' Hindi pa tapos ang palabas, Nagsisimula palang ang lahat, Abah.'
Agad akong napalingon sa dulo ng Aisle.
Kinakabahan ako, Dahil ayokong makita na tama yung kutob ko na sya nga yung taong pinanggalingan ng boses, Hindi ko kakayanin.
Pero halos manlambot yung katawan ko ng makita kong sya nga.
'K..Kevo??' Nauutal at naiiyak kong tawag sa kanya.
'Abah.. A..Ako nga.' Sabi nya tapos tuluyan syang lumapit sa akin.
'I..Ikaw yung gumawa nito?? I..Ikaw??'Tanong ko pero nanatili syang tikom ang bibig. Nakatingin lang sya sa akin na para bang awang awa sa hitsura ko.
Hindi sya sumagot, pero alam ko kung anong isasagot nya.
</3
Hindi ko tuloy mapigilan yung pagbagsak ng mga luha sa mata ko, Ang sakit! Ang sakit sakit malaman na sya ang nagplano ng lahat ng ito. Bakit?? Bakit kevo??
'B..Bakit?? Bat mo ginawa to??' Tanong ko sa kanya na hindi na mapigilan ang pag iyak.
'D..Dahil, Dahil mahal kita. Mahal kita Abah .'Sagot nya, Halos manikip yung dibdib ko sa mga sagot nya, Mahal?? Mahal nya ako?? Kung mahal nya ako bat nya ginawa to??
Paaaaak!!!
Sinampal ko sya,
'M..Mahal?? Mahal mo ako?? K..kung Mahal mo ako bat mo ginawa to?? Diba dapat sinuportahan mo ako sa lahat ng gusto ko?.'Matapang na sabi ko sa kanya. Napapikit naman sya.
'Hindi sa lahat ng bagay Abah, Dahil kung talagang mahal mo ang isang tao, hindi mo sya kukunsintihin sa mali nyang gawain ,kundi itatama mo sya, Abah, Ganyan ang tunay na pagmamahal! .' Sagot pa nya pero patuloy parin na naging sarado yung isip ko, Ayaw tanggapin ng isip ko lahat ng sinasabi nya. Dahil alam ko sinasabi nya lang yun para pakalmahin ako sa dami ng tao ngayon.
Maya-Maya pa ay mas lumapit pa sya sa akin saka nya hinawakan yung kamay ko.
'Abah, Makinig ka sa akin, Ginawa ko to , Hindi para ipahiya ka sa mga tao, hindi para pagtawanan ka nila o husgaan ka nila, Ginawa ko to para makita mo, Maalala mo, At Maisip mo lahat ng magagandang nangyari sa nakaraan mo, Aba sana naman nabuksan ko yung isip mo, Sana naman nakatulong sayo lahat ng to.' Sabi nya pero tinignan ko lang sya ng masama saka ako nagpunas ng luha sa mata ko.
'Nakatulong?? Saan banda?? Kanino? Sa akin?? Oo siguro, Nakatulong to para mas mapahiya ako, para ipakita mo sa lahat ng tao kung gaano ako kahina, Diba yun ang gusto mo??? Yung nakikita mo akong talunan? Diba?? ' Sabi ko na nagpipigil na sa pag iyak.
Pero napatigil na lang ako sa susunod na sinabi nya.
'Oo mahina ka nga! Hindi ka lang mahina, Sobrang hina mo Abah! Kaya ka nagtatago sa karakter ni Avah diba? ,kaya ka nga nagkakaganyan ngayon diba?, Yun yon dahil mahina ka!' Galit at nagpipigil-iyak nyang sabi sa akin.
Para akong nagising sa katotohanan na Tama nga sya, na isa akong mahina, Na isa akong talunan kaya ako nagtatago ngayon sa bagong karakter na hindi naman ako.
Kaya ako nandito para ipakitang Malakas ako at makapangyarihan pero hindi naman pala.
Oo aaminin ko, Mahina parin ako hanggang ngayon, at ginagawa kong lakas ang bawat taong natatapakan ko, Pero hindi yun sapat, Dahil ngayon ko lang narealize, hindi pala ako masaya.
Tama nga sya, Hindi ako sasaya.
Yumuko ako, Saka ako pumikit para bitawan sa mata ko yung mga pinigilan kong luha, Yung luhang yun yung nagsasabi na , 'Oo mali ako, At oo tama sya. Sumusuko na ako.'
'P..Patawarin nyo ako.' Sabi ko saka ako tumakbo palabas ng Gym.
Ramdam ko namang hinahabol ako ni Kevo pero hindi ko sya nililingon, Ayokong makita nya akong umiiyak , Nahihiya ako sa kanya, Sa kanila, Sa lahat ng nagawa ko.
Gusto kong magpakalayo sa kanila.
Nagpatuloy ako sa pagtakbo kahot na dilim na natatakpan na ng luha yung mata ko.
Pero napatigil nalang ako sa pagtakbo ng may marinig akong ugong ng sasakyan na palapit sa akin kasabay ng tawag ni Kevo sa pangalan ko.
Kabbblag!
End of Abah's POV
Kevo's POV
Hindi ako makasagot ng tinanong nya ako kung ako ba ang gumawa ng lahat ng iyon.
Oo ako nga, Ako nga yung gumawa nun, ako yung nagplano sa lahat, ako yung nagplano na ibahin yung mga bulaklak pati narin yung mga Pictures at video na magflash sa Screen kanina.
Ginawa ko lahat yun, Dahil ayoko syang maging masama sa mga tao, ginawa ko yun dahi kailangan.. ginawa ko yun dahil mahal ko sya.
Dahil gusto kong ipaalala lahat ng nakaraan nya, para maintindihan nya at maisip nya kung gaano sya kalakas noong mga panahong sya pa si Abhigail.Alam kong hindi nya ako maiintindihan sa mga ginawa ko, pero ipapaliwanang ko sa kanya lahat. .
Ipapaliwanag ko sa kanya lahat hanggang sa maintindihan nya.
Hindi naman sana aabot lahat dito lahat e kung nakinig lang sya sa akin, pero hindi e, nilamon na sya ng galit nya.
Ito lang yung naisip kong paraan para mabalik ko sya sa dati. Kung hindi man ako magtagumpay ngayon, hindi ako titigil.
Kahit masakit sa akin na nakikita ko syang umiyak ngayon kinakaya ko.
Kahit masakit sa akin na nakikita syang nasasaktan tinatanggap ko..
dahil yun ang kailangan.
Gusto kong maging matapang sa harap nya..
Maya-Maya pa ay napansin kong parang natauhan na sya sa mga sinabi ko, Yung kaninang Abah na nagpipigil sa pag iyak ay halos humagulgol na.
Yayakapin ko sana sya pero nabigla na lang ako ng bigla syang tumakbo palabas ng Gym.
Hinabol ko sya at tinawag pero hindi nya ako nilingon.
Nagpatuloy parin sya sa pagtakbo hanggang sa mapatigil ako ng makita kong may palapit na sa kanyang kotse.
'Abaaaaaaah!!!'
Kablaaag!!!
</3
BINABASA MO ANG
Avah Maldita Wannabe! #Wattys2016
FanficIm ABigail AHensyano, Abah for short. Half Trying-Hard, pure gaya-gaya. Yes, Im not original but Im not fake. Im just me, and I am 'Avah Maldita Wannabe!'