Maid

5.1K 178 34
                                    


"Brat kanipa pa ako tumatawag bakit hindi mo sinasagot?" bungad ng lalake sa kabilang kay Pen sa kabilang linya. Sino pa nga ba ang tumatawag sa kanya ng ganung pangalan? Kundi ang Hepeng nagmemenopause.

Pinaikot ni Pen ang kanyang mga mata as if makikita naman siya nito "Katatapos lang ng klase ko kaya ngayon ko lang nasagot" bw*sit na bw*sit parin siya binata. Matapos siyang gawing Driver ay para siyang asong pinagtabuyan nito pauwi.

Narinig niyang pumalatak ito "Don't roll your eyes when I'm taking to you!"

Pen eyes widened at agad niyang inilibot ang paningin. She gasped when she met those pair of grey eyes. He was wearing his uniform. Dang! He was handsome wala ka ng maiipintas dito except from his annoying attitude."ohh noo!" agad na napatakip sa bibig si Pen

Nag uuyam na itinaas nito ang sulok ng labi "Oh yes brat!"

"May ipapagawa po ba kayo Sir?" sadyang idiniin niya ang salitang Sir.

"Clean my house!"

"What? Are you kidding?" nanlalaki ang mga matang tanong niya dito. Wala ba itong maid? Sa laki ng bahay nito?

"Sad to say brat I'm not! What are you waiting for? Kumilos ka na bago pa mag bago ang isip ko" nang aasar na itinuro pa nito ang cellphone.

"Okay Sir!" Bw*s*t kang Menopause na Hepe ka! May araw ka din sa akin. Isumbong ko kaya ito kay Duterte?

"Convoy nalang tayo"

Nanggigil na pinatay niya ang tawag nito. Hindi na niya kailangang sumagot. Lumulan siya sa kanyang sasakyan at sinundan ito. Pagkaraan ng halos tatlumpong minuto ay magkasunod nilang narating ang bahay nito.

Walang imik na sinundan niya ito papasok. Binuksan ng binata ang isang pinto at tumambad ang iba't ibang klase ng panlinis.

"Andito na lahat ng kailangan mo"

Napangiwi siya kaya ba niya? Ni hindi pa nga niya nasusubukang maglinis ng bahay nila. Inilibot niya ang paningin, ngayon pa lang gusto na niyang mawalan ng ulirat. Good luck Pen!

"How long will I do this?"

Ngumiti ito ng nakakaloko ng Makita ang ekspresyon niya "Pag iisipan ko.. I have to go! May duty pa ako, work hard brat!"

Ng makatalikod ito ay kinuha niya ang tambo at nabw*bw*sit na iniumang dito. Agad niya itong naibaba at kunwari nagwawalis ng bigla itong lumingon sa kanya.
"Oh brat before I forgot! Pakilabhan na din ang mga maruruming damit ko"

Pen let out a fake smile "Opo Sir Meno---" kinagat niya ang labi. Shemay! Muntik na siyang madulas.

Nang tuluyan itong mawala sa kanyang paningin ay binato niya ang walis. Maglilinis ni hindi siya marunong. Maglaba pa kaya?"

What will I do now? Kinagat kagat niya ang mga daliri. Hindi niya alam kung paano simulan ang paglilinis.

Ting! Lumiwanag ang kanyang mukha ng biglang makaisip ng idea. Manghihiram nalang siya ng maid kay Ate Daphne. Pilya ang pagkakangising ida dial sana niya ang numero ng babae ng mag ring ang kanyang Cellphone.

Napamulagat siya ng Makita ang numerong rumihisto.

Menopause calling....

Natatarantang sinagot niya ito "Hello?"

"Don't you dare trick me brat! When I say clean my house and wash my clothes it means you! Malalaman ko rin kung nagpatulong ka sa iba" matapos ang pahayag nito ay busy tone na ang narinig niya sa kabilang linya.

ChainedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon