Bandage

5K 208 14
                                    

Pinilit ipinagwalang bahala ni Pen ang pagkailang sa mabigat na titig ni Mamang Pulis. Kaya inabala nalang niya ang sarili sa pagsalansan sa cabinet ng mga librong ikinalat ng kanyang mga bulilit. Nang matapos ay isinukbit sa kanyang balikat ang bag at bumaling sa binata.

"Done?" tanong nitong medyo naiinip na.

Lumabas na ito matapos niyang tumango. Kinandado muna niya ang kanyang classroom bago siya sumunod. Ng makarating siya sa parking lot ay nadatnan niyang nag aantay na ang binata habang nakasandal sa sasakyan nito.

"Iwan mo muna ang sasakyan mo. Ibinilin ko na sa guard, we're going somewhere" Binuksan nito ang sariling sasakyan at lumulan.

Sabi mo eh! Pabulong niyang sagot.

Saan naman kaya sila pupunta? May somewhere bang lugar? Ano na naman kaya ang ipapagawa ng menopause na to sa kanya?

She rolled her eyes at tumalima.

Napakunot ng noo si Pen ng mahagip ng kanyang mga mata ang kamay ng binatang nasa manibela. Bakas ang sariwang dugo at kulay violet na ang kamao.

Anyare? May binugbug ba ito?

"What?" masungit nitong tanong ng mapansing nakatitig siya dito habang nagmamaneho.

Napakagat ng labi si Pen para pigilin ang sariling magtanong kung ano ang nangyari. Baka mamaya bulyawan siya. Patay malisya siyang umiling.

Ngunit hindi niya mapigilan ang sariling palihim na sulyapan ulit. His hand doesn't look good. "Pwede bang kapag may madaanan kang pharmacy paki hinto? May bibilhin lang sana ako"

He didn't response at nanatiling tutok ang mga mata sa kanilang dinaraaan. Malakas ang pagkakasabi niya kaya alam niyang narinig ito ng binata.

Maya maya nga ay inihinto nito ang sasakyan sa tapat ng isang Pharmacy.  Agad siyang umibis at binili ang pakay. 

Pagbalik ay hindi naman ito nagtanong kung anong binili niya. 

Nabulabog ang nakakailang na katahimikan ng tumunog ang cellphone nito.

"Hello? What?!!!!" nagdilim ang mukha nito, halos lumabas ang mga ugat sa kamay sa sobrang higpig ng hawak nito sa manibela. Base sa reaction ng binata mukhang nakatanggap ito ng hindi magandang balita.

"Find her or I'm going to shoot all of you!!!" halos mabingi si Pen sa sigaw ng binata.

Napasigaw at mariing napapikit ang dalaga ng bigla nitong ipreno ang sasakyan. Sumadsad sila sa gilid. 

"Oh my god!" itinakip ni Pen ang dalawang kamay sa mukha ng makitang konti nalang ay malalaglag na sila sa bangin. Nanginginig sa takot na isiniksik ng dalaga ang sarili sa upuan.

Napapitlag si Pen ng hawakan siya ni Aston sa braso "Nasaktan ka ba? I'm sorry"

Pumiksi si Pen at nanlilisik ang matang tinignan ang binata."Okay? D*mn muntik na tayong mamatay! Look kung may problema ka sa buhay mo huwag kang mandamay ng ibang tao!!!" pinunasan ng dalaga ang luhang tumulo sa kanyang mata dahil sa magkahalong takot at inis sa binata.

Nag isang linya ang bibig ng binata at marahang lumayo . 

Pinagdikit ni Pen ang mga tuhod at niyakap ito. She need to calm herself.

Ng makalma ni Pen ang sarili ay hinanap ng kanyang paningin ang binata. Nakita niya itong nakaupo sa damuhan habang nakatunghay sa papalubog na araw. Inilibot niya ang mata sa paligid... nasa mataas na bahagi sila at tanging mga punong kahoy ang nakikita niya. Bihira din ang dumadaan na sasakyan.

Palabas na siya ng sasakyan ng mahagip ng kanyang mga mata ang supot na nasa sahig. It was the things she bought in the pharmacy. Pinulot muna niya ito bago tuluyang lumabas. 

Marahan siyang umupo sa tabi ng binata. She stared at him, no doubt! This man is really handsome. Pero puno ng kalungkutan ang mga mata nito. "I'm sorry" basag ni Pen sa nakakabinging  katahimikan.

Nanatiling nakatitig si Aston sa papalubog na araw. "I shoud be the one saying sorry" Napangiti ito ng mapait "You're right If i wanted to die hindi dapat ako nandadamay ng ibang tao"

Woahhh! marunong naman palang mag sorry ang menopause! Kala niya kanina nagdedeliryo lang siya.

Kinagat ng dalaga ang mga labi "I didn't mean to say those words" binuksan niya ang supot at inilabas ang alcohol at bulak. Kahit walang permiso ay pumwesto siya sa harapan at inabot ang mga kamao nitong may sugat.

Napakislot ang binata sa inakto niya ngunit hindi naman binawi ang mga kamay. Matapos lagyan ng alcohol ang bulak sinimulan niya ang marahang pagdampi sa sugat nito "This must be hurt a lot" mahinang saad ni Pen.

He chuckled bitterly "Soo much! That I wanted to die"

Sinabayan ni Pen ng pagihip kapag dumadampi ang bulak sa kamao nito. She knew he wasn't pertaining to the wound on his knuckles. But the wound inside him. "pain will pass and wounds will heal, it takes time though" patay malisyang saad ni Pen dito. Ng malinis ang sugat nito ay kinuha niya ang bandage at marahang pinuluputan ang kamao ng binata.

"Bandage only cover the wound but it doesn't ease the pain" mapait nitong pahayag. 

Bumuntong hininga si Pen at isinunod ang kabilang kamay nito. "Yeah it doesn't ease the pain, but it protects the wound para hindi na lumala ito at tuluyan ng gumaling" wala na siyang narinig na sagot mula sa binata kaya tahimik na ipinagpatuloy niya ang ginagawa.

When Pen finished wrapping the bandage on his hand, she smiled "It's done!" she lifted her eyes only to found out that he was staring at her intently. Biglang bumilis ang tahip ng kanyang dibdib at agad na lumayo dito.

Ngunit biglang hinigit ni Aston ang kanyang mga braso. Dahil sa hindi inaasahan muntik na siyang nasubsob sa malapad na dibdib ng binata. Nanlaki ang kanyang mga mata ng ilang pulgada nalang ang layo ng kanilang mga mukha.

"Hi-- uhhm hindi pa ba tayo uuwi? Papadilim na" ani Pen sa binata, pilit na pinapakaswal ang boses.

Sumilay ang tipid na ngiti sa labi ng binata "Thank you!" binitawan siya nito at nag patiuna ng maglakad. "Tara!"

Napahawak si Pen sa dibdib habang sinusundan ng tingin ang binata. D*mn parang ang puso niya ang may kailangan ng bandage para mapigilan itong lumabas sa dibdib niya.

***

Wew! namiss ko kayo guys!

Ilang days kong binuo ang chapter na to nakakaloka hihi

Salamat po ng marami sa mga comments niyo.

Magulo ba ang POV ko guys? hindi niyo ba masundan? be honest please!

I've been down not because nagalit ako or what so ever sa nabasa ko.

I'm willing to accept correction because it will help me a lot.

Newbie pa nga po kasi, yun lang bigla akong nawalan ng ganang magsulat kasi nahiya ako..

Baka hindi kayo nag enjoy sa pagbabasa at hindi ko ma meet ang expectation niyo.

Wew! 

Shy___




ChainedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon