"Iha how are you? Nagising ba kita?" bungad sa kanya ng inang si Lianna. Saglit niyang tinanggal sa tenga ang cellphone at tinignan ang oras 2 am na pala. Hindi niya namalayan, para maiwaksi sa isip ang nangyari kanina sa Restaurant naisipan niyang abalahin ang sarili sa pag sketch. Actually she was a fashion designer like her mom. Pero ewan ba niya kahit anong pilit ng ina na bumalik siya sa London para pamahalaan ang Boutique ng ina doon ay mas gusto pa niyang manatili dito sa Pilipinas at magturo ng mga bata.
She was fortunate because she was born with a silver spoon in her mouth. Kung tutuusin hindi na niya kailangang magtrabaho she can go travel around the world. But she wasn't like that. She was thankful dahil pinalaki sila ng mga magulang kung paano pahalagahan ang mga bagay bagay. Siguro dito sa mga ito din niya namana ang pagkahilig niya sa mga bata.
Her parents met in a voluntary mission in Lesotho, a part of Southern Africa. Her parents love story always gives her hope. That one day she was able to find that love too.
Napatigil siya sa ginagawa. Pen stretched her back bago sinagot ang ina "No Ma gising pa talaga ako. I'm super fine Ma! how about you and Papa?" napakagat siya ng labi ng sumingit sa isip niya ang kasalanang nagawa. Nako konsensya siyang hindi pa niya nasasabi sa mga ito.
"We're okay baby! Ikaw ang inaalala ko, Bakit gising ka pa? are you eating on time? Inaalagaan mo ba ang sarili mo? Baka----"
"Ma..." putol ni Pen sa litanya nito. "Hindi na ako bata, I can take care of myself! Just Enjoy your vacation" Her parents was on travel. Kasalukuyang nasa Santorini Island sa Greece ang mga ito ngayon. Malalaki na sila at ang Kuya na niya ang namamahala sa kanilang businesses kaya ngayon lang nagkaroon ng mahaba habang oras ang mga ito para sa isa't isa.
Rinig niya ang pagbuntong hininga ng Ina sa kabilang linya "Fine! But promise me, kapag may time ka umuwi ka sa London bisitahin mo ang Lolo't lola mo. Take a rest now baby madaling araw na diyan"
"Yes po!"
"Okay baby I'll hang up! Gigisingin ko pa ang Papa mo, we're going to dine outside! Miss you, love you!"
Nagpakawala siya ng ngiti "Love you too Ma! Tell Papa miss you both!" matapos patayin ng Ina ang linya ay napag desisyunan na niyang itigil ang ginagawa. Inaayos niya ang mga gamit ng biglang tumunog ulit ang kanyang Cellphone.
Baka may nakalimutang ibilin ang kanyang Ina. Agad na napakunot ang noo ng makitang numero lang ang nakaregister sa kanyang screen.
Sino ang tatawag sa kanya ng ganitong madaling araw?
"Hello?"
"Brat you still remember me?" anang baritonong boses sa kabilang linya.
Biglang naging abnormal ang tibok ng puso niya. Ang boses na yun?
"I need your payment now!" madiing saad nito sa kabilang linya.
Bigla siyang namutla. Did he found out? Napaigtad siya at muntik na niyang mabitwan ang cellphone ng muli itong magsalita.
"Did you hear me?"
Nanginig ang kanyang mga labi "O--o, at this ki-- uhmm ki--nd of hour?" nagkanda buhol buhol ang kanyang mga labi sa pagsagot dito. "Natutulog na ko" palusot niya
Tumawa ito ng nang uuyam "Really, I can see your light still on up there! Come down or else!" banta nito.
Nanigas si Pen ng marinig ang sinabi ng lalake. Dahan dahan siyang naglakad patungo sa kanyang bintana at sumilip. Sh*t he's there! Nakasandal ito sa sasakyan nito habang natingin sa gawi ng bintana niya.
Hindi ba ito nakaduty?
Obviously because he's not wearing his uniform.
Paano nito nalaman ang bahay nila?
Tinatanong ba naman yan Pen? sagot niya sa sariling tanong. Hepe ito ng Pulis malamang madali siya nitong mahanap.
"Oo na! paba-ba na" kinuha niya kanyang wallet. Magkano kaya ang kailangan nito? Hinablot niya ang kanyang Jacket at isinuot bago tuluyang bumaba.
Halos mapatid siya sa sariling paa niya dahil sa kabang nararamdaman. Tatlong kasambahay at dalawang guard ang kasama niya sa mansion. Salitan ang mga ito sa pagbabantay ang nakatoka ngayon gabi ay si Kuya Gani. Ngunit dinala ang anak nito sa Ospital. Secured naman ang subdivision nila kaya agad niyang pinayagan ito ng magpa alam.
Kinagat niya ang labi para pigilan ang panginginig nito at habang dahan dahan siyang naglakad palapit sa lalake na ngayon ay nakapamulsa na habang nakatingin sa kawalan.
Natigil siya sa paghakbang ng bumaling ang paningin nito sa kanya. His dark copper colored hair was messy but it made him look more sexier!
H*ck what was that? Kinakabahan na nga siya kung ano ano pang napapansin niya!
"Ho--w much?" kinakabahang tanong niya ng makalapit siya sa lalake. Base sa pang amoy niya nakainom ito.
Binato siya nito ng sarkastikong ngiti at tumitig ng mariin sa kanya. His gesture sends shivers to her spine. Napahigpit tuloy ang kapit niya sa laylayan ng kanyang Jacket
"You don't remember it do you?" he shook his head "I told you I don't want money for payment brat"
Naguguluhan subalit pilit niyang pinatatag ang sarili at sinalubong ang tingin nito. What does he mean? Anong kabayaran ang gusto nito? May plano ba itong isalvage siya tapos sasabitan nalang siya ng kratulang Huwag tularan Pusher. Pinanindigan siya ng balahibo sa naisip.
Nilunok niya ang laway na bumara sa lalamunan "An--ong kabayaran ang gusto mo?"
Tinanggal nito ang isang kamay na nasa bulsa at hinawakan ang baba "Now we're talking brat!" Initsa nito ang susi sa kanya agad naman niyang nasalo ito. "Drive me home! Inaantok na ako"
Nanlalaki ang mga mata niyang napatitig sa susi sa kanyang kamay. Sh*t drive him home? At this hour?
Asan ang hustisya?
Paano siya uuwi? "Sanda-----" hindi niya natuloy ang sasabihin dahil pumasok na ito sa passenger seat sa likod.
Seriously Pen? nakangiwing saad niya sa sarili.
Ginawa siya nitong driver? Ang kabang naramdaman niya kanina ay napalitan ng pagka inis.
Padarag niyang binuksa ang Driver's seat at pumasok na din dito. "Sir saan ang bahay mo?"buhol ang kilay niyang binalingan ito. "Sir!" untag niya ng hindi sumasagot ito.
Napailing nalang siya ng marinig ang mabining hilik nito. Pinasadahan ng kanyang mga mata ang mukha ng lalake. Napakagwapo nito ngunit kahit tulog ay nakakunot ng noo. Hindi maipagkakailang may pinag dadaan ito.
Sh*t Pen anong ginawa mo?
Tama ba ang ginawa niyang pagtulong sa babae?
Based from the look on his face he was in pain right now!
She took a deep breathe at pinaandar na ang sasakyan nito. Ng mapatingin siya sa dashboard she saw a piece of paper. May nakasulat ditong address.
Marahil ito ang address ng bahay ng lalake.
Natawa si Pen ng mapait "Boy scout din ang loko! Gusto talaga niya akong gawing driver!" naiiling na usal niya bago pinaandar ang sasakyan.
Amber Persephone Lautner? Isa na ngayong dakilang driver!
***
Inaantok ako as in walang pumapasok sa isip ko!
Buti nalang wala ang boss kaya sinamantala ko.
I've tried may best na maka UD kahit isang Chapter!
Add me on Fb po ShyWriter Wp...
Salamat
Shy__-

BINABASA MO ANG
Chained
General FictionShe's a Princess Get everything she wants Except for the man she loves... Gagawin niya ang lahat Mahalin lang siya nito... If loving him means to be chained forever Then she'll be more than willing...