'Wait? Y..You know my name??' Nagtatakang tanong sa akin nung lalaking nasa harap ko.
So tama nga ako?? sya nga? Sya nga si Kevo my loves ko? Shet!, Gawd! Ang gwapo nya sa personal! Ang gwapo ng forever ko! <3 I do! I DO!
'Ofcourse.. k.kilala kita.' Sagot ko na nakatitig parin sa katawan nyang basa pero Hot. <3 EMERGERD!!
'P..Paano? Teka?? Sino ka ba ? Atsaka bat andito ka sa Kwarto ko ha?? Sabi nya.
'Kasi..-' hindi ko na naituloy yung sasabihin ko, sumabat na agad ang loko! -_-
'Waiit? Padala ka ba ni Dad?' Sabi nya. Say Whut?? Padala ni Dad?? Sinong Dad? Si Tito???
'Padala?? ??' Sabi ko na nakakunot ang noo sa kanya.
'Oo, Dont get me wrong, I know, youre a Call Girl, right? pinadala ka ni Dad to test me, But Im sorry, pakisabi nalang kay Dad na hindi ako pumapatol sa call girl na hipon, at please pakisabi rin kay Dad na hinding hindi na magbabago yung isip ko, so please Get out! Nababahuan yung kama ko! ' Sabi nya saka nya ako hinila papalabas ng kwarto nya. Bwisit! Anong sabi nya? Call Girl daw ako?? At ano pa yung isa?? Taong hipon daw ako??? Duuuh! Ako hipon?? Bwiset! Bakit? Nakakita na ba sya ng magandang hipon??
'Ako? Call Girl na hipon? A.Ano bang pinagsasabi mo? *Tinulak nya ako* Hey, Anong ginagawa mo?? Nasasaktan ako! Bat mo ba ako pinapalabas sa kwarto mo??' Singhal ko sa kanya .-_-
'Because I cant, I'm not, and I will not!' Sigaw nya.
Huh? Ansabe?? Nakadrugs ba tong taong to?? Anong pinagsasabi nya?? Tss! Sayang ang gwapo pa naman pero mukhang may kililing. -_-
Pagkatapos nya akong itulak palabas ng kwarto nya, isinarado nya yun ng pagkalakas-lakas . Shet! Bwisit talaga! Gwapo nga may Attitude naman! -_-
Grrr! Nanggigil ako ! Gusto kong kumurot ng limampung singit ngayon na! -_- pero anong akala nya? porke crush ko sya hindi ko na sya kayang sampolan. Pwes, nagkakamali sya. I'm Avah Maldita Wannabe, and I can do all things, if I want.
At Dahil nga galit ako, at dahil rin 'I can do all things, If I want' Kinatok katok ko yung pinto nya ng bonggang bongga tapos sumigaw ako. -_- #MalditaOn #High
'Hoy! Lalaking hubad na baliw na Ano! Na hot! FYI, Hindi ako taong hipon! at FYI, hindi ako call girl! Bwiset ka! Ang kapal ng pagmumukha mo! Muka kang Butiki na Ipis ! Kala mo gwapo ka?? Feeling mo! Ang sarap mo nailcutterin sa bagang! ' -_- sabi ko, pero mamaya maya pa ay nadatnan ako ni Tito sa ganuong posisyon, bigla naman akong nag Santa Santita . At umaktong prang walang nangyari.
Shet! Nahuli ako ni Tito.
Nilapitan nya ako.
#MalditaModeOff #SantaSantitaModeOn
'Oh? W.What's Wrong, Hija? Sinong kaaway mo??'Tanong nya sa akin .
'Ah, W..Wala po, Tito.' Sagot ko naman
'Sinungaling! Wala? Eh bakit may sumisigaw at kumakalabog kanina sa baba??' Sabat naman ng isang pamilyar na boses, Si andrea yun ah?? Tumingin ako sa kanan ko na pinanggalingan ng boses ni tilapia. At andun nga sya. Ay wrong. Sila pala , kasama nya kasi si Claudine, nakapamewang sila habang nakataas naman yung kilay nilang korteng nike sa akin.
'Oo nga!' Sabat pa ni Claudine.-_-
Binaling ko yung tingin ko kay tito, Shet, mukang di din sya naniniwala sa sinabi ko.
'Ah..eh, S..Sorry po, S..si K..Kevo po kasi e.' Sagot ko.
'Kevo? Nandito na si Kevo?? ' tanong ni Tito.
'Opo' Sagot ko naman.
'Yeah, Dad sinalubong namin sya ni Claud sa Airport kanina.' Sabat uli ni Tilapia.
'Why didnt you tell me??' Si Tito
'Dad, *Lumapit sya kay Tito* Alam mo naman yan si Kevo, napakamasikretong tao nyan.'
'Kahit na, dapat sinabi nyo pa din sa akin.'
'Dad, last minute rin namin nalaman,Kung hindi pa nga sinabi ng bf nya na uuwi sya hindi pa namin sya masusundo e.' Sabi ni tilapia.
Wait?? T..Tama ba yung pagkakarinig ko?? Bf? As in Boyfriend?? May boyfriend si Kevo?? Bakla si kevo??
'B..Boyfriend???' Tanong ko kay Andrea
'Yes, Bakit?? Nagulat ka?' Si Andrea. Bobita ba tong taong to?? Tatanungin pa e halata naman sa reaksyon ko!!-_-
'B..Bakla si Kevo???' Tanong ko ulit na di parin makapaniwala sa narinig.
'Oo, bakit?? Crush mo??' Tanong ni Andrea.
'H..Hindi ah!' Sagot ko
'No, He is not Gay, He's just Curious.' sabat naman ni Tito. Pansin ko, uso sabat ngayon ah??
Tss! Naguguluhan na ako ng bonggang bongga?? Ano ba talaga?? Bakla ba talaga sya o lalake???
'Dad? 21 na si Kevo, Curious pa ba yun??? Dad, tanggapin mo na kasi.' Sabi pa ni Andrea, Hindi ko na tuloy alam kung sinong papaniwalaan ko.
Tinignan ko naman yung reaksyon ni tito sa sinabi ni Andrea, at mukang ayaw nyang sumang ayon. Teka?? Ano ba kasing meron??
Maya-Maya pa ay lumapit si Tito dun sa labas ng kwarto ni Kevo, Kumatok sya dun.
'Kevo.' Sabi nya.
'Kevo.' Pag-uulit ni Tito na medyo seryoso na ang boses. Ngayon ko lang sya nakitang ganun. Iba pala sya Magalit.
'Dad, Please. Sorry pero di mo na ako mapipilit.' Sagot naman ni kevo na hindi parin binubuksan yung pinto.
'I don't understand kung anong nangyayari sayo, bat ka ba nagkaganyan?' Sabi ni tito.
'Dad, Ayoko muna ng magulo, Please .' sabi nya.
'Okay, kung yan yung gusto mo, pero please, sana kausapin mo na ako mamaya.' Sabi ni tito, pero di na sumagot si baliw.
Mr. Attitude talaga!-_- Pati si tito nagaganun nya! Tss! Pero wait? Mr. nga ba talaga or Miss?? Naloloka na din ako! -_-
Akala ko pa man din sya na ang Neo Aguilar ng kwento ko, Hindi pala!
Halos ipush ko na yung sarili ko sa kanya tapos hindi pala kami talo?? Tss! Sayang ang pag beautbeauty rest ko sa kanya! -_-
So, Kaya pala sabi nya kanina, padala ako ni Tito ? Tapos ang sabi pa nya, He cant, He's not, and he will not daw??
Okay, Naiintindihan ko na. Kaya pala pinagkamalan nya akong Call Girl kanina, So Akala pala nya nandun ako para itest yung sexuality nya???
Na-ahh!
Exactly!
I got it!
Confirmed!
Bakla nga ang loko! -_-
Tsss!
Pero ang sakit naman nun. </3
hindi ko inexpect na mangyayari to, Kainis !
Ang aga ko namang ma-heartbroken!!
Hindi pa naging kami pero ang sakit na! </3 tss! wala talagang forever!
Kahit masakit at kasuka-sukang isipin, Parang gusto ko na tuloy maniwala sa sinabi ni Allysa kanina na yung kuya budong nya si Neo ko sa kwento kong to, Tsss!
Author, Si Budong nga ba talaga si Neo Aguilar ko??
Pwe! Kadiri! -_-
_____________________________________
a/n: sorry Guys haha ngayon lang nakapag update. Btw! Buo na si Kevo haha pagnasaan nyo na sya.
BINABASA MO ANG
Avah Maldita Wannabe! #Wattys2016
FanfictionIm ABigail AHensyano, Abah for short. Half Trying-Hard, pure gaya-gaya. Yes, Im not original but Im not fake. Im just me, and I am 'Avah Maldita Wannabe!'