Nurse

4.7K 171 6
                                    

Parang ewang papalit palit ng tingin si Pen sa sketch pad at sa kanyang cellphone. Isang oras na ata ang lumipas ngunit puro linya palang ang kanyang naiguguhit. Paulit ulit kasing gumigitaw sa kanyang isipan ang mukha ni Aston.

Napahawak si Pen sa dibdib, "What's this?" just thinking of him makes her heart beats abnormally. She glance at her cellphone hoping that he would call her at may ipagawa ulit ito sa kanya.

Pero wala! Kanina pa itong umaga hindi tumatawag. Bayad na ba siya? Imposible!

Napabuga siya ng hangin at pinatong ang baba sa mesa. Napapitlag siya ng tumunog ang kanyang cellphone. Tumuwid siya ng upo at mabilis itong inabot.

Her excitement disappear when she saw the caller. It was Daphne.

"hello"

"What are you doing this past days? Masyado ka bang busy at hindi ka tumatawag oh nagpapakita man lang sa shop?" Daphne owned a coffee shop. Kapag tapos na ang klase niya ay dumidiretso sa shop nito at sabay silang kumakain ng lunch. Kaya marahil nagtataka ito nitong mga nakaraang araw dahil hindi niya ito ginugulo.

She groaned "Uhhh medyo Te" tipid niyang sagot. Napapikit siya at sumandal sa upuan.

"Maaga pa naman, baka gusto mo namang mag drop by dito?"

Pen took a deep breath at tumayo. Why not? Kesa masayang ang oras niya sa pag aantay ng tawag ng Mamang Pulis na yun. "Yeah... wait Te, magbibihis na ako and uhmmm.. Te, I want Caramel macchiato"

Mahina ito tumawa "Demanding like your brother huh! Fine, your caramel macchiato will be waiting for you Mam!"

Pen's lips curved into a smile. Uhmmm mukhang may contact parin ang kapatid niya dito. Something's good might going to happen.

She was driving her car on the way to Daphne's Shop ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Natatawa siyang umiling kahit kailan mainipin talaga ang babae. Napataas ang kilay niya ng makitang hindi ito ang tumatawag.

The caller was not registered on her phone. "Hello?"

"Hello si Miss Amber Persephone Lautner po ba ito?" anang boses lalake sa kabilang linya.

"Yes po, ano pong kailangan nila?"

"Si PO1 De Vera po ito Mam, pinatawag po kasi kayo sa akin ni Chief"

Biglang kumabog ang dibdib ni Pen. Nagbago na ba ang isip ni Hepe, kaya hindi ito nagparamdam ngayong araw dahil tuluyan na ba siyang kinasuhan nito?

"Ba--kit po?"

"Pumunta daw po kayo dito sa St. Agustine Hospital"

"Hospital? Why? May masamang nangyari ba?" nilukob ng kaba ang dibdib niya. 

"Dito ko nalang po ipapaliwanag. Tumawag po kayo sa numerong ito kapag nandito na kayo"

Agad siyang nag U-turn at tinahak ang daang patungo sa ospital. She dialed Daphne's number "Ate something came up! I can't make it! Babawi ako promise!" hindi na niya pinagbigyang magprotesta ang babae. Pinatay na niya ang kanyang cellphone at pinaharurot ang sasakyan.

Mabilis siyang umibis ng makarating sa Hospital. Malalaki ang mga hakbang na tinungo niya ang entrance. She was about to call the number na tumawag sa kanya ng may sumalubong sa kanya.

"Miss Lautner?"

She immediately recognized his voice. She nodded "Ako nga ho!"

Inilahad nito ang kamay sa kanya "PO1 Danny De Vera ho" 

ChainedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon