JBH:17

1K 20 7
                                    

(Not edited)

Ilang araw na ang nakakalipas nung mag-usap kami ni Nikolai patungkol dun sa ' I don't do love' na sinabi niya.
We just kissed. Walang nangyari sa amin pagkatapos nun.
Kinagabihan nun ay walang paalam siyang umalis, kung hindi ko lang tinanong kay Eliza kung nasaan si Nikolai ay di ko malalaman. Nasa mahalagang okasyon daw ang huli, inintindi ko na lang at wala naman ako sa posisyon para magtanong kay Nikolai.
Maging ang cellphone number nga niya ay di ko alam.
Ano pa nga ba ang alam ko tungkol kay Nikolai bukod sa siyang leader ng mga mob sa buong asya?
Na isa siyang mayamang tao at kinakatakutan.
Ano pa ba ang alam ko sa isang Nikolai Moretti?
Ni hindi ko nga alam kung ilang na taon na siya. Kung kailan ang birthday niya. Mga ganung simpleng bagay ay di ko alam.
Pero naisip ko uli, sino nga ba ako para malaman ko ang tungkol dun?
Ni hindi ko nga alam kung ano ako sa buhay niya bukod sa nabili niya lang ako sa isang underground auction.
Huminga ako ng malalim.
" Ang lalim nun ah. " halos mapatalon ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko.

Pumikit ako ng ilang ulit bago uli tinignan ang bagong dating.
Kulay abo ang mga mata nito, halos katulad ng mga mata ni Andric pero mas lighter ang shade ng pagka-abo nito.
Kulay brown ang buhok nito na sa tingin ko ay natural nitong kulay.
Matangkad ito at matipuno ang pangangatawan.
Ang labi, ilong, hugis ng mga mata nito ay katulad na ng kay Nikolai.
Kung pagtatabihin mo sila ay masasabi mong si Nikolai iyon dahil asul ang mga mata nito at itim na itim ang buhok nito.
Ang nasa harap ko ay parang replika ni Nikolai.
" I know, I'm hot. " Pumikit uli ako ng ilang ulit.
Pati ang klase ng pagtitig nito ay katulad ng kay Nikolai!
" Nikollo Daemon Moretti." inilahad niya ang kanang kamay niya.
Nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko o hindi.
Alam ko, mapanganib na tao ang nasa harap ko.
" Anong pangalan mo, Miss. Don't worry di ako nangangagat tulad ng kuya ko. " at dahil dun ay napatingin talaga ako ng diretso sa kulay abo niyang mga mata.
" Kuya mo? " tanong ko. Malakas ang kutob ko na kapatid nga ni Nikolai ang lalaking ito.
" Judas Nikolai Moretti's younger brother. " Tumango na lang ako at iniabot ang kamay niya.
Judas? Bagay sa lalaking yun.
" Renaissance Lopez. " pakilala ko at nagtaas siya ng isang kilay. Pati ba naman yun ay parehas sila?!

" Nice name. So, why are you here? Isa ka ba sa mga kasama ni kuya dito? O kliyente ka niya? " anong sasabihin ko? Na puta ako ng kuya niya?

" Binili niya ako. " ang sagot ko na lang. May dumaan na pagkagulat at pagkamangha sa mga mata nito pero bigla rin na nawala at napalitan ng saya.
" That's new. Bumili siya ng babae niya? " tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, at nakakailang ang ginagawa niya sa totoo lang. Parang tinitignan niya ang buong pagkatao ko sa ginagawa niya.
" I think you're worth it naman. So, saan ang hudas na iyon ng makaalis na ako sa bahay niyang ito, I mean, hindi dahil nandito pero nagmamadali talaga ako. "
" Umalis siya, tatlong araw na siyang di umuuwi. At di ko alam kung saan siya. " pinilit kong maging kaswal ang pagsasalita ko pero nalulungkot talaga ako at nadidismaya dahil wala talaga akong alam kung saan si Nikolai.
" Hudas talaga ang lalaking yun. Iniwan ka niya dito? Ang tanga talaga. " umiiling na sabi niya at tumingin sa akin.
" Gusto mo ba siyang makita? " tanong niya.
Agad akong tumango. Miss na miss ko na ang tanginang yun kahit na ganito ang trato niya sa akin.
Nakakabaliw pala kapag ganun? Iyong isip ka ng isip kung saan siya. Iyong nag-aalala ka na ng sobra pero sa kanya wala lang?
" Hindi ko alam, kung isa ka sa mga babae niya o ano pero sa tingin ko ay espesyal ka. Pero kung espesyal ka, bakit iniwan ka niya dito at di siya nagpalita sayo ng ilang araw? Don't worry, tara sumama ka sa akin, may pupuntahan tayo at makikita mo dun ang hudas na lalaking yun. "
Nag-isip muli ako ng ilang minuto.
Baka dalhin lang ako nito kung saan? Baka mapahamak na naman ako?
" Don't worry, Ren. Mapagkakatiwalaan mo ako. At panigurado mabibigla si Kuya kung makikita ka niya sa underground ball mamaya. "

Tinawag ba niya akong Ren?
Tangina feeling close ang lalaking ito.
" Underground ball? "
"Uh-yeah. Panigurado si Dria ang kinuhang partner nun kaya di mo alam. Tanga talaga nun. Andito ka na nga, naghanap pa ng iba. " ito ang pagkakaiba nila ni Nikolai, madaldal ang kapatid niya at katulad ni Andric ay straight to the point.
" Baka magalit siya kapag makikita niya ako doon. " Natatakot ako dahil wala naman siyang sinabi na pwede akong umalis dito. At baka masaktan lang ako lalo kung makikita ko kung paano niya tratuhin ang 'Dria' na tinutukoy ni Nikollo.
" Wag kang mag-alala Ren. Akong bahala sayo. Atsaka okay lang naman siguro na kunin kitang date mamaya dahil may kasama naman na siya di ba? Atsaka baka di tayo mapansin nun dahil sigurado akong abala kay Dria yun. " di ko alam kung sinasadya ba ng tao na ito na ikuskos sa pagmumukha ko na wala lang ako kay Nikolai at mas importante ang Dria na iyon kaya yun ang kinuha niyang partner slash date sa magaganap na ball na wala akong kaalam alam kung ano ang meron.
" Sige, sasama ako."
Sagot ko. Naisip ko, wala naman siyang sinabi na bawal akong umalis dito. Ni wala nga siyang sinabi na kung ano, basta iniwan nga lang niya ako dito ng walang paalam. At tama nga naman ang sinabi kanina ni Nikollo na baka nga abala ito sa Dria na iyon.
Kailangan kong makita kung sino ang babaeng iyon.

Jet Black Heart (SPG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon