Panimula

151 11 2
                                    

*Flashback*

"Hoy! Ano ba! Nangangamoy ka na! Naligo ka ba ha?" Tawang tawa na sabi ni Dave sa kaklase niya.

Hindi narin napigilan ng mga kaklase niya kaya humaglpak narin sila sa pagtawa. Malapit nang umiyak ang binubully niyang kaklase kaya pinatigil na sila ni Dave.

"Hoy guys! Shh! Iiyak na!" Sabi ni Dave ba tatawa tawa pa.

Lagi itong nararanasan ni Guilliana, Pero hindi niya ito pinapansin kasi wala naman siyang pakialam at nakasanayan niya na rin ito. Sa klase nila siya ang pinaka magaling gumuhit, Manghang-mangha sila tuwing gumuguhit si Guilliana. Hindi dahil siya'y nabubully minsan ay wala na siyang mga kaibigan, Mayroon siyang mga kaibigan sa kanilang Classroom kaya hindi naman siya laging mag-isa.

**

Makalipas ang ilang buwan nalaman ng buong eskwelahan ang nangyari kay Guilliana, Natagpuan siya sa kanilang bakuran na walang buhay. May galos ang kanyang leeg at may mga pasa sa katawan. Ang kanyang mga kaibigan ay nagluluksa pero hindi sila naninisi ng kaklase alam naman nilang hindi nila iyon magagawa.

Si Dave ay takot na takot. Nagi-Guilty siya sa nangyari kay Guilliana, Kaya nanahimik siya sa kaniyang upuan. Maging ang kanyang mga kaklase ganun din ang nararamdaman. Takot na mapagbintangan sila.

--

Makalipas ang ilang taon, Naka-Graduate na ang mga magkaklase.

Matapos ang kanilang Graduation, Nagulantang sila sa balitang natagpuan si Ken na walang buhay.

*End of Flashback*

__________

Sorry dahil maigsi lang! Ayan na muna ang kaunting pasilip haha char! Sa Chap1 raramihan ko na! Thank you! Vote niyo po <3

KillersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon