Umuwi ako sa bahay pagkatapos mangyari yung mga kaganapang iyon.
Nakakainis lang talaga! Nasira yung First day of School ko dahil sa babaeng yun!
Nasira yung plano ko! Nasira yung Outfit ko! Nasira na buhay ko! Nasira na ako! Ayoko na mag-aral! Hindi na ako papasok sa University na yun! Bwiset!
Pero syempre joke lang yun!
Kahit naman ganito ako may awa padin naman ako sa Parents ko no?
Ang hirap kaya mag Araro sa bukid at maglaba ng tone-toneladang damit at magpa otosan mapa-aral lang ako sa mamahaling University na yun.
Nagdown narin kasi ako ng Tuition ko dun atsaka malaking bawas na ang 3500 sa 50K + kong Tuition fee. Aarte pa ba ako? Sayang din yun no!
Buti sana kung matalino ako para maging scholar nalang sa university na yun pero hindi e, Yes I admit it! hindi ako matalino, pero atleast ako may laman yung boobs ko, Hindi kagaya ng iba na wala na nga laman yung Brain wala pang utak . How sad! Double kill diba?
PAGKAPASOK ko sinalubong agad ako ng mala- Yaya Miranda kong Step Sister.
'Oh? Ang aga mo naman yata ngayon? Bat ka umuwi agad diba first day of Classes ngayon? Hindi ka na naman ba pumasok? Isusumbong kita kay Daddy! ' Banta nung Step Sister kong pumapapel sa buhay ko.
Bwisit din tong babaeng to eh! Daddy pa tawag sa tatay namin. Feeler! Pero alam nyo ba na para talaga syang si Miranda?, pareho kasi silang umaatittude! Akala mo naman kung sino! Ang sarap nailcutterin ! Mukha kasing kuko! Bwiset! Atsaka ang sarap din nyang ilagay sa Starbucks Coffee, muka syang patay na daga! -_-
Sa mga pagkakataong iyon, Naalala ko yung isang chapter sa Avah Maldita, yun bang sinagot ni Avah si Miranda?
At dahil mahadera at gaya-gaya ako, sasampolan ko rin sya to the nth power!
Tinignan ko sya mula paa hanggang paa, saka ko inilagay yung kamay ko sa bewang ko kasabay ng pagtaas ng Kilay ko.
#MalditaOn
'Hoy! Miranda! Ano ba sa tingin mo ang papel mo sa bahay na to? Baka nakakalimutan mo anak ako ng May ari ng bahay na to? At baka nakakalimutan mo rin, Hindi ako ang binabantayan mo kundi si Avy!' Nag-ala Avah Malditang Singhal ko sa kanya.
Kumunoot noo naman sya saka sumagot sa akin.
'Talaga? Sa pagkaka alam ko hindi lang ikaw ang anak ng may ari ng bahay na to, Ako rin! Atsaka Sinong Miranda at Avy yung pinagsasabi mo ? Nababaliw ka na ba?' Sabi nya na takang-taka ang hitsura.
ako naman parang biglang natauhan sa sagot nya, Saka ko lang narealize na nahihibang na naman pala ako at binubuhay ko na naman yung mga karakter ng Avah Maldita sa buhay ko.
'Wala! ' Sabi ko sa kanya saka ako nagwalk out then dumeretso na ako sa kwarto ko.
Ay teka! Wait! oo nga pala! Nakalimutan ko wala pala akong sariling kwarto ,Maliit lang pala bahay namin, haha as in, pagpasok mo yun na yun! Hindi kagaya nung bahay ni Avah na anlaki laki. -_-
PAGKATAPOS ng umaatikabong sagutan namin ni Miranda ay este ng aking Step Evil Sister, pumasok na ako sa kwarto naming lahat.
By the way, FYI Apat lang kami sa bahay na to, Si Mama, Tapos yung Step Dad ko at yung Step Sister kong may asal Miranda.
Wala kaming katulong, At wala ding Avy at Ian sa buhay ko.
Nakakainis lang talaga isipin na sa dinami-rami ng pwedeng mabuhay na Karakter sa Kwento ni Avah na pwedeng ma-import sa kwento ko, BAT SI MIRANDA PA!!! BWISSET!
Pero at the other side naisip ko mukhang okay na rin yun! Atleast ramdam ko ang inis ni Avah kay Miranda.
Okay! Back to my Story.
Nag-ayos ayos na ako at hinubad ko na yung pangmayamang damit ko na nabuhusan ng Kape ng 7/11. Tss! Bwiset! Naalala ko na naman! Bat ba sa dinami-rami ng Kape bat yung mumurahin pa! Pwede namang Starbucks e! Matetake ko pa sana kung Sosyaling kape yung nabuhos sa akin! -_-
Sayang pa tuloy tong Black Chanel Dress ko! Alam nyo bang kakabili ko lang to sa Divi? 150 din kaya to! Pinaghirapan ko pang magtinda ng laman (karne ng baboy wag kayong ano at bakal-bote maachieved ko lang tong pang mayamang Dress na to!-_-
Hind ko lang talaga matake na sinira ng babaeng yun yung araw ko! Nanggigigil ako! Tss! Magtutuos talaga kami kapag nagkita kami ng babaeng yun! Ipaparamdam ko sa kanya ang Pangmayaman revenge ng isang Abah Maldita! Grrr!
NAPANGIWI ako bigla ng makita kong wala na akong maipapalit sa pangmayaman Dress ko, what the F! :'(
Anong isusuot ko ngayon sa school? Imbes babalik pa man din ako dun!
Nasuot ko na lahat!
Pati ba damit tratraydurin ako?
FYI, ako kasi yung babaeng hindi na nag-uulit pa ng damit,dahil once na nasuot ko na basura na lang yun. Dahil kaming mga Maldita hindi nag re-recycle!
Pero dahil Mahadera ako at gusto ko paring pumasok, No choice ako! Magsusuot ako ng Recycle na damit ngayon. Naisip ko ,hindi naman siguro mapapansin to ng mga Lower class Malditas. Unless mahadera rin sila katulad ko at tatanungin pa kung nausot ko na ba ng paulit ulit yung damit.
SUOT ang red PRADA dress, red PRADA shoes at red PRADA bag, buong taas noo kong binaybay ang Highway papunta sa school.
Sabi nga ni Avah, Masyado kaming maganda para yumuko habang naglalakad.IKR!
Pero kung nagtatanong kayo kung bakit ako naglalakad, Hell-oh? Malapit lang kaya bahay namin sa School, mga 10 meters lang o diba? Aarte pa ba ako at magsasayang pa ng pamasahe? 70 pesos din yun no! Pang starbucks na din yun!
And kung mahadera din kayo at tinatanong nyo rin kung bakit din ako nagpalit ng Shoes and bags kahit dress lang natapunan sa akin? , another Hell-oh? Ako si Abah, Remember?
Ang taong katulad ko ay madalas magsawa sa mga bagay bagay. TAKE THAT!
Hell-oh! -_-
BINABASA MO ANG
Avah Maldita Wannabe! #Wattys2016
FanficIm ABigail AHensyano, Abah for short. Half Trying-Hard, pure gaya-gaya. Yes, Im not original but Im not fake. Im just me, and I am 'Avah Maldita Wannabe!'