"I didn't know that I was starving 'til I tasted you
Don't need no butterflies when you give me the whole damn zoo
By the way, right away you do things to my body
I didn't know that I was starving 'til I tasted you "Pahinamad na kinapa ni Pen ang cellphone sa kanyang bedside table ng tumunog ito. Kasarapan ng tulog niya ano ba naman!
Dahil antok na antok pa ay nakapikit at ungol lang ang naisagot niya "Hmmmmm?"
"Brat"
Natakot ata ang antok sa boses na iyon at agad itong lumayas sa kanyang sistema. Para siyang naturukan ng energy drink. Nabuhay ang bawat himaymay ng kanyang buong pagkatao. Maging ang puso niya ay nagwala. "Anong kailangan mo?" aniya sa paos pang boses.
"Where are you?"
Ang sagot niya ay sinagot din nito ng tanong. Tumawag ito dis oras ng gabi para lang tanungin kung nasaan siya. Obvious ba? Kagigising nga lang niya diba?
"Nasa Bar!" sa inis niya ay papalisopo niyang sinagot ito.
Mahina itong tumawa, d*mn it sounded so sexy! "Yeah right.."
Umingos si Pen "Kagigising ko lang diba? It means nasa bahay ako, where else would I sleep?"
She heard his harsh breath "In his place"
Pen switched on her Lampshade at napaupo. Sumandal siya sa headboard ng kanyang kama. "His place?" Napakunot siya ng noo "Who?" Pinagsasabi ng Menopause na to?
"Still there?" bigla kasi itong nanahimik.
"Yeah..."
"What's wrong with you? Bakit ba ang hilig hilig mong mambulabog?" Kunwariy inis na saad niya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang ngiting nais sumungaw dito. As if makikita naman siya nito.
"I don't know..."
Napaayos siya ng upo ng marinig ang sagot nito. He sounded so sad, naalala na naman ba nito ang fiancee nito? Biglang napalis ang kilig na naglalaro sa kanyang dibdib kanina. "You okay?"
"What do you think brat?"
Pen made a face! Kagaya kanina ay tanong na naman ang sagot nito sa tanong niya.
"Come down If you wanna know"
Come down? Her eyes widen! Agad siyang tumayo at sumilip sa kanyang bintana. Nandun nga ang binata. Nakasandal ito sa kotse nito, nakapamulsa ang isang kamay at ang isa naman ay hawak ang cellphone na nakadikit sa tenga nito.
Napapitlag siya ng muli itong magsalita sa kabilang linya "So?"
Tila may sariling isip ang kanyang mga paa dahil bago pa niya namalayan ay nakababa na siya. Nahaplos niya ang sariling braso ng dumapo ang malamig na hangin sa kanyang balat. D*mb Pen! mura niya sa sarili. She was only wearing her nighties. Nakalimutan niyang mag-roba oh mag-jacket man lang. Too late to go back dahil nabuksan na niya ang gate at nakalabas na siya. Pinaharap nalang niya ang kanyang mahabang buhok para matakpan ang kanyang dibdib at hindi mahalatang wala siyang suot na bra.
Napatigil siya sa paghakbang ng biglang naalala ang sinabi nito kanina sa Police Station. "Sabi mo kanina don't come near me" hindi maitago ni Pen ang hinanakit. Nasa tenga parin niya ang cellphone at ganun din ito.
"I'm taking it back!"
Parang ipinako si Pen sa kinatatayuan ng makitang nagsimulang humakbang palapit sa kanya si Aston. Bago pa siya makapagprotesta ay hawak na nito sa braso habang marahan siyang iginiya papunta sa sasakyan nito.
BINABASA MO ANG
Chained
Ficción GeneralShe's a Princess Get everything she wants Except for the man she loves... Gagawin niya ang lahat Mahalin lang siya nito... If loving him means to be chained forever Then she'll be more than willing...