Nakakastress! Arrgh! Nakakabwiset! Naloloka na ako sa mga nangyayare! Hindi na maganda to.-_-
Paano ba naman kasi, nagsumbong si Tilapia kay Tito na hindi raw kami pumasok kanina.
Paano nya nalaman? Edi dun sa mahaderang Head teacher ni Ricky the piggy! Nagsumbong daw si Tanda kay Andrea Tilapia na ginagawa ko raw privilege yung pagiging pamangkin ng School owner para hindi na ako pumasok sa subjects ko at sinasama ko pa daw si Ricky at Allysa sa mga kagagahan ko.
Eh anong gagawin ko?? Kung hindi sana sila boring magturo, edi sana may gana akong pasukan sila. Pero hindi ganun yung nangyayari e, halos puro Charo Santos ang peg ng mga Prof. Dito -_- nakakaloka lang talaga!!
Ang ayaw ko pa sinabi nyang araw-araw ko daw yun ginawa, which is tama naman talaga, pero hindi ko lang maatim na ngayon, Nagmumukha na akong masama kay Tito. >_<
Isa pa yung Step sister kong Ulaga ! Bwisit din talaga yun e! Kung makabigay ng opinyon wagas! Akala nya fretty sya! -_-
Sinabi ba naman nyang, Ginagasta ko raw yung perang binibigay ni tito sa akin sa mga luho ko?, Tss! Tanga ba sya? Ano sa tingin nya ang gagawin ko sa pera?? Iipitin ko sa kepyang ko forever?? Bwisit! -_-
Arrgh! Ginagalit talaga ako ng dalawang babaeng yan. Kapag di talaga ako nakapagtimpi, Pagsasamahin ko talaga ang De kolor sa puti! -_- *Rhyme. :D
Pero dahil ako si Abah, hindi ako magpapatalo sa kanila.-_-
Katunayan nga ay tinawag ko ngayon si Ricky at Allysa sa Coffee shop, Andito kami ngayon para sa tatlong babaeng gustong sumira ng maganda kong image kay tito.
tatlo? Bakit tatlo??
Well. Isasama ko lang naman si Tandang Head teacher sa mga plano namin.
Gusto kong ipalasap sa kanila ang batas ng isang api! -_-
Gusto kong iparanas sa kanila ang pangmayamang revenge ng isang Avah Maldita Wannabe!
'Pangmayamang revenge??' Korus na sabi ni Ricky at Allysa sa akin.
'Oo, Pangmayamang revenge.' Sagot ko.
'Saan mo naman napulot yan ha?' Tanong ni Ricky. Tinignan ko sya saka ako ngumiti ng bonggang bongga.
'Kay Avah.' Sagot ko.
'Avah??' Tanong ni Ricky.
'S..Sinong Avah?? Si Avah Chen??' Tanong naman ni Nerd
'Oo.' Sagot ko.
'T..Talaga? Avah Chen of Avah Maldita? Yung book na pinahiram ko sayo..M..Miss Abah??' tanong ni Nerd.
'Oo nga' Sabi ko.
Hell yeah, tama yung pagkakabasa nyo, pinahiram nga sa akin ni Nerd yung book na yun nung birthday ko bago nya ako iwan.-_-
'So, kaya pala nagkakaganyan ka , kasi si Avah ang ginagaya mo.. M..Miss abah??' Tanong na naman ni Nerd.
'Nagkakaganyan? Bakit? Ano ba ako' Ako.
'Wait? Teka?? Sino ba yang Avah na yan? Hindi ko sya kilala. Pretty ba yan?' Sabat naman ni Ricky na naa-out of place na sa aming dalawa ni Allysa.
'Wag mo na syang kilalanin dahil nasa harap mo na sya.' Sabi ko.
'Ahh, I got it! Kaya pala ginawa mo akong nerd para maging kagaya ko si Hannah? Right?' Sabi ni Nerd sa akin na medyo nagiging komportable na. Wala na kasing Miss Abah kemelu sa dulo e. Pero okay lang, gusto ko yan.
BINABASA MO ANG
Avah Maldita Wannabe! #Wattys2016
FanficIm ABigail AHensyano, Abah for short. Half Trying-Hard, pure gaya-gaya. Yes, Im not original but Im not fake. Im just me, and I am 'Avah Maldita Wannabe!'