Nakalipas na ang isang linggo buhat ng mangyari ang insidente ay wala pang alam ang mga magulang ni Pen. Ni sa mga kaibigan niya ay hindi niya sinabi. Naging madalas na din ang pagkikita nila ni Ate Daph. So far hindi pa din nagpaparamdam ang hepe. Baka wala na itong balak maningil. Buti naman!
"Hello Te? I'm here na!" kausap niya ito sa telepono habang pababa ng sasakyan. Napagkasunduan kasi nilang magkikita sa isang sikat na resto para sabay mag dinner.
"I'm near, wait for me inside" sagot nito bago nito pinatay ang linya. Tumalima siya dito para maghanap ng kanilang mauupuan.
Malayo palang ay tanaw na niya ang hindi magandang timpla ng mukha ni Daphne. Ni hindi nito sinuklian ng ngiti ang guard na bumati dito.
Padabog na nilapag nito ang bag sa harap niya. "That monkey!" gigil na gigil na saad nito.
"Why Ate?"
"Your monkey brother! Ang dami daming demands! Pigilan mo ako ipapabaril ko yun pagtapak na pagtapak niya dito sa Pilipinas!" nanlilisik ang mga matang saad nito.
Imbes na matakot siya para sa kaligtasan ng kapatid hindi niya mapigilang matawa sa sinabi nito. Goodluck brother! bulong niya sa isip
Sumimangot ito sa inasta niya "Hindi ko maintindihan Pen, bakit ang ang dami daming nagkakadarapa sa unggoy na yun? Eh mukhang pinaglihi naman sa sama ng loob!"
She shrugged her shoulders. "Ask them Ate, hindi ko din alam" binuklat niya ang menu "What do you want Ate?"
Umismid ito "Bahala ka ng umorder, nanginginig pa ang kalamnan ko sa inis sa kapatid mo!"
Kinagat niya ang labi para pigilan ang sariling matawa ulit. Baka mas lalo itong mabadtrip. Nanlalaki pa naman ang tisinita nitong mata.
She's curious, ano kayang sinabi ng kapatid dito? At kulang nalang ay bumuga ito ng usok sa inis. Napailing iling nalang siya, baka end of the world na kapag nagkasundo ang dalawa.
Kasalukuyan silang kumakain ng mapadako ang tingin niya sa kabilang bahagi ng resto when a familiar face caught her eyes! Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.
Small World!
Agad niyang ibinaling sa pagkain ang kanilang paningin. Ang ganda ng girlfriend nito, perfect match! Why does she feel insecure so sudden?
"Te punta lang akong Rest Room" paalam niya kay Daph matapos punasan ang labi. Tumango naman ang babae habang busy ito sa pagkain at sa gigil pagpindot nito sa cellphone. Naiiling na iniwan niya ito.
Paglabas niya ng cubicle may naabutan siyang babaeng nagpupunas ng luha. Pen hesitantly smiled when their eyes met in the mirror. She looks familiar! Habang naglalagay ng lipstick naala niya kung saan niya ito nakita.
Ito ang babaeng kasama ni Mamang Pulis. Curiosity hits her! Why is she crying? Nabitawan niya ang lipstick na hawak ng magulat siya dahil bigla siyang hinawakan nito sa braso.
"Miss can I ask you a favor?"
Kumunot ang noo niya at naguguluhang tumitig dito.
Humigpit ang hawak ng babae sa kamay niya "Please Miss! Tatanawin ko itong malaking utang na loob!"
"Ano ba yun Miss?"
"Can you help me get out of here?"
Umawang ang kanyang mga labi "Get out of here? Why?" Bakit nito tinatakbuhan ang kasama?
"Please I don't have time!" natatarantang saad nito habang tinatagtag ang kanyang mga braso.
Oh Gaawd! What will I do? Parang tangang tanong niya sa sarili. Tinanggal niya ang suot na blazer "here wear this!"
BINABASA MO ANG
Chained
General FictionShe's a Princess Get everything she wants Except for the man she loves... Gagawin niya ang lahat Mahalin lang siya nito... If loving him means to be chained forever Then she'll be more than willing...