Chapter 3

92 10 11
                                    

Erica's POV

Buti nalang at Friday na ngayon. Nakakabwiset sa school.
Pupuntahan ko muna yung Bestfriend ko. May schedule kasi kami. Magsho-shopping lang then bonding ng kaunti.

Habang nagda-drive ang Driver namin. Huminto siya dahil nag pula ang stoplight. Napatingin ako sa isang madilim dilim na eskinita. Nakakita ako ng pamilyar na katawan. Teka, Eto yung Adviser namin ah? Si Ma'am Evalyn? Bakit..... Bakit may naiwang katawan doon na nakahiga? Bakit may tinapon siya sa tabi nito? Oh My Gosh! Bakit... Bakit may dugo ang Suot niyang jacket? Punong puno ng dugo!

Mabuti nalang at nag green na ang stoplight. Natatakot talaga ako sa nakita ko kanina. Totoo ba yon? O naghahallucinate na naman ako?

Natatakot ako at kinakabahan. Feeling ko hindi na ako safe sa classroom.

"Ma'am nandito na po tayo"
Halos mapatalon ako sa gulat nung nagsalita ang Driver namin.

"Sige po, Teka lang po ha. Susunduin ko lang po muna siya"

Nginitian lang ako ni Manong at lumabas na ng kotse.

Nag-doorbell ako sa bahay nila at nakarinig kaagad ako ng yapak na tumatakbo. Binuksan niya ang pinto at ang laki ng ngisi niya.

"Kamusta ka na Micha! Omg namiss kita!"

"Heto, Maganda parin. Chos!"

"Lika na? Baka malate pa tayo doon sa papanoorin natin"

Tumakbo kami papunta sa kotse.
Ang saya saya niya, Pero ako eto hindi parin makapaniwala sa nakita kanina.

Sa sobrang daming tanong at kung ano ano pang iniisip ko, Di ko namalayang nasa Mall na pala kami.

Nagpunta muna kami ni Micha sa Starbucks para umorder ng fave naming frappe. Pagkatapos nun nagpunta kami sa pilahan ng tickets para sa Sinehan.

"Ano gusto mong panoorin Miks?"

Tinitingnan niya ang listahan ng mga showing ngayon at halos mapatili siya nang makita niya ang The Maze Runner.

"Eto! The Maze Runner! Maganda yan! Showing na nga pala yan!" Sabi niya na tuwang tuwa at tumatalon pa.

Pinili namin yung pang alas tres para magshopping muna.

Nagpunta muna kami sa Department Store at namili ng mga damit.

Habang naghahanap ako ng magandang dress doon bigla akong nagulat nang sumulpot sa harap ko si Vincent. What the? Seriously? Stalker ba to? Like, Ugh!

"Hi Erica!" Masigla niyang sabi.

Pero nilagpasan ko lang siya. Ayoko siyang makita. Nakakabwiset siya. Wala lang, Di ako flirty ngayon. Hinila ko nalang palayo si Micha habang tumitingin ng mga dress doon.

Susundan pa sana kami ni Vincent pero dinala ko si Micha sa CR.

"What the hell is that?"

"Sorry, May sumusunod lang saakin."

"Oh I see, Stalker?"

"No." Mabilis kong sagot sakanya. Tumawa nalang siya at tumambay kami sa labas ng sinehan.

Maganda din yung pinanood namin. Naenjoy ko din kasi ang gwapo nung Newt doon.

Pagod na kami ni Micha kaya naisipan kong ihatid na siya sa bahay niya.

Nagda-drive na si Manong nang biglang tumigil ng marahan ang sasakyan. Muntik nakong tumilapon doon.

"Kuya! Ano ba yan!"
Galit kong sabi kay Manong.

KillersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon