MALDITA WANNABE 16

822 35 15
                                    

Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na Pamangkin pala ako ng isang John Ahensyano, ng isang May-ari ng pinapasukan kong School ..

At hindi lang iyon,  may lahi din pala akong Chinese? Im happy to know na Hindi na ako made in China.

Nakakaloka nga lang isipin na ako lang yata ang Itsik na Malaki ang Mata. Si mama kasi, di naman kaliitan mata nun e. Siguro nagmana ako sa tatay ko. Pero okay lang yun, basta Chinese ako! Tapos!



Ang saya lang talaga isipin na yung dating pinapangarap ko lang ay naabot ko na sa isang iglap lang.

Ang kaso, tutol si Mama. -_-

Pero ang pinagtataka ko lang, bakit kaya ayaw ni Mama na mapalapit ako kay Tito John??

Atsaka bat humiwalay si Mama sa pamilya nya??

Nagsawa kaya syang maging mayaman?? Choosy si Mama ah! Feeling pretty. -_-


Pero Seriously, Ayoko naman sana syang suwayin e pero pagod nadin kasi ako.

Pagod na akong magmahal. Haha chos!

Ang totoo..

Pagod na talaga akong maging mahirap.


pagod na akong magsuot ng fake na gamit Hindi ko lang sinasabi sa inyo pero kating kati kaya ako kapag sinusuot ko yung mga gamit ko. -_- Alam nyo na. Sensitive ang Skin ko sa mga ganung bagay.



Kaya this time gusto ko naman ng panibago, yun bang rumarampa ako nakasuot ako ng Original na Shoes and bags.-_- with original Label, yung Bag ko kasi wrong Spelling yung logo nya. Klk!


Atsaka, Yun bang Starbucks ang tubig ko, hindi 7/11 coffee.-_- althougj masarap naman ang 7/11 pero iba pa din ang Starbucks.





Yun bang, nagmemake way ang mga tao sa akin kasi kilala nila ako bilang pamangkin ng may ari ng School.-_-


Yun bang, hindi na ako nagtitinda ng bakal bote para makapunta sa isang mall para lang mag Window Shopping.-_-



At lastly, yun bang masasabi kong parehong pareho na talaga kami ni Avah?? Tinitingala, Iginagalang, kinakatakutan.



And I think, magagawa ko lang lahat ng yan kapag pinili ko si Tito Kesa kay Mama.

Masakit mang sabihin pero, Wala talaga akong mapapala sa kakarampot na kinikita nya sa paglalaba. Atsaka ayaw ko ng makipagsiksikan dun sa pamilya nya no? Buti sana kung Close kami nung Anak nyang si Miranda Slash Claudine.


Ay! Speaking of Claudine, Namimiss ko nading kasagutan yung babaeng yun.

Pero maisip ko lang,  Paano kaya kung isama ko sya dito?, Alam ko namang gustong gusto nya to no? Pero ang kapalit, Magiging yaya ko sya, Parang si Miranda lang.


Oh diba?? Perfect!!

Makakaganti din ako sa kanya ng bonggang bongga!

Pero as if namang dito na talaga ako titira no??

Pero kung oo man, Ganun na talaga ang gagawin ko, Hihilingin ko kay Tito na dito na sya matulog, Syempre Mahadera ako.

Nakakatuwa na dito ako magpapalipas ng gabi ngayon.

ano kaya ang reaksyon ni Babaeng tilapia kapag nalaman nya na yung binangga nya ay Pamangkin pala ng tinuturing nyang tatay?

O diba ang saya??

Avah Maldita Wannabe! #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon