"Ohh goodness! I'm spinning!" natatawang wika ni Pen ng pinilit niyang imulat ang mga mata. Hindi na niya mabilang kung ilang baso na ang nainom nilang dalawa ni Daphne. Hindi naman siya natatakot na gawan sila ng masama kapag nalasing sila dahil kaibigan ni Daphne ng may ari ng Bar at kilala na ito ng mga staff dito.
"Shhhhh! Huwag kang maingay sumashaket ulo ko sayo!" nabubulol na wika din ni Daphne.
Pinilit ni Pen ang tumayo "Uwi na tayo Te, lashingg ka na!"
Natawa si Daphne ng muntik na siyang matumba. "Ako lashing? Sino kaya sa atin ang lashing?"
Naudlot ang pagtayo sana ulit ni Pen ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dahil nahihilo ay nakapikit na kinapa niya ito sa kanyang bag.
"Hello?"
"Shhhino yan?" makulit na tanong ni Daphne at pilit na inaabot nitong inaabot ang cellphone kay Pen. "Ang ghago mo bang kapatid?"
Humagikgik si Pen habang inalalayo nito ang cellphone "Hello sshino daw to?"
"D*mn Brat! What are you saying?"
"Brat? tsssskkk! My name is Ambhher Persheeephone Lautner not brat!" humagikgik ulit siya. Wait! That voice is familiar.
"Come here" tawag niya sa waiter ng mapadaan ito. "kaushapin mo nga to" binigay niya ang cellphone dito. "Hinahanap niya si Brat pakishabi walang brat dito"
"Anong shhabi?" naiinis na tanong ni Pen sa waiter ng matapos itong makipag usap sa cellphone niya.
"Mam dito lang daw po muna kayo at susunduin kayo" saad nito matapos ibalik sa kanya ang kanyang cellphone.
"Shinoo? Khammi?" tinuro pa ni Pen ang sarili at si Daphne na nakasubsob na sa mesa.
Tatayo na sana ulit si Pen ng hindi niya makontrol ang sarili. Maagap naman itong naalalayan ng waiter at pinaupo siya. "Mam maupo lang po kayo"
Hindi na siya nagprotesta dahil talagang nahihilo na siya. "Can I have a glasshh of cold water pleashhh" utos niya dito. Mabilis naman itong tumalima. Kailangan muna nilang magpalipas ng ilang minuto para mawala ang hilo niya. May phobia na ata siyang magdrive ng lasing. Hindi pa nga siya nakakabayad baka makabangga siya ulit.
Matapos lagukin ang isang baso ng malamig na tubig sumandal siya sa upuan at pansamantalang ipinikit ang mata.
"D*mn!"
Naalimpungatan si Pen sa pagkaidlip ng makarinig ng mariing mura. Tuluyan na niyang imunulat ang mata ng makaramdam siya ng marahang pagyugyog sa braso
"Brat asan ang susi mo?"
Napangiti siya ng matamis. Anong ginagawa ng lalaking ito sa harap niya? Kahit medyo umiikot pa ang kanyang mundo pinilit niyang tumayo. "opps!" She tried to balance herself para hindi siya matumba.
Nang maibalance niya ang sarili dinuro niya ito sa dibdib "You..." Inilapit niya ang mukha sa lalaki at ngumiti "anong ginagawa mo dito?"
Dumilim ang mukha ni Aston at marahan siyang itinulak "You reek of alcohol brat!"
Lumabi si Pen at tinignan si Daphne ngunit biglang nanlaki ang mga mata nito ng mapagtantong wala na ang babae sa pwesto nito. Napaawang ang kanyang bibig "Where's my Ate Daphne?"
Sa biglaang paghakbang ay biglang umikot ang paningin ni Pen. Muntik na itong masubsob kung hindi lang kay Aston na maagap na sumalo sa babae.
Niyugyog ni Pen ang balikat ni Aston "Help! Ate Daph is missing!"
Aston shook his head! "Let's get out of here brat!"
Itinulak ito ni Pen. Ngunit tila balewala ang lakas niya dahil para lang siyang nagtulak ng pader. "No!"
Aston gritted his teeth "Look brat! Don't test my patience I'm telling you... hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. So be a good and follow me" mahina ngunit mariin nitong banta.
Gusto pa sanang magmatigas ni Pen ngunit nanlamig siya ng masalubong ang kulay abong mga mata nito. Napagtanto niyang hindi ito nagbibiro.
"Give me your key"
Walang imik na hinalukay niya ang susi sa bag niya at ibinigay sa lalake.
"Let's go!" hindi siya nagprotesta ng hilain siya nito palabas ng bar.
Binuksan nito ang pinto ng passenger seat sa harap at pinaupo siya. Hindi muna ito pumasok agad kinausap muna nito ang isang pamilyar na lalake at tila may inuutos.
Kung may boses lang siguro ang manibela niya sisigaw na ito ng aray dahil sa higpit ng hawak ni Aston dito. Napalabi siya at tinuro ito "Ano na namang ginawa ko? Bhakeet ganyan ang mukha mo?"
Aston glared at her "Shut up brat!"
Ngumuso si Pen at umirap "menopause!" hindi pa nakuntento ang dalaga inilabas nito ang bibig at bumelat dito. "Psshhh pangeet mo!" Alam niyang kabaliktaran ang sinabi niya sa binata. Kahit lasing siya ay hindi malabo ang mata niya. Kahit saang anggulo niya ito pagmasdan ay wala siyang nakikitang kapintasan dito.
Pen eyes wandered in his Face. No doubt! He is a masterpiece especially those lips. She gulped when she felt heat starts spreading her body. What was that?
Tumaas ang kanyang palad patungo sa kanyang leeg at hinimas ang kanyang batok. Anong nangyayari sa kanya? Naiinitan siya. Marahil dahil sa alak na nainom niya.
"What are you doing?" kunot noong tanong ni Aston ng makita nitong tinatanggal niya ang kanyang Blazer.
"Maineeet!" tuluyan ng natanggal ni Pen an ang kanyang Blazer. Sleeveless na mababa ang neckline ang suot niyang panloob. Kaya litaw ang kanyang maputing cleavage.
"D*mn!" mariing mura nito.
Ipinagwalang bahala niya ang pagmumura nito at naghanap sa kanyang bag ng Pony tail. Sumandal siya matapos ipusod ang kanyang buhok ang pumikit. Napabaling siya sa kanyang katabi dahil ramdam niya ang titig nito.
"What?" Pen pouted her lips.
"D*mn brat!"
Nanlaki ang mga mata niya ng bigla siyang hatakin siya ni Aston. He passionately kissed her. Ang kanyang nakatikom na bibig ay unti unting umawang at kumilos. She answered his kissing ardently.
Pen moaned when she felt Aston hand gently caress her back. Ang mga kamay niyang naipit sa pagitan nila ay gumapang payakap sa batok nito.
This is what you're waiting for Pen!
I'm Amber Persephone Lautner!
I can make you love me...
***
Guys I'm sorry if this story is slow update.
Aside from the writer's block and a lot of work
I'll be focusing on Quen.
Kailangan ko siyang matapos sa madaling panahon
Para makapag Focus na sa story na to at sa mga upcoming ko pang story..
Sana maintindihan niyo guys!
Pero sa abot ng aking makakaya I'll try na mag UD dito every week..
Lab yahhh!
Shy___
BINABASA MO ANG
Chained
General FictionShe's a Princess Get everything she wants Except for the man she loves... Gagawin niya ang lahat Mahalin lang siya nito... If loving him means to be chained forever Then she'll be more than willing...