MALDITA WANNABE 10

884 32 2
                                    

'May pera ka ba dyan?' Tanong ko kay Allysa slash Hannah.

'huhhhh? P..perah?'

'Bingi ka bang babae ka?' Singhal ko, kainis kasi e, narinig na nga tatanungin pa.' Para syang yung ex ko.

Oh tinatanong nyo na naman kung may ex boyfriend ako. Nakakagulat ba? Biglaang sulpot? Haha joke ko lang naman kasi yun, wala talaga akong Ex. Hell-oh! Sa ganda ko ba namang to? Papaligaw ba naman ako sa kung sino sino lang? Duuh! FYI puro pangit kasi mga lalaki sa amin nung highschool ako.

Balik sa usapan.

'Meron , phero Parah xaan??' Tanong nya.

'Mag-DiDivi tayo.' Sagot ko.

'Huhhh? Baqit Boszxx Ahbhighail anung gagawin natin xa Divi??' Nagpanting yung tenga ko ng marinig ko yung tinawag nya sa akin. Argh! -_-

Tinignan ko sya mula paa hanggang paa, saka ko itinaas yung kilay ko.

'Hoy Babaeng Jejemon, hindi ba sinabi ko wag mo na akong tatawaging Boszxxs Abhighail?? Atsyaka diba nag usap na tayo na aayusin mo na yang pananalita mo?'

'Sorry Boszxs ay este Abah.' Sya.

'Lagyan mo ng Miss para sosyal!' Ako.

.'Okay Miss Abah, pero anong gagawin natin sa Divi.' Tanong na naman nya. Klk! Pinanganak ba to ng walang alam sa buhay??

'Ano bang ginagawa mo sa Divi ha? Aber? '
'Nagshoshopping.'

'Edi yun ang gagawin natin, Gaga! '

'Pero Miss Abah..'

'Oh bakit na naman Nerd??'

'May Quiz kasi mi sa susunod naming subject.' Sabi nya. Loko pala tong babaeng to e.-_-

'Anong may Quiz? Wag mo nga akong lokohin? 2nd day of school may Quiz? '

'Eh Ano ba kasing gagawin natin dun?' Sabi nya na tila naiinis, wow! Umaatitude!

'Pinanganak ka ba ng paulit ulit ha? Diba ang sabi ko magshoshopping tayo?'

'Pero ano bang bibilin natin dun?'

'Bibili tayo ng utak mo para magkaroon ka naman kahit konte! Tss! Kaloka ka! Ano pa ba? Edi damit mo! Diba Nerd ka na ngayon? Hindi bagay sayo yang Jejemon Starter pack mo!'

'Pero.' Sagot nya ulit.

'Aarte ka pa ba? ' sabi ko, tapos tumigil na sya. Bwiset! Aartehan pa ako? Kung hindi ko pa sya gagamitan ng lines ni Avah hindi pa titigil! Pero infairness! Ang effective talaga ng mga Lines ni Avah, ang sarap gamitin sa mga taong Walang Uts. -_-

Ganun na nga ang ginawa namin, lumabas kami ng School para pumunta sa divi.

At Dahil mahadera ako slash makapal din ang muka ko, sya ang pinagbayad ko sa Taxi na sinakyan namin.

Dapat lang, Alangan namang gastusan ko sya diba? Pretty ba sya? Duuh!

*Divi

Pumunta kami sa Suking kong tindahan ng mga damit , Sa Manang Timang Store.

Kaso sarado iyon ng marating namin.

Sayang naman, may 50% off paman din ako dun.

Kaya lakad lakad ulit kami, hanggang sa Makakita kami ng isang pwesto ng ukayan.

'Dito tayo, mukang magaganda dito.' Sabi ko.

'Ayaw ko dyan Miss Abah, gamit na yang mga yan, makati yan sa katawan.' Sagot nya.

Avah Maldita Wannabe! #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon