After what happened in the gazebo he never talked to me. Gabi na at nandito lang ako sa kwarto. Hindi raw ako pwedeng lumabas sabi ng Chief nila.
Napasimangot lang ako.Ano naman ang gagawin ko dito? Ibuburo niya ako dito? Tatawagin lang ako panigurado nun kapag nalilibugan siya o ano.
Naglibot ako dito sa kwarto, halos walang gamit. Walang TV o radyo. Walang ring damit.
Tangina! Mababaliw ako rito kung ganito!
Sumalampak ako sa carpeted floor.
" Kamusta na kaya si Amara? " tanong ko sa sarili ko.
Sumagi muli sa isip ko ang mukha niyang puno ng luha.' Ginahasa niya ako. '
' Ginahasa niya ako. '
' Ginahasa niya ako. '
Paulit ulit iyon na nagrereplay sa isip ko.Ang inosente kong si Amara ay ginahasa ng walang hiyang iyon!
At sa katangahan ng katawan ko ay hindi ako nakaramdam ng kung anong pandidiri ng halikan at painitin niya ang katawan ko.
Dapat ay nandiri ako nun dahil ang rapist ng girlfriend ko ang humahalik at gumagalaw sa akin.Pero kahit saan ko hanapin ang pandidiri ay wala, wala talaga.
"Anong nangyayari sa akin? " tanong kong muli sa sarili ko at sinabunutan ang mahaba kong buhok.
May girlfriend ako pero di ako ayos lalaki.
Hindi naman kasi porque may karelasyon kang kagaya mo ay magdadamit lalaki ka na.
Mahal ko si Amara pero hindi naman ibig sabihin nun ay kailangan kong magpakalalaki para sa kanya.Kay Amara lang talaga ako nahulog ng ganito. Hindi ko maramdaman sa iba ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko iyon maramdaman sa lalaki at sa ibang babae.
Ngunit biglang sumagi ang mukha ni Nikolai. Ang mukha niyang blanko at kung tumitig ay napakalamig. Kung magsalita ay nakakakilabot.
May kung anong dumaan sa dibdib ko ng maalala kung paano niya ako halikan. Mapagparusa pero iba ang hatid nito sa akin. Ang haplos niyang nakakapaghatid agad ng init sa laman ko.
Shit! Shit! Shit!
Sinampal sampal ko ang pisngi ko dahil sa mga naiisip ko.
Masama si Nikolai. Masama siyang tao!
Pumapatay siya. Illegal ang trabaho niya. Laruan lang ang babae para sa kanya at ginahasa niya ang babaeng pinakamamahal mo!
Gumising ka!Sigaw ng isip ko.
Nararamdaman ko lang siguro ito dahil siya ang unang lalaking nakahalik at nakahawak sa akin kaya ganito.
Isang katok ang nagpabalikwas sa akin.
" Ma'am, ito na ho ang dinner niyo. " nakangiting sabi ni Eliza ng mabuksan niya ang pinto. Na sa kanya kasi ang susi.
Para talaga akong bilanggo dito.
Nailing na lang ako.
" Eliza saan si punyetang Nikolai? " tanong ko na ikinalaki ng mga mata niya
What?
Eh yun ang tingin ko sa lalaking iyon.Inilapag muna niya ang hawak niyang tray na puno ng pagkain at umupo sa harapan ko.
" Ma'am, sa totoo lang ho ay pinagbawalan kami ni Chief na kausapin kayo. Ang utos lang niya ay dalhan kayo ng makakain at damit. " usal niya.
Di na ako nagtaka. Panigurado ay ganito rin ang ginawa niya sa mga babae niya.
" Ganito naman lahat ang ginagawa niya sa mga naging babae niya di ba? " tanong ko na ikinailing niya.
Nagtaka tuloy ako.
Ano ito, ako lang ang ginagawa niyang parang bilanggo?
Putangina talaga nun.
" Hindi ma'am. Kayo nga lang ho ang dinala niya dito sa HQ. Ang pagkakaalam ko ho ay sa condo niya itinitira ang mga babae niya. Kayo ho ang pinakaunang babae na pinadala niya dito. " halos pabulong niyang sabi na para bang may makakarinig samantalang nakasara ang pinto.
Hindi ako makapaniwala sa narinig. Iba ako? Iba ako sa mga babae niya?
Shit! Baka hindi niya ako gagawing parausan, baka papatayin niya ako! HQ niya ito, headquarters ng pinakamataas na tao ng mobsters sa asya.
" Ano bang kailangan niya sa akin?" halos pabulong ko na rin na tanong. Dahil para akong nanghina sa iniisip.
Hindi niya ako pwedeng patatin! Babalikan ko pa si Amara!
Umiling si Eliza. " Hindi ko rin po alam ma'am. Nung una ko po kayong nakita ay akala ko'y isa kayo sa papatayin sa ibaba. " sagot nito.
Papatayin sa ibaba? Anong?
Gulong tanong ko sa isip ko na parang nabasa ni Eliza. " Dito ho kasi sa HQ idinadala ang mga pinapatay ni Chief at ng mga tauhan niya. Mas malawak itong HQ, nasa ilalim ho ang imbakan ng mga pinapatay ng grupo ni Chief. " nangilabot ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, sa ilalim ng maganda, malaki at marangyang mala-kastilyong bahay na ito ay nakaimbak ang mga pinatay ni Nikolai?" He's really a monster. " I murmur. " Pumapatay siya ng walang awa. Pumapatay siya ng mga inosenteng tao. " dugtong ko. Muling umiling si Eliza.
" Hindi ho ma'am. Ang mga pinapatay niya ay ang mga trumatraydor sa kanya. Ang mga nandadaya at bumabangga sa kanya. Ang mga nagnanakaw sa kompanya niya, sa totoo lang ho ay mas masahol pa po ang mga pinapatay niya keysa sa kanya. " Ngayon ko lang napansin na bilang isang kasambahay ay maraming alam si Eliza na ikakapagtaka ko.
Paano niya nalalaman ang mga ito?
" Sige ma'am, alis na ho ako. Marami na ho akong nasabi sa inyo at baka maabutan pa ako rito ni Chief. Pauwi na ho iyon. " tumango lang ako at nagpasalamat.Hindi ako makatulog dahil sa mga nalaman.
Oo, alam ng karamihan na si Nikolai ang boss ng mga mobsters sa asya. Pero di nila alam kung saan ang headquarters nito at kung ano ang mga ginagawa nito.
Katulad ko na isang normal na mamamayan lang, ang tanging alam namin ay illegal ang gawain niya at pumapatay siya ng mga tao. Marami siyang tauhan at napakamakapangyarihan niya. Kaya niyang kontrolin ang maraming tao.
Iyon lang ang alam namin.Kahit na sabihin na nating masamang mga tao ang pinapatay niya ay mali pa rin iyon. Ang pagkitil sa buhay ng isang tao.
Napakasama talaga niya.Narinig kong bumukas ang pinto at biglang sinakop ng isang mabangong amoy ang kwarto.
Si Nikolai!
Alam ko na ang amoy nito, lalaking lalaki at nakakakiliti ng laman ang amoy niya.
Nagpanggap akong tulog dahil ayaw ko siyang makausap ngayon.
Napakaraming gumugulo sa isip ko. Ang daming rebelasyon.
Naramdaman kong naglakad siya papunta sa higaan ko. Kinalma ko ang sarili ko para di niya mahalatang gising pa ako.
Isa siyang ekspertong mamatay tao kaya alam ko na alam niya kung gising ba o hindi ang isang taon. Matalas ang pakiramdam niya.May mainit na braso ang yumakap sa beywang ko. Pilit kong kinakalman ang puso ko na biglang lumakas ang tibok.
" Good night Renaissance. " bulong niya at hinalikan ako sa aking pisngi. Napapikit ako ng mariin ng maramdamang kumalas na siya sa pagkakayakap.Parang gusto ko siyang hilahin at sabihing dito lang siya. Na wag niya akong iwan. Pero sino ba naman ako?
Nang sumara ang pinto ay nagmulat ako ng aking mga mata.
Umupo ako at hinawakan ang aking puso." Anong ginagawa mo sa akin Nikolai? " bulong ko.
****
Any comments? :)
Kindly Vote and Share this story :)
Thanks
BINABASA MO ANG
Jet Black Heart (SPG)
General FictionRenaissance Lopez's life is almost perfect. May mapagmahal at mabait na girlfriend, may magandang trabaho. Tahimik ang buhay niya at alam niyang si Amara na ang makakasama niya pang habang buhay kahit pa pareho silang kalahi ni Eba. Pero lahat ng a...