MALDITA WANNABE 17

851 28 2
                                    

2 weeks na ang nakakalipas simula nung malaman ko ang totoo sa pagkatao ko.



At sa two weeks na yun, masasabi kong ang dami ng nangyari. Isa na dun yung nabuntis ako at nanganak at the same time .Haha chos!



Pero seriously, Madami ngang nangyari, pero hanggang ngayon, andito parin ako sa bahay ni tito.


Kung tinatanong nyo kung umuwi ba ako sa amin???


Syempre naman! , Umuwi ako sa bahay, kinabukasan nung unang gabing nakitulog ako sa bahay ni tito pero nadismaya lang ako sa mga naging desisyon ni mama na mas nagtulak sa akin para tuluyan ko na silang iwan.






Hindi ko na kasi talaga maintindihan si Mama e, feeling ko pinipigilan nya ako sa mga pangarap ko.

Feeling ko nilalayo nya ako sa mga gusto ko.

Pero dahil nasa saktong gulang na ako, Ako na yung nag desisyon.



Pagkakataon ko narin kasi to e, kapag pinakawalan ko pa, hindi ko na alam kung mauulit pa. Sabi nga ni Avah, Aarte pa ba ako?? Syempre hindi na.




Kaya mas maganda na sigurong ganito.




Pero kagaya ng sabi ko sa inyo, Ginawa ko nga yung binalak ko sa pagpunta sa bahay.

Isinama ko nga si Claudine slash Miranda walang ganda dito sa bahay ni tito para sana maging katulong ko, kaso hindi ganun ang nangyari, parang mali yata yung desisyon ko dahil yung mahaderang Claudine na yun ay ipinagkanulo ako! Tss! Dahil dun,nakahanap na si Andrea Slash Avy ng kakampi nya. -_-

Magsama sila! Pareho silang walang ganda!

At eto pa, Nagaaral narin ngayon si  Miranda sa School ni Tito. Feelingera talaga no??



Nagpabida na naman kasi si Tilapia na hilingin kay Tito na maging Study buddy nya si Miranda. Klk! Imbes na gagawin kong katulong yung babaeng yun, naunahan pa ako ng mahaderang tilapiang yun! -_-

Ang sarap nya lang talagang Iprito at Iihaw saka isawsaw sa kumukulong mantika para tumigil na.


Pero hindi naman ako magpapatalo no! May Allysa at Ricky din ako.

Ricky? Hell Yeah! Tama kayo ng pagkakabasa nyo.

Remember Him??




Yung tababoy na Prof na sinubukan ang ganda ko nung first day of school?? At nakipag sabwat pa kay babaeng tilapia para lang mapabagsak ako???


Ayun! Alipin ko na ulit sya, Sinumbong ko kasi sya kay Tito, wala naman syang nagawa kundi sundin yung gusto ko, Ano pa nga ba?? He-oh?? Hindi naman sya pretty para umarte pa. Klk!



Pero sa kabila ng mga nangyari masay parin ako dahil  kaunti na lang , mabubuo na ang Cast ng Avah Maldita sa kwento ko, And I think malapit ng mangyari yun, dahil sabi nung mahaderang katulong kaninang umaga, Sa week daw na ito ay uuwi daw si Kevo myloves.<3


Myloves??

Yeah, Feeling ko kasi si Kevo ang Neo ng buhay ko sa kwento kong to e, <3 Nakita ko kasi yung picture nya sa kwarto nya na pansamantalang ginagamit ko ngayon.



At alam nyo ba?? Grabe! Eng sherep nye! <3



Nakakaloka! Siguro andami nyang pandesal sa katawan?? Ugh! Iniimagine ko pa nga lang nabubusog na ako, paano pa kaya kapag andito na sya?? Chos!





Avah Maldita Wannabe! #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon