Payment

7K 246 23
                                    

Kagat labing natigil ang pagpasok si Pen sa loob ng Patrol Car ng mapansin niyang nakaupo sa loob ang Hepe ng mga ito. Grrrr! It was so embarrassing! 

Parang mauubusan ng hangin napahigpit ang hawak niya sa kanyang bag ng makaupo siya sa tabi nito. D*mn sinong tatawagan niya sa ganitong Oras ng gabi?

Her Friends? Impossible! Sigurado siyang busy na ang mga ito ngayon!

Kuya Adonis? He just left para sa business trip nito.

Her Parents? Nagliliwaliw pa ang mga yun ngayon. Parang laging nasa honeymoon stage.

Naiiyak na nag hanap siya ng pwedeng tawagan sa kanyang cellphone! Sino kaya?

Wait? Kanino yung sasakyang nabangga niya? Sila lang naman dalawa ang andito sa loob?    

Gusto niyang iuntog ang ulo. Nagkaroon siya ng pag asa ng makita niya ang pangalan ni Daphne. Nahihiya siyang abalahin ito pero wala na siyang alam na hihingan ng tulong. Buti nalang at nagpalitan sila ng numero bago sila maghiwalay kanina.

Pakiramdam niya nag awitan ang mga anghel ng sagutin nito ang tawag niya.

"Hello Ate Daph? This is Pen" nahihiyang usal niya

"May problema ba?"

"Ate I know we just met, but I-- uhmm I need your help" kinapalan na niya ang pagmumukha niya. "nakabangga ako" naiiyak niyang lahad dito.

"What where are you?" bakas ang pag aalala sa boses nito

"papunta ng presinto Ate"

"Saang presinto?"

"Sa Station 5 din" pabulong niyang saad.

Napahalakhak ito "Are you kidding? Naulit lang yung nangyari saken kanina?" hindi makapaniwalang saad nito. "Don't be scared I'm coming! Wait? asan yung aroganteng kapatid mo?"

"He just left the country Ate"

"Good! Mabuti naman at hindi ko pa makikita ang pagmumukha niya. Wait for me magbibihis lang ako"

"Salamat Ate"

Nakahinga ng maluwag si Pen knowing that someone will come para damayan siya. Napalingon siya sa katabi. Gusto sana niyang magtanong dito ngunit nag aalala siya dahil blangko ang ekpresyon ng mukha nito.

Napakagat nalang siya sa labi. Namalayan nalang niyang nasa tapat na sila ng Police station ng bumukas ang pinto sa gilid niya at sumungaw doon ang isang pulis.

"Mam baba na kayo"

Abot abot ang kabang naglakad siya papasok. 

Deja vu! Parang kanina lang wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga tao sa Police Station.

Pero ngayon gusto niyang lumubog sa kinatatayuan.

Minuwestra siya patungo sa opisina ng Hepe. 

Nalalamig ang mga kamay na naupo siya. 

Jack Aston Saavedra Chief of Police basa niya sa pangalan nitong nakalagay sa mesa.

Maya maya ay pumasok na din ang Hepe.

Asan na ang may ari ng sasakyang nakabangga niya?

Napaigtad si Pen ng tumunog ang cellphone nito.

"Hey baby? I'm sorry may nangyari lang hahabol ako! Aayusin ko lang to okay? Yeah bye!"

Matalim itong tumitig sa kanya. 

"Kung hindi ako nagkamali kagagaling mo lang dito kanina Miss?"

Tumango lang siya "A--san yung may ari ng na--bangga ko?" pilit niyang pinatatag ang boses. Pero sa totoo lang gusto na niyang maiyak.

"You didn't get it? Ako ang may ari ng sasakyan!"

Maang na napatitig si Pen dito. "I--kaw?"

"Yeah! I'm about to attend important matter! But thanks to you hindi ako natuloy dahil binangga mo ako! And you're even drunk for Pete's sake! Alam mo ba kung anong kasong haharapin mo? You brat!" gigil nitong saad

Hindi na napigilan ni Pen ang mapasinghot. Pinahid niya ang sunod sunod na luhang tumulo sa mata niya. Ate Daph where are you? piping dasal niya.

Halos dumugo na ang labi ni Pen sa pagkakagat niya. 

"Since nangyari na ang nangyari I won't sue you!" mahinahon na nitong saad

"Pay the damage! Pero sa oras na bumalik ka ulit dito at makabangga ka ulit sisiguraduhin kong kakasuhan na kita" 

Para siyang nabunutan ng tinik "Ho--w much?"

"I don't need Money! For a brat like you napakadali lang para sayo. You need to learn your lesson!! Here!" abot nito sa Cellphone "Save your number! Tatawag nalang ako kapag may naisip na akong kabayaran"

Inabot niya ang cellphone nito at nilagay ang kanyang numero. Tumayo ito "You can go now! Iwanan mo nalang ang address mo ipapahatid ko nalang ang sasakyan mo" malamig nitong saad.

Marahan siyang tumango at lumabas na ng opisina nito. Saktong pagdating naman ni Daphne "Hey are you okay?"

Tumango siya at yumakap dito 

"Shhh what happened? Okay na?" 

"Yeah, Pwede bang ihatid mo na ako sa bahay ate? Sa sasakyan nalang ako magkwekwento"

***

Kanina pa pabiling biling si Pen sa higaan niya. Sino bang makakatulog sa nangyari sa kanya?

Kung nanahimik nalang sana siya sa bahay nila di tahimik pa ang buhay niya.

Huhu pero wala na siyang magagawa nangyari na ang nangyari.

Natigilan siya ng tumunog ang kanyang cellphone..

Napakunot noo siya at napatingin sa kanyang wall clock. 2 am in the morning? Sinong tatawag sa kanya ng ganitong oras?

Hindi pamilyar sa kanya ang number. Kaya ilang saglit muna niya itong pinagmasdan. Ng akmang sasagutin na niya ay namatay ito.

Maya maya ay umilaw ulit ang kanyang Cellphone. Isang mensahe ang natanggap niya.

"Be ready! I'll get my payment soon!"

Napakunot noo siya Payment? Bumalik sa balintataw niya ang pinag usapan nila ng Hepe.

"I don't need Money! For a brat like you napakadali lang para sayo. You need to learn your lesson!! Here! Save your number! Tatawag nalang ako kapag may naisip na akong kabayaran"  

Anong kabayaran ang sisingilin nito?

Ibinagsak ni Pen ag sarili sa kama!

Hayyy! Bahala na!

Pasalamat pa nga siya at hindi siya kinasuhan nito. 


Sorry guys kung medyo slow update tong Chained

Tiis tiis lang..

Shy___





















ChainedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon