MALDITA WANNABE 15

816 26 8
                                    

Oh! Tapos na ang Valentine, Ano, Mahal ka parin ba nung nakadate mo kahapon??

For sure, Hindi na no??

Nakuha na kasi nya yung gusto nya sayo! -_-

Kawawa ka naman.

Yan kasi! Nagpapaniwala ka sa forever. Walang ganun uy!

Tandaan mo Lahat nagbabago. 

Lahat nawawala.

Lahat nagtatapos .



Kaya kung ako sayo, Gumising ka na sa katotohanan! Wag puro Hopia. Feeling Doraemon???



Porke binigyan ka lang ng Flowers kilig na kilig ka na? Porke binigyan ka ng Chocolates akala mo mahal ka na??



Tandaan mo , ang Flowers binibigay din sa patay, at nalalanta! Ang Chocolates maaring maubos at minsan nakasakit ng ngipin.



Pero ang Bigas, kapag sinaing mo maari ka pang mabuhay ng matagal! -_- inuuna kasi ang kalandian kesa buhay e! klk!



Kaya ka di na tayo binibisita ng mga allien e! Dahil sa pinaggagawa nyo! Pwe!



Kung tinatanong nyo kung bitter parin ba ako, Isang malaking HINDI no! Why should I??



FYI, pwede akong maging masaya kahit walang lovelife! -_-



Ano nasasaktan ka?? Dapat lang! Kasi Reality HURTS, Reality KILLS! gagang to! -_-

Tss! Tama na nga to! Walang kwentang usapan! Tss!




Back to my mahadera at nakakalokang Story.

..

Dahil nga Mahadera ako, at gusto kong malaman agad kung anong koneksyon ni Dr. John sa akin, bumalik ako ng School para puntahan sya sa office nya.

Pinipigilan pa ako ni Mama kanina pero nagpumilit ako, kesyo wag na daw akong bumalik kapag pinuntahan ko pa si Dr. John, Eh bakit ba ??? Ano ba kasing relasyon nila at ayaw nalang ni mama na makalapit pa ako sa kanya?.




Tatay ko ba talaga sya??? O baka naman nagpapa five-six si Dr. John kay mama nun, tapos si mama naman tinakbuhan nya si Dr. John kaya ayaw na nyang magpakita pa haha




Pero Narealize ko, Intsik pala si Dr. John, hindi bumbay . Lol naloloka na ako.-_-



6:00 pm na ng hapon ng makarating ako sa School, umaasa parin kasi ako na sana naman hindi pa nakauwi si Dr. John, dahil kung hindi , baka hindi ako makatulog sa kakaisip nito.



Kumatok pa ako sa pinto ng office nya pero walang nagbukas sa akin, Parang wala ng tao.


Wala narin kasi akong naririnig na kahit ano mang ingay sa loob.


Siguro nakauwi na sya.

Lintik naman oh! -_- paano na ako nito? Sinabi ko pa naman kanina kay mama na uuwi lang ako kapag nalaman ko yung totoo, nakakainis!


Dahil nga sa nawawalan na ako ng pag-asa na malaman kung anong totoo , sumalampak nalang ako sa labas ng pintong yun..



Avah Maldita Wannabe! #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon