"Uuwi na ako" paalam ni Pen kay Aston sa pinakaswal na boses. She can't look directly in her eyes. D*mn why did she answered his kisses?
Because you liked it! Sigaw ng isang bahagi ng kanyang utak
"Hindi mo ba ako sasabayang mag dinner?" sagot nitong tila walang nangyari.
Pen swallowed the lump in her throat before she answered "Hindi na... may lakad pa kasi ako" isinukbit na niya sa balikat ang kanyang bag. "Si—sige"
Napabuga si Pen ng hangin ng makarating sa kanyang sasakyan. Wala sa sariling pinalo niya ang manibela. Oh d*mn! How will she face him this coming days?
"Come on Pen! Just act normal!" malakas niyang sabi sa sarili. Trying to console herself. Hindi naman siguro big deal sa binata ang halik na yun.
Yeah Right! It's not a big deal! And she's pissed! Ewan niya kung saan siya naiinis. Sa bigla biglang paghalik nito sa kanya o dahil tila wala lang dito ang halik na pinagsaluhan nila.
Whatever!
Nang mapaandar ang sasakyan ay agad niyang pinaharurot ito at dumiretso sa Coffee Shop ni Daphne. Kailangan niya ng pinakamatapang na kape nito ng magising siya sa kanyang kabaliwan.
"Ehem! ehem! Look who's here! Buti naman at alam mo pa ang daan papunta sa Coffee Shop ko?" nakahalukipkip na salubong sa kanya ni Daphne.
Pen pouted "Ate naman... busy lang ako this past days"
Daphne frown "Busy your face!" nang makaupo sila sa paborito nilang pwesto sa sulok ay sumenyas ito sa waiter. Bumaling ito sa kanya at tinaasan siya ng kilay "Anong gusto mo?"
"Caffe Americano"
Sinabi ni Daphne sa staff nito ang order niya and ordered for herself too. "What's with your face? Mukhang hindi maganda ang timpla mo.." nangalumbaba ito at pinagmasdan ang mukha niya.
Pen just crinkled her nose. Sasabihin ba niya dito ang sitwasyon siya? She took a deep breath at sa huli ay ikinwento niya dito ang buong pangyayari. Maging ang pagtulong niya sa fiancee nitong makatakas at ang paghalik nito sa kanya.
"So that Chief of Police huh..."
Marahan siyang tumango habang hinihigop ang kanyang kape.
"And you're saying that he doesn't know na ikaw ang tumulong sa Fiancee nito para makaalis sa restaurant?"
Muli na naman siyang tumango.
"You like him?"
She nodded again but wait---- Like? "huh?" nanlalaki ang mga mata niyang tumuon kay Daphne. Did she just nod?
Nakangising umiling iling si Daphne. "That's bad!"
"I di--din't say I like him!" nagkakanda utal utal na bawi ni Pen sa sinabi.
Daphne laughed "Kasasabi mo lang"
"bu----"
"Stop!" pigil ni Daphne sa sasabihin niya. "Hindi mo na mababawi and besides your face clearly says it!"
Napabuntong hininga siya pagsuko. There's no use denying. "Anong gagawin ko Ate? What if he finds out?" tinuro ni Pen ang Puso "I can't stop this anymore!" yumuko siya at tinitigan ang kape sa kanyang harapan.
"I don't know either!" malungkot itong tumingin si Daphne sa kanya at hinaplos ang kanyang buhok. "The heart is really the most stubborn part of our body. We can't command it, isang araw magigising ka nalang na tumitibok na sa isang taong hindi mo inaasahan" mapang unawang pahayag nito.
Woah! Hindi niya inaasahang nakakarelate ito sa kanya. May pinagdadaanan din ba itong katulad niya? Gusto din niya itong tanungin pero pinigil niya ang sarili. She knew someday kagaya niya kusa din itong magsasabi.
Where is she going? Nagtatakang tanong niya sa isip ng bigla nalang itong tumayo at pumasok sa Office nito. Malakalipas ng ilang minuto ay bibit na nito ang bag. Lumapit ito sa kanya at hinila siya sa braso patayo. "Come on! Let shake off those men in our minds"
***
"What are we doing here?" nagtatakang tanong niya kay Daphne ng pumasok sila sa isang mamahaling Bar. Iginala niya ang paningin, ang tagal na pala niyang hindi nakakagimik. Ni hindi na niya alam ang mukha ng mga kaibigan.
Giniya siya ng babae patungo sa bakanteng upuan. Agad itong sumenyas para tumawag ng waiter ng makaupo sila. "Kakain? Tsk use you head Pen!" nang iinis na saad ni Daphne.
Napangiwi siya kahit kailan talaga tong babaeng to. She has a temper "Sabi ko nga" nakalabing saad niya.
"I'll go for Vodka Martini how about you?"
Tinignan niya ang Menu, well... time for her to chill her body and mind. "French 75" Napakagat siya sa labi ng maala ang ginawa nitong paghalik sa kanya. She cursed! D*mn his lips! Its making her crazy!
"Cheers!" natatawang pinag umpog nila ang kanilang mga baso. Ramdam na ni Pen ang pamamanhid ng pisngi niya. Nakailang baso na sila four? five? six? She doesn't know anymore.
"I really hate your brother!" nakasimangot na saad ni Daphne. Habang iniikot ang baso sa harap nito. "It's his fault why I'm miserable right now!" Hinawi nito ang buhok na bahagyang tumakip sa mukha bago muling uminom. "He is so gago! Huwag siyang magpapakita sa akin! I swear I'll kill him"
Natatawang napailing nalang si Pen like her alam niyang lasing na din ito dahil madaldal na. "Yeah do that Ate!"
"Really?" lumaki ang singkit na mata nito.
She chuckled "Yeah.. I Love you more than him! Cheers!" itinaas niya ang baso.
"Cheers!"
"Ate I'm Pen right?" natatawang tanong niya dito.
"Yeshhh sa pagkaka alam ko nga Pen ang pangalan mo. Why?"
"I always get what I want. But now I realized not everything. I knew I can't get his heart! "
"you're not going to do something?"
Pen laughed bitterly "Do something? How will I do something kung una palang alam kong talo na ako"
Umiling iling ito "Then you're not the Pen I Knew!"
Lumabi siya "But I'm Pen! I'm Amber Persephone Lautner!"
"Shhhhhh! If you're really Pen use this..." tinuro ni Daphne ang sentido. "Habang hindi pa niya nalalaman ang ginawa mo, you still have time. Love is a gamble... it doesn't matter if you lost in the end. What matter is you've done something to make him love you. "
Sinaid niya ang laman ng kanyang baso. Ate Daphne's right! She won't sit in the corner and do nothing! She'll do everything to make him love her. It may sound desperate but h*ll! She doesn't care!
BINABASA MO ANG
Chained
General FictionShe's a Princess Get everything she wants Except for the man she loves... Gagawin niya ang lahat Mahalin lang siya nito... If loving him means to be chained forever Then she'll be more than willing...