The nurse was cleaning Aston's wound kaya sinamantala ni Pen ang lumabas ng kwartong inuukupa nito at tumawag sa kanilang bahay. Baka magtaka ang mga ito kapag hindi siya umuwi ngayong gabi. Lalo na si Manang Nida ito kasi ang nagsisilbing pangalawang ina nilang magkapatid lalo na kapag nasa ibang bansa ang mga magulang.
"Manang si Pen po ito, hindi po ako makakauwi ngayong gabi"
"Bakit Iha?"
"Nasa hospital po kasi ang kaibigan ko, ako ang magbabantay ngayong gabi" napakagat siya ng labi. Pipi siyang nanalangin na sana hindi na mag usisa ang matanda kung sino ang kaibigan niya. Hindi pa naman siya sanay na nag sisinungaling lalo na dito.
"Oh sige iha"
Nakahinga siya ng maluwag ng marinig ang sagot nito. Matapos kausapin ang matanda ay agad siyang pumasok. The nurse was done cleaning his wound. Bumukas naman ulit ang pinto at pumasok ang Doctor. He smiled and patted Aston's left shoulder.
"Jack Pare naniniwala na ako sa sabi sabi, you have nine lives" biro nito.
Aston groaned at tumaas ang sulok ng mga labi nito "Ikaw lang naman kasi ang hindi naniniwala"
Base on their expression they seem to know each other very well.
Nag paalam ang nurse na lalabas na. Ngumiti lang ang doctor at tumango. While Pen remained standing in the corner, mukhang hindi pa siya napapansin nito.
"Pwede ka ng lumabas bukas. Sa bahay ka na magpagaling, do you have someone to look for you?" wika ng Doctor dito.
Napatingin si Aston sa kanya. Kaya bumaling din ang Doctor sa gawi niya. Sumilay ang nanunuksong ngiti sa mga labi ng pangalawa. "Woah, who's this lovely lady?" tanong nito kay Aston ngunit nanatili sa kanya ang mga mata nito.
Alanganin siyang napangiti. She doesn't know how will she introduced herself. Napatingin siya kay Aston at humingi ng saklolo.
"Leave her alone De Mesa! You can go, I'm sure marami ka pang nakalinyang pasyenteng dadalawin hindi lang ako"
The Doctor chuckled "You never changed Saavedra! You owe me a bottle kapag magaling ka na" tinapik ulit nito ang balikat ni Aston " have to go!" bumaling ito sa kanya "Lovely lady... why do I have the feeling that this is not the last time I will see you." Bahagya itong yumukod "Next time I'll make sure Saavedra won't interfere!" nang aasar na pahayag nito bago tuluyang lumabas ng pinto.
Nanlalaki ang mga matang sinundan ito ng tingin ni Pen. Hanggang sa sumara ang pinto. Wew! The Doctor have guts!
"Do you plan to stand all night?" napapitlag siya ng marinig ang naiinis na boses ni Hepe.
Lumapit siya sa binata at umupo sa tabi nito. Pen swallowed the lump in her throat when she met his deadly glare.
Anong kinagagalit nito?
She pouted, nagtaka ka pa Pen eh lagi namang galit yan! Sigaw ng isang bahagi ng utak niya.
Kumilos ito at pilit na tumatayo. He groaned in pain at mahina itong nagmura "D*mn!"
Tumayo si Pen at hinawakan ang balikat nitong walang sugat. "Ano bang gagawin mo?"
"Naiihi ako"
Maingat na ipinatong ni Pen ang kamay ni Aston sa kanyang balikat. At iniyakap ng dalaga ang braso sa bewang ng binata para maalalayan ito ng maige sa paglalakad.
"Kaya mo pa ba?" tanong niya ng mapansing napapangiwi ito sa bawat marahang hakbang nila.
He nodded. Ng makarating sila ng banyo saka lang naisip ni Pen kung paano ito iihi. Kung bibitawan niya ay malamang matutumba ito. He was wearing a hospital gown ang problema paano nito ibaba ang brief?
BINABASA MO ANG
Chained
General FictionShe's a Princess Get everything she wants Except for the man she loves... Gagawin niya ang lahat Mahalin lang siya nito... If loving him means to be chained forever Then she'll be more than willing...