*MAJOR FLASHBACK*
Mitchie's POV
First Day na ng pasukan! I'm so excited! Makikita ko na naman si Erica mamaya! Omg!
Pero nakakainis din kasi gigising ka ng maaga. Tapos makikinig ka sa mga boring na teachers ugh! Eh halos alam ko oops! Halos alam na namin ni Erica ang pinagaaralan dito kasi nagaadvance reading kami, Fast Learners naman kasi soooooo.
"Ma'am nandito na po tayo" Sabi ng Driver namin.
Di ko namalayang nandito na pala kami ang daldal naman kasi ng utak ko! Lumabas na ako ng kotse at naaninag ko na ang kaluluwa, anino, laman, lahat na ni Erica. Pumunta ako sakanya at sabay kaming napatili sa excitement.
"Sissy! Omg! Parang ang tagal nating nagkita pero 2 months lang talaga 'yun" Sabi ni Erica saakin at nagyakapan na naman kami.
Pumasok na kami sa loob ng School, Agad kaming tinitigan ng mga lalaki doon. Sinalubong kami ni Dave na kakaway kaway pa.
"Awkward." Bulong ko kay Erica.
May something kasi sakanila dati kaya medyo awkard na ngayon, Oh well! Past na 'yon at di na dapat pang balikan, Masasaktan ka lang at baka umasa ka na naman. Ay nako napa hugot pa ako ano? Bwisit ka Dave.
Magkaklase kami ni Erica kaya sabay na kami. Nang makapasok kami, Sobrang tahimik nila at parang di kami kilala. Nilapag ko muna ang mga gamit ko at pumunta sa harap.
"Hi Class E! Nice to meet all of you guys! Kilala niyo na naman siguro ako mga hindi transferee diba? Sa mga transferee, Ako nga pala si Mitchie Michelle Vergara."
Masigla kong sabi sakanila."Um? Hello? Magingay naman kayo! Napaka tahimik niyo ha-" Di ko na natuloy ang pagsasalita ko dahil biglang may nagingay sa pintuan. Aba! Kaklase ko pala tong mokong na to?!
"Eyo! Its me Dave! Glad to meet you guys!"
Nakatingin saakin si Erica na gulat na gulat dahil hindi namin inaasahan to.
What in the world?! Nakakainis naman! Sana sa pag 3rd year ko di ko na to kaklase! Di ako makakasurvive kapag kaklase ko to!
Umupo na ako at nagsimula nang magingay ang mga kaklase namin. Biglang may lumapit saaming lalaki, Transferee yata ngayon ko lang nakita eh.
"Hi Ladies, Gabriel" Naglahad siya ng kamay saamin ni Erica tinanggap namin yun at kinindatan kami.
"Gabriel sasabihin ko lang sayo na hindi bagay sayo ang kumindat" Pataray kong sabi sakanya kaya natawa siya.
Inirapan ko lang siya. Mas mataray ako kesa kay Erica, Goody-Good-Shoes yata yan.
Mataray din naman siya pero
Nilalabas lang kapag kinakailangan. Kaya Partners in Crime kami eh, Lav na lav ko yang gandang babaeng yan pero syempre mas maganda ako.Habang nagkekwentuhan kami ni Erica biglang dumating ang Adviser yata namin.
Nagsulat siya sa board.
Ms. Evalyn Lorena
Hey, Evalyn? Lorena? Nabasa ko na to sa isang article ah? Saan nga ba yun? Nakalimutan ko na ah basta!
"Goodmorning Class E, I'm Evalyn Lorena but you can call me Ms. Eva"
At as usual nagpakilala ang lahat
At nagdiscuss ng kaonti. Ang boring naman grabe.**
Ang pinakahihintay ng lahat, Ang Break. Nag-Break muna kami at pinuntahan si Czandra at Jelcy sa upuan nila.
BINABASA MO ANG
Killers
Misterio / SuspensoIsang magkakaibigang makakaranas ng mga pangyayaring hindi nila kailanman na pinangarap. Paghihiganti. Pagpatay. Pagsisinungaling. Ayan ang mga ginagawa nila, Pero bakit?