Ilang beses binasa ni Pen ang nasa papel kung tama ba ang bahay na nasa harap niya. Ng mkasigurado na ito nga ay nakahinga siya ng maluwag. Bumaling siya sa lalakeng mahimbing paring natutulog.
"Sir andito na tayo!" ng hindi parin ito tuminag ay lumapit siya para yugyugin ito "Sir!"
Bahagya itong umungol "Uhmmhmmm" may sinasambit itong pangalan ngunit hindi niya maintindihan kung kayat inilapit niya ang tenga sa bibig nito "Via.."
Nanigas siya ng marinig ang pangalang iyon. Via? Lumitaw sa kanyang isipan ang maamong mukha ng babaeng tinulungan niya sa restaurant. This guy seems to love her so much but why did she ran away? She felt a sudden guilt habang pinagmamasdan niya ang miserableng mukha ng lalake.
Wala sa sariling inangat niya ang mga kamay at dahan dahang inilapit sa mukha nito. She was about to touch his face ng lumalim ang gatla sa noo nito at nagmulat ng mga mata.
Mabilis siyang napaatras "ah--hmm uhmm gi-gisingin sana kita. Andito na tayo!" tarantang paliwanag ni Pen.
Umayos ito ng upo at sumilip sa labas. "Bakit hindi mo pa pinasok?"
Napasimangot ang dalaga at bumangon ang inis sa kanyang dibdib "Ipasok? Hindi naman ako sigurado kung yan nga ang bahay mo, mamaya mapagkamalan pa akong magnanakaw!"
Pinasadahan siya ng tingin ng binata hindi tuloy niya maiwasang mamula. Dahil sa pagmamadali nakalimutan niya kaninang i zipper ang jacket bakat tuloy ang dibdib niya. Kapag nasa loob na siya ng kanyang silid nasanay siyang tinatanggal ang kanyang bra lalo na kapag matutulog na siya. Malay ba niyang gagawin siyang Driver nito?
Nanginginig ang mga kamay na hinila niya pataas ang zipper ng Jacket hanggang sa kanyang leeg para matakpan ang kanyang dibdib.
Bakas ang disgusto sa mukha nitong umiling bago lumabas ng sasakyan. Binuksan ng binata ang gate ng sariling bahay pagkatapos ay sumenyas itong ipasok niya niya ang sasakyan.
Ng maiayos ang pagkakapark ng sasakyan nito saka lang niya naisip kung paano siya uuwi. 3:10 am? Meron na kayang pumapasok na taxi sa eklusibong subdivision na ito? Parang gusto na tuloy niyang maiyak.
Napakislot siya ng kumatok ito sa bintana. "Wala ka bang balak bumaba?" saad nito ng maibaba niya ang bintana.
Wala man lang thank you? Sabagay may utang nga pala siya sa binata. Walang imik na umibis siya sa sasakyan nito. Pen chewed her lips, paano siya uuwi?
"Follow me!" wika nito at naglakad na papasok sa bahay nito.
"Te--ka sandali!"
Huminto ito at bumaling sa kanya "What?"
"Madaling araw na baka pwede na akong umuwi?" nanantyang tanong niya dito. Ano na naman ang balak nitong ipagawa sa kanya? Ang lakas din ng trip ng Hepe na to!
Nagpakawala ito ng sarkastikong ngiti "Do you have a car?"
Kagat labing umiling si Pen. "Exactly! Wala kang sasakyan! You don't have a choice kundi magpalipas ng oras hanggang lumiwanag dito sa bahay ko. Pero lung ayaw mo fine! You can go! I can't assure you na walang mangyayaring masama sayo sa daan. Madilim pa naman" wika nito at tila balewalang ipinagpatuloy nito ang hakbang papasok.
Doon kumuwala ang inis na kanina pa pinipigilan ni Pen "Eh kung hindi mo ba naman ako ginawang driver ng ganitong oras!" nanlalaki ang butas ng ilong sa inis niyang sumbat dito. "Kung tinanggap mo nalang ang bayad ko sa damage ko sa kotse mo hindi ko problema ngayon kung paano umuwi!"
Huminto ito at muling bumaling sa kanya "madali lang naman akong kausap eh" inilabas nito ang cellphone mula sa bulsa nito.
Nanlaki ang mga mata ni Pen "San-dali! Sinong tinatawagan mo?"
"Hello Inspector Cruz pakikasuha---"
"Fine!" sumusukong sigaw niya.
Tinanggal nito ang cellphone sa tenga "You we're saying something brat?"
"Oo na! Hindi na ako magrereklamo kung anong kabayaran ang gusto mo. Just drop the case" Baka makaabot sa mga magulang at sa kuya niya kapag kinasahusan siya nito.
Ibinulsa ulit nito ang cellphone at tumalikod. Nangaasar na tinaas nito sa ere ang kamay. Para bang sinasabi nitong whatever!
Nanggigil na itinaas di ni Pen ang kanyang mga kamay at umaktong tinitiris ito. Urrghhhhh!
Napatalon siya ng bahagyang lumangitngit ang gate at umihip ang malamig na simoy ng hangin. Oemmgeee! mukhang may multo pa ata dito sa bahay nito. Kinikilabutang at malalaki ang mga hakbang na sumunod si Pen sa lalake.
Pagkapasok niya sa bahay ay agad niyang iginala ang paningin sa paligid. Dahan dahan siyang naglakad at huminto sa malaking larawang nakasabit sa dingding. A portrait of a beautiful woman smiling brightly. Kahit na sinong babae ay mangingimi sa taglay nitong ganda.
"She's beautiful!"
"Yeah she is!" mapait na sagot ng Mamang pulis. Hindi niya namalayang nasa likod na niya ito because she was engrossed staring at the picture. "But she left me out of the blue!" dumilim ang mukha nito at nag isang linya ang mga labi. Matamang pinagmasdan nito ang larawan.
"Why did she left?" hindi niya napigilang bulalas.
Tumalim ang mukha nito. Bigla tuloy siyang napaatras sa takot! "Here!" iniitsa nito ang susi sa kanya. Dahil hindi inaasahan sa noo niya ito tumama. "aray!" nakangiwing sinapo niya ang kanyang noo.
"Go home! Use my car! Ipapakuha ko nalang bukas!" Mabibigat ang mga hakbang na iniwan siya nito sa sala.
Nanginginig ang mga kamay na pinulot niya ang susi. Napahawak siya ng dibdib ng makalabas siya ng bahay nito. Sh*t Akala niya babae nagmemenopause?
But deep inside her, kinakain siya ng kanyang konsensya. Pakiramdam niya siya ang rason kung bakit ito nagkakaganun.
Paano kung hindi niya tinulungan ang babae?
Anong gagawin nito sa kanya kapag nalaman nito ang ginawa siya?
Napangiti si Pen ng mapait. "You're so lucky!" gumitaw ang magandang mukha ni Via sa kanyang isipan. "All my life I've been longing for that kind of love, but you ran away from it? Why?"
***
Wahhh ayun oh naka UD...
Maulang hapon guys! Ang lamigggg! In demand ngayon ang mga human jacket hahaha
Ako magtitiis nalang sa toong jacket! Wew ang saklap!
Gusto kong dalasan ang pag kembot guys kaso wala eh madaming work at ang utak ko ayaw makisama. Mahirap naman pinipilit guys baka mamaya hindi niyo magustuhan ang kinalabasan.
Kaya tiis tiis muna huh!
Guys ung unang magcocoment sa kanya ko po ide dedicate yung susunod na chapter huh!
Salamat!
Shy___
BINABASA MO ANG
Chained
General FictionShe's a Princess Get everything she wants Except for the man she loves... Gagawin niya ang lahat Mahalin lang siya nito... If loving him means to be chained forever Then she'll be more than willing...