"Kuya you we're rude out there! Pwede mo namang daanin sa mahinahong usapan" pangaral niya sa Kapatid niyang si Adonis ng madatnan itong prenteng nakaupo habang umiinom ng Mini Bar.
Sumimangot ito "That lady annoys the hell out of me!" naiinis nitong saad
Ngumisi siya at tinabihan ito "But she's pretty right?"
"Pretty? She's flat chested!" salungat na sagot nito sa tanong niya.
Hinampas niya ito sa balikat "ang sama mo!" tumayo siya "panhik na ko sa taas Kuya itutuloy ko pa ang tulog ko" humihikab na paalam niya dito.
Tumalikod na siya hindi na niya inantay ang sagot ng kapatid. Habang naglalakad paakyat sa hagdan hindi niya maiwasang maalala ang hepe kanina sa presinto. Hindi niya mapigilang mapangiti at mainis at the same time. You will lost just upon staring at his Grey eyes!
Pagkapasok niya sa kanyang kwarto agad niyang ibinagsak ang sarili sa kanyang malambot na kama. Inilibot niya ang paningin sa marangyang paligid.
Lumaki siyang nakukuha ang gusto. Her family treats her like a princess! Pero pakiramdam niya may kulang parin.
She's looking for something she doesn't know.
She's 24, nagkaroon na siya ng boyfriend pero walang nagtagal. Madali siyang magsawa. Maybe hindi pa siya tinatamaan ng totoong love. Like what her parents have.
Nung bata siya naiinis siya tuwing nakikita niyang ngalalambingan ang mga ito but now she understand. And she want that kind of thing!
Pumikit siya at muling lumitaw ang poging mukha ni hepe. Hanggang sa hindi niya namalayan nakatulog siya ng may ngiti sa labi.
***
Katatapos maligo ni Pen ng tumunog ang kanyang cellphone.
"hello?"
"Uy bru bar naman tayo nila Kate!" patiling aya ni Tessa sa kabilang linya.
"Tinatamad ako kayo nalang" tanggi niya
"Kj naman oh! Sige na saturday naman bukas eh!" pamimilit ng lukaret
"Pshh sige na nga! Saan tayo magkikita?"
"Sa harap nalang ng Exquisite geh na bru I'll call Kate! Whoo it's party time!" patiling sigaw pa nito sa kabilang linya.
Natatawang inilayo niya sa tenga ang cellphone Baliw din yung babaitang yun
***
Pag ibis ni Pen ng sasakyan agad niyang tinawagan ang kaibigang si Jenelyn "Saan na kayo?"
"Dito na loob pasok ka na!" sigaw nito. Hindi halos sila magkarinigan dahil sa lakas ng music.
"What part?"
"Sa dati bilis na ang daming hunks!"
Natatawang pinatay niya ang cellphone at agad na pumasok.
Maingay at puno ng usok ang paligid. Malayo palang ay nakita na niya ang mga kaibigang sumasabay pa sa musika.
"Here comes the Princesss!" sigaw ni Kate ng mamataan siyang papalapit sa kanilang paboritong pwesto nilang magkakaibigan.
"Bakit ang tagal mo?" nakangusong salubong sa kanya ni Tessa
Humila muna siya ng upuan bago sinagot ito "Nag paalam muna ako kay Kuya" sumenyas siya para palapitin ang Waiter "Martini please!"
BINABASA MO ANG
Chained
General FictionShe's a Princess Get everything she wants Except for the man she loves... Gagawin niya ang lahat Mahalin lang siya nito... If loving him means to be chained forever Then she'll be more than willing...