MALDITA WANNABE 23

736 20 6
                                    

Nagtatakip ako ng tenga ngayon, habang nagkukulong sa bago kong kwarto. Kainis kasi.

Kasalukuyan kasi akong sinesermunan ni Tito ngayon. Tss. Bwisit kasi talaga yung Eva na yun! Nadamay pa ako. Nagsisisi talaga ako na binalikan ko pa sya kanina para Isama pauwi, nalaman tuloy ni tito na nag Bar din ako.-_-

Pinapagalitan nya ako kasi tinatanong nya kung bat daw ako nag Bar?? Ano daw ginawa ko sa bar?? Duhh! Tito? Commonsense?? Hindi mo ba alam kung ginagawa sa Bar?? -_-

Pero dahil nga ayokong makarinig ng Sermon ni Tito, pinili ko na lang na magpatugtog ng mga Rock Song sa cellphone ko saka salpak sa tenga ko yung golden Rihanna Earphones kesa naman masagot ko sya at makita nya ang Maldita Side ko. Kainis lang isipin na pinagkakaisahan na nila akong lahat. -_-

Feeling ko wala na talaga akong kakampi. Si Mama itinakwil na ako, Si Claudine, at Andrea ay Matalik na Kaaway ko, Tapos si Ricky naman kinakalaban pa ako. -_- Isa pa si Tito nakikisali pa. -_-

Kung si Nerd naman ang aasahan kong maging kasama ko sa lahat ng bagay. Tss. Wala ding kwenta yun. -_- anong maitutulong sa akin ng babaeng yun?? Baka pasakitin pa nya ang ulo ko ng bonggang bongga. Kaya mas mabuti talagang ako na lang mag isa.

Ano akala nila?? Hindi ko kaya mabuhay ng wala sila?? Hell-oh?

Im Abah, Remember??

Di bale. Ilang days nalang naman ang hihintayin ko at mangyayari na rin ang pinakaaabangang Pangmayamang revenge ko sa kanilang tatlo. Ay No, Apat na pala sila. Kasama na ngayon si Ricky sa Hate list ko .:D

Iniisip ko pa lang yung mangyayari naawa na ako sa kanila. Hmm. Tiyak na isusumpa nila ang araw na yun. *Evil Laugh* Im sorry pero deserving silang maranasan yun.

Pero wait. Eh ano nga bang gagawin ko sa kanila??

Well. Kung nabasa nyo na sa Avah Maldita yung Pagmayamang revenge ni Avah, May clue na kayo sa mangyayari, Pero eto lang ang masasabi ko sa inyo, Kung pinalakpakan nyo ang Pangmayamang revenge ni Avah, Im sure hindi lang palakpak ang makukuha ko sa inyo kundi Mapapatayo pa kayo sa version ko. :)  -_^

Pero ang tanong?? Ready na ba ang lahat??

Oo naman. Nakalimutan nyo na ba?? I was born ready. Kasado na ang lahat. Yung Venue, mga Kandila, Kape at Biscuits at apat na kabaong readyng ready na.

Im sure tinatanong nyo kung may mamatay ba??


Sad to say Wala. :( Kahit gusto kong meron, hindi pwede, Naalala ko kasi yung Sabi ni Avah, Hindi solusyon ang kamatayan para matapos lahat ng paghihirap nila. Tama naman. Ayokong matapos lang agad agad ang revenge ko ng minsan lang.


Kaya naman I decided na bigyan pa ng mga kasunod. Take note. 'MGA'. It means hindi lang isa. Hindi lang dalawa. Hindi lang tatlo. Siguro mga lima LANG. Unang hakbang ko palang kasi ang Pangmayamang revenge ko.


Eh para saan yung kabaong??

Well. Panakot ko lang sa kanila yun. As if namang papatay ako diba?? Kung mangyari man yun, Ako na siguro ang pinakamagandang mamamatay tao sa World. Pero dahil mabait pa ako sa lagay kong to bubuhayin ko parin sila hanggang sa gustuhin na lang nilang mamatay.

Good Idea ba??

Anyway. Mukhang masyado na akong nagdadaldal dito, Masyaso ko na ring Ineexcite ang sarili ko sa mga mangyayari. Siguro tama na rin muna ang Hints/ Clues sa mangyayaring revenge baka kasi di na kayo maexcite kapag dumating na yung araw na yun. :)

Avah Maldita Wannabe! #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon