Guys this story is about Amber Persephone daughter of Liam and Lianna.
Mahuhuli nalang ung kay Adonis
Wew akala ko hanggang sa "The Prince Buddy" lang ako guys pero dahil sa inyo mas sinipag pa akong magsulat.
Try to read din if you have time!
"Shattered Pieces"
"I'm His bodyguard"
"The Hottie Mayor"
Salamuch talaga ng marami dahil hindi niyo ako iniwan guys!
Shy____
****
Nagulantang siya sa tunog ng kanyang cellphone. Nakapikit niya itong kinapa at kinancel ang tawag. Kung sino man ito gudluck antok na antok pa siya. Madaling araw na siya nakatulog dahil tinapos pa niya ang Visual aids. Isa siyang guro sa eskwelahan na pagmamay ari ng kanyang pamilya. Ang kuya Adonis niya naman ang namamahala sa kanilang kompanya. Pagkalipas ng ilang Segundo tumunog ito ulit.
Kaya paadarag niyang kinuha ito at sinagot
"hello!" aniya sa paos pang boses
"hello mam si Mang Ernest po to" ito ang driver ng kanyang Kuya Adonis
Bigla siyang kinabahan bihira tumatawag lang ang driver nito kung emergency "bakit po Mang Ernest? Ano pong problema?"
"ah mam nandito po ako sa presinto"
Nawala lahat ng antok sa sistema niya ng marinig niya ang sinabi ng matanda "huh? Presinto? Ano pong ginagawa niyo sa presinto?"
"Si sir Adonis po n---" hindi pa nito natatapos ang sinasabi
"what? Saang presinto yan manong? Pupunta ako" putol niya sa sinasab nito
"station 5 po"
Pinutol niya ang linya at agad na tumayo.Naghilamos at nagtoothbrush lang siya. Hindi na siya nag abalang mag ayos dahil sa pag aalala sa kapatd. Nanghagilap siya ng panali sa kanyang buhok at kinuha ang susi ng kanyang kotse at nagkukumahog na lumabas at sumakay sa kanyang kotse.
Pagdating niya sa presinto agad siyang sinalubong ni mang ernest. Binalewala niya ang tingin ng mga taong nakakasalubong niya. Nang pumasok siya sa presinto napako ang tingin sa kanya ng lahat. She just ignored it.
"Sir nasaan po si Adonis Lautner?" sabi niya sa pulis sa front desk. Hindi agad ito nakapagsalita kea bigla siyang tumikhim. Mukhang natauhan naman ito
"Pasok nalang po kayo sa office ni Hepe mam" pulis
Maya maya'y nakita niya ang kapatid.
"Damn Amber Persephone! What are you wearing?!" pagalit nitong sabi
Saka lang niya naisipang pasadahan ang sarili. She's still wearing her blue pajamas and white hanging top, nakalabas ang pusod niya. Tinignan niya ang paa naka bunny pink slippers pa siya. Saka lang siya nadapuan ng hiya. At ang kanyang buhok ay bahagyang nakawala sa pagkakatali. Bigla siyang namula. Nilibot niya ang paningin then her eyes suddenly met a pair of deep grey eyes at matiim na nakatitig sa kanya. Binawi niya ang tingin dahil hindi niya kayang tagalan ang pakikipagtitigan dito.
She pouted para pagtakpan ang pagkapahiya "Kuya I was worried nagising lang ako ng tumawag si Mang Ernest that's why I immediately run here! Anong bang nangyari?" usisa niya ditto
Hinubad nito ang coat na suot at isinuot sa kanya. "Somebody hit my car!" maikli nitong sabi
"huh? okay ka lang wala bang masakit sayo kuya? sinong nakabangga sayo?" nag aala niyang tanong dito
"I'm okay sis, Some witch!" inis nitong sabi
Umupo siya sa tabi ng kapatid. She was about to ask something ng may nagpupumiglas na magandang babaeng inilabas ang pulis.
"let me go! You'll gonna pay for this!" banta nitong nanlilisik ang mga mata lalo na ng tumingin sa kapatid.
"miss huminahon ka muna kakausapin kayo ni hepe" pagpapakalma ng pulis ditto.
Her forehead knotted hepe? Who this guy? Napakabata naman nito para maging hepe Tanong niya sa isip. Sa tingin niya he is in late twenties. Napagwapo nito. He was not in uniform but just the sight of him malalaman mo na na isa siya sa mga pulis. From his clean cut hair, chiseled jaw, and broad shoulders. His presence shouts authority.
Umupo ang babae sa tapat nila ng kuya niya. Di maikakailang napakaganda nito. Napangiti siya "Uhmm seems like his brother found his match already"
"Mr. Lautner magsasampa po kayo ng kaso kay Miss Lee?" Tanong ni Mr. Grey sa kuya at sa babae
Umismid ang babae "what? you asshole i can pay kahit magkano man ang damage ng kotse mo!"
His brother smirk "you witch! My name is Adonis not asshole!" madilim ang mukhang sabi ng kuya niya.
"ako witch? Ang kapal ng pagmumuka mong unggoy ka!" Sigaw ng babae
"unggoy? You flat chested witch!" balik sigaw din ng kuya niya
Bahagya siyang napasabunot sa buhok sa pagsisigawan ng mga ito. Nakahinga ang tenga niya ng pagkatapos ng halos isang oras nasettled din ng mga ito ang problema.
Ngumiti siya sa babae "ate I'm sorry for my brother's behavior" napahikab siya pagkatapos magsalita.
"ate? Is she your sister?" naiinis na sabi ng kuya niya. He glared at her brother "kuya enough look I'm sleepy kea wag ka ng makulit"
"ate by the way I'm Pen" sabay lahad ng kamay niya ditto
Bumuntong hininga naman ang babae at inabot ang kanyang kamay "I'm Daphne I'm sorry nakakaubos lang kasi ng dugo ag kapatid mo"
They both chuckled "I Know right ate"
"thank you Officer" sabi niya sa hepe at inabot ang kamay. Tumango lang ito at tinanggap ang kanyang kamay. Napakislot siya ng maramdaman niya ang init na ngmumula sa mga palad nito. Kaya agad din niyang binawi.
"next time don't wear like that kung lalabas ka. Kung ayaw mong pagfiestahan ang katawan mo!" walang kangiti ngiting sabi nito
Napawi ang kanyang ngiti dahil sa narinig mula dito. Napaka antipatiko akala mo kung sinong gwapo! Inirapan niya ito at bumaling sa babae
"ate let's go tell me where I can drop you"
Ngumiti naman ito sa kanya at sabay na silang naglakad palabas. Hindi na niya nilingon ang antipatikong pulis pero ramdam niya ang titig nito sa kanyang likod.
Habang ang kuya Adonis niya ay hindi parin maipinta ang mukha. Sininghalan nito ang mga tao sa information.
"you fuckers! Stop looking at my sister like that!" Napailing nalang siya. Some things will never change masyado paring strikto ang kapatid.
BINABASA MO ANG
Chained
Narrativa generaleShe's a Princess Get everything she wants Except for the man she loves... Gagawin niya ang lahat Mahalin lang siya nito... If loving him means to be chained forever Then she'll be more than willing...