Chapter 9

66 7 0
                                    

Czandra's POV

Hindi ako komportable sa lugar na 'to. Feeling ko maya maya nalang may malalaman kami na kung ano. May mamamatay na naman ba?

Nakakatakot sabihin pero, May mamamatay na naman. Kanina pa siguro nila napapansin na tahimik ako. Wala akong magagawa, Kinakabahan ako.

Alam kong nakaaligid lang ang mga pumapatay sa tabi namin at maya maya isa sa mga kaibigan ko ay wala na. Nakakatakot 'yon kaya poprotektahan ko sila.

Erica's POV

Ang weird talaga nila Jelcy, Mitchie at Czandra. Mukhang focus na focus sila sa pag-solve ng krimen na 'to. Nakaka-lungkot lang kasi kanina inaasikaso pa kami ng Doktor na 'yon tapos maya maya lang makikita na namin siyang nakabulagta, Duguan, at wala nang buhay.

Kasama namin ngayon si Clarisse at si Kyllene. Hanggang ngayon umiiyak parin siya. Nang makuha kasi ang bangkay ng kanyang ama ay biglang lumabas si Kyllene na nagwawala. Nang makita niya ang tatay niya ay halos mawalan siya ng malay sa sobrang galit. Ilang oras narin ang lumipas nang namatay ang tatay niya.

Nandito kami ngayon sa isang opisina kung saan tinatanong kami ng pulis sa nangyari.

"Bago niyo nakita ang bangkay ni Mr. Delsio, Ano muna ang nangyari?" Tanong niya saaming lahat.

"Nakarinig po kami ng napakalakas na kalabog." Sabi ko sa pulis at tinanguan niya ako.

"Pagkatapos po ay nag black-out. Nakita niya po kami..." Turo ni Czandra kay Clarisse. "Hinatak niya po kami palabas sa kwarto na kinalalagyan ni Dave. Nang buksan po namin yung pinto ay nakakita po kami ng usok, Makapal na po 'yon at sa tingin ko may sunog na po.
Tumakbo kami palabas at nakita po namin ang iba pang pasyente na nagsisigawan, Nagiiyakan, at nagmamakaawa na makaalis.
Nakita po namin ang entrance ng ospital pero sarado po. Nakita po namin ang Fire Exit, Masaya na po kami ngunit napalitan kaagad nang makita namin si umm Dok-- Mr. Delsio." Dugtong pa ni Czandra.

Mukhang alam na ng Pulis ang nangyari kaya tumango siya at nagisip ng malalim.

"Kilala niyo ba 'to?" Sabay hagis ng pulis ng isang litrato.

....

....

....

Saglit na katahimikan at pagkagulat ang nangyari.
Nagkatinginan kami na nanalalaki ang mga mata. Pareho kaming gulat na gulat at nagtataka.

"Teka, Eh bakit nasali siya dito?"
Nagtatakang tanong ni Jelcy.

Nagtanguan naman ang lahat.

"Months ago, Nawawala siya. Hindi namin siya nakita. Alam niyo naman na siguro kung bakit siya nasa Mental Hospital diba?" Sabi ng pulis.

"Huh? Nawawala? Bakit?"

"Nakatakas siya, Pinatay niya ang pamilya niya pati ang mga kapitbahay niya. Aminado siyang, Siya ang pumatay at sa puntong iyon alam na namin na baliw siya."

"Akala ko alam niyo na." Napalingon kami sa nagsalita, Si Czandra. "Ang papa ko ang nagpa-admit sakanya sa Mental." Dugtong pa niya.

Nanlaki ang mga mata namin sa narinig. Teka nga. So all this time alam niyang baliw siya at hindi niya sinasabi saamin.

"Alam niyo ba kung nasaan siya?" Tanong ulit ng pulis. Daming tanong ang echos.

"P-Patay na po si Ms. Evalyn.." Sagot namin nina Mitchie.

Nanlaki ang mata ng pulis at umiling-iling. Tila bang hindi siya naniniwala sa narinig. Tiningnan niya lang kami gamit ang kanyang blankong ekspresyon.

KillersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon