Kabuteng Menopause

4.9K 173 20
                                    

Naputol ang mahimbing na tulog ni Pen ng biglang nag ingay ang kanyang cellphone. Naiinis na tinakpan niya ng unan ang kanyang tenga. Ng hindi parin ito tumitigil sa pagtunog ay bumiling siya at nagtalukbong ng kumot. 

Waahh! Please let me sleep soundly!

Matapos ang awkward na hapunan nila kanina ni menopause ay nag paalam na siyang umuwi. Pagdating niya sa bahay agad siyang nagshower pagkatapos ay binagsak na niya ang katawan sa kama. Pakiramdam niya nabugbog siya sa pagod kaya pagkahigang pagkahiga niya diretso na tulog.

Padarag niyang binaba ang kumot na nakatakip sa kanyang mukha. Sa pamamagitan ng kalahating nakabukas na mata ay sinilip niya ang oras. 

Alas dose? Oh pleaseee give me a break!

Pumikit siya at pakapang  inabot ang kanyang cellphone sa ibabaw ng mesa sa kanyang tabi. At sinagot ang tawag. Hindi na siya nag abalang tignan kung sino tumatawag dahil ayaw makisama ng mata niya. Tinatamad itong magmulat.

"hello?" paos na boses niyang sagot sa caller.

"You brat! what have you done to my clothes?" halos mabingi si Pen sa lakas ng boses ng istorbo sa kabilang linya.

Lahat ng antok niya sa katawan ay simbilis ng hangin na nilipad. Napaupo siya at napasandal sa kanyang headboard. Napahawak siya sa ulo ng makaramdam ng hilo. Napangiwi siya ng maimagine ang ilong nitong umuusok. "hah?" patay malisyang saad niya.

"You ruined my clothes! Paano ko pa isusuot ang mga yun?" gigil nitong saad. "Mapapalagpas ko pa na parang binagyo ang bahay ko.. but my clothes? Wala ka bang alam gawin?"

Malay ba niya? akala niya design hihi. She chuckled ng maalala ang itsura ng mga nilabhan niya. Kahit sino nga magagalit dun. She made face, bumuka ang bibig niya at nagsalita ng walang tunog. Nye nye nye nye nye buti nga sayo!  

"Are you laughing? Did you do it on a purpose?" bwisit na tanong nito.

Napakagat si Pen ng labi "No! Hindi! aka--la ko dati niyang kulay yun. Tsaka sabi... mo clean my house!" ginaya pa niya ang tono ng boses nito  "hindi mo naman sinabing ayusin ko" palusot niya. 

"Be ready for your case tomorrow!" 

"This is blackmail!" napataas ang boses niyang saad sa binta. 

Mayabang itong sumagot "Then sue me!" 

Sue? huhu kahit bali baliktaran pa niya ang mundo. Siya parin ang may kasalanan. Nakainom siya ng mabangga ang sasakyan nito. Kung kukuha siya ng abogado sigurang makaka abot ito sa kanyang mga magulang na siyang ikinakatakot niya. "Teka sandali! babawi ako!" natatarantang pigil niya sa binata.

"How?" nanunuyang wika nito sa kabilang linya. "Ni wala kang alam gawin"

"I can be your driver again!"

"No need brat!"

"I can easily learn things! Just give me time please!" nag mamakaawang pakiusap niya dito.

Rinig niya ang pagbuntong hininga nito "Fine let's talk tomorrow! This is your last chance brat!"

Nanghihinang dumausdos ulit pahinga si Pen "Thank you" 

Nilapag niya ang cellphone at nagtalukbong ng kumot. Pen paano ka makakalabas sa sitwasyon nato? Sa dinami dami ba naman kasi ng mababanga bakit ang menopause pang hepe na yun?

Ni wala na nga siyang social life. Hindi na siya sumasama sa mga kaibigan. Sabagay may maganda ding naidulot ang nagyari dahil naging close sila ni Ate Daphne. 

ChainedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon