ako nagmaldita. Itinaas ko muna yung kamay ko saka ko inilapat sa bewang ko kasabay ng pagtaas ng kilay ko.

#MalditaOn!!!! -_-

'Hoy! Baklang hinayupak! Anong K mo para patalsikin mo ako sa school na to ha? Ikaw ba owner nito? Ha?' Walang patutsyada kong Pagmamaldita sa kanya.

'Hindi, pero pwede kitang ireport kay Sir Ahensyano!' Pagaatungal nya.

Bigla naman akong nagulat sa sinabi nya, tama ba yung pagkakarinig ko? Ahensyano? Surname ko yun ah?

'A..Ahensyano?' Pag uulit ko.

'Oo! Si Mr. John Ahensyano, Sya ang owner ng School na to, Bakit? Natatakot ka na ba ?' Taas noo nyang sagot, feeling pretty kainis!

'A..At bakit naman ako matatakot?' Sagot ko naman.

'At bakit naman hindi? Nakapamewang na sya.

'A..Ahensyano rin ako!' Sagot ko tapos tumawa sya.

'Ano namang pake ko kung Ahensyano ka rin? Hindi ka naman anak ng May ari ha! Aber?'

'Eh paano kung sabihin ko sa iyo na anak ako ng May ari?' Pagbibiro ko pero bigla syang napaurong sa sinabi ko, Yeah! Natakot yata ang lola nyo.

'A..Anak ka ng Owner ng school na to?' Tanong nya na tila namula.

O kita nyo? Uto uto! Naniwala agad sa sinabi kong Anak ako ng Owner ng School na to, Haha Maituloy na nga, wala naman sigurong nakaka kilala sa akin dito. Tignan lang natin kung maka-awra ka pang bakla ka!

'O..Oo , Im the Daughter of Mr. John Ahensyano, Angal ka? buong tapang kong sagot.

'O..Oh m..my God! ' sabi nya saka sya lumapit sa akin saka lumuhod '.I..I'm sorry! I'm really sorry, Hindi ko sinasadya, please wag mo akong isusumbong sa Daddy mo...please sorry talaga!' Sabi nya na nagmamakaawa na.

Hell-oh! Gotcha! Effective!

'Tumayo ka nga dyan? Ayoko ng paawa effect!' Sabi ko, ganun nga yung ginawa nya, tumayo sya.

'Sorry Talaga Miss Abah! I promise hindi na mauulit.' Dagdag pa nya.

'No, Isusumbong talaga kita kay Dad.' Banta ko pa na tuwang tuwa na sa mga nangyayari. Nasa akin na kasi ang buong Atensyon ng mga tao sa loob ng room na yun. Buti nalang Close wall, hindi masyadong kita sa labas.

'Please Miss Abah, I can do anything, wag mo lang ako isumbong.' Sabi pa nya na mangiyak ngiyak na.

Napangiti ako sa sinabi nya.

'Really? '

'Yes, anything.'

'Haha, Magpakalalaki ka!' Sabi ko na dahilan para magtawanan yung mga kaklase ko.

'Miss Abah, Please wag naman yung hindi ko kaya!'

'Okay, Case Close, isususmbong talaga kitakay Dad!' Sabi ko at akmang kunwaring aalis na sana ako ng bigla nya akongpigilan.

'Miss Abah, Please! Kailangan na kailangan ko tong trabahong to.' Sabi nya.

Nag-isip isip ako.

'Grabe, Nakakaawa ka naman, okay sige pag-iisipan ko pa! kakausapin kita mamaya after Class, okay?' Sabi ko.

At dun na natapos yung sagutan namin.

Buong ngiti naman ang binitawan ko ng makaupo ako sa upuan . ngiting tagumpay!

Akalain nyo? Naging Anak ako ng Owner ng School ng wala sa oras? Haha ngayon ko lang narealize ang swerte pala talaga ni Avah.

Atsaka Grabe! Iba pala yung feeling ng may napaglalaruan ka sa sarili mong kamay.

Iba pala yung pakiramdam ng kontrolado mo ang mga bagay sa paligid mo.

Ang sarap maging Maging kagaya ni Avah!

Ang sarap maging Maldita!





























Avah Maldita Wannabe! #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon