Erica's POV
"Oo nga, Ang kulit ah." Sabi ni Venice.
Kanina pa namin siya tinatanong kung totoo bang nakakatanggap din siya ng messages.
"Oh eto! Basahin niyo!"
Binasa namin ni Mitchie ang isang message sa cellphone ni Venice.
Walang pangalan ang nagsend nito. Parang saamin lang.Unknown Number:
Umuwi ka na, Nasa panganib ang mga kaibigan mo.
Tsk. Grabe na talaga tong nagme-message saamin. Pati ba naman si Venice na nananhimik dinadamay pa. Natatakot talaga ako sa mga nangyayari..... Sa mga mangyayari.
"Susmaryosep! Masyado talaga to! Pasensya na, Venice. Nadadamay ka pa dahil saamin." Pasigaw na sabi ni Mitchie. Halatang galit na.
"Uy, Okay lang! Okay nga yun eh, Nagkita ulit tayo. Pero don't worry, Tulad nga ng sinabi ko kanina. Kung sakaling may umatake saatin, Saakin, Okay lang. Natuto akong mag Martial Arts at ready din ang mga swiss knife ko pati mga tazer.
Dakilang mambubugbog yata ako." Sabi ni Venice kaya natawa nalang kami ni Mitchie sa sinabi.Okay na yun, Atleast ready. Oh diba, May swiss knife na nga may tazer pa. Marunong pa mag martial arts. Osige na Venice! Ikaw na! Ikaw na!
Nagkwentuhan lang kami sa bahay ni Mitchie, Nakwento ni Venice na kaya daw siya pinag Martial Arts doon, Para daw sa Self Defense niya.Habang nagkekwentuhan, Biglang tumunog ang cellphone ni Mitchie.
Nang mabasa niya ang message, Nanlaki ang mga mata niya at ang mukha niya ay hindi maipinta."Oh...... My........ Gosh...." Nauutal niyang sabi. "S-si Guilliana daw... Natagpuan sa bahay nila na... na wala.... patay na si Guilliana...." Dugtong pa niya.
What?! At ano naman kinalaman ni Guilliana dito?
"What?!" Sabi ko.
"Sino yun..."
Kung hindi lang ganito ang sitwasyon, Tawang tawa ako sa sinabi ni Venice. Pero hindi, Nadadagdagan na naman ang mga namamatay. Masasama kaya ako?
"Guys, Pinapapunta tayo nila Czandra at Jelcy sa Starbucks."
Nginitian kami ni Venice at tumango.
Sumama saamin si Venice dahil gusto niya daw ulit makita si Czandra at Jelcy.
-------------
"Venice!!!!" Sabay na sigaw nila Jelcy at Czandra nang makita kami sa pinto.
Sinugod nila kami, Akmang yayakapin ko na sila pero dumiretso sila kay Venice. Naiwan tuloy ako dito na nakatayo. Nakakahurt lang!
"Excuse me, Andito po ako." Sarcastic kong pagkakasabi.
"Hello, Erica." Bati ni Czandra at binaling ulit ang pansin kay Venice.
Natawa nalang ako sakanila, Sobra siguro nilang namiss tong babaita na to.
"Okay, Okay! Tama na ang dramahan. Upo na tayo nangangalay na ako." Sabi ni Venice.
Nagtawanan lang kami.
"Okay, So ano ginagawa natin dito?" Tanong ni Mitchie at saktong dumating ag orders namin.
"Wala lang, Celebrate? I guess?" Sagot ni Czandra.
"What?! Celebrate for what?! Naloloko ka na ba? Namatay si Guilliana!" Napasigaw tuloy ako sa galit.
Parehong nanlaki ang mga mata ni Czandra at Jelcy.
"G-Guilliana?" Jelcy.
"Oo!"
Napatingin ako kay Czandra, Nakita kong nakangiti siya at ininom ang order niya. Anong problema nito?
May binulong din siya pero ang naintindihan ko lang ay "Di...... Makakatak......" Ano daw?!"Hoy, Czandra. Anong nginingiti ngiti mo diyan?" Tanong ko.
"Si Dave kasi may nililigawan. Nabusted."
Ahh. Yun lang pala.
Nagkwentuhan lang kami doon. Nagtawanan at binalik ang kaonting past. Nang magpaalam na kami na umuwi, Sabay sabay na tumunog ang cellphone namin.
Nagkatinginan kami.Ang mas nakakagulat, Ang nagtext saamin ay iisa lang. Yun din ang nagtetext saamin ng masasama. Kinikilabutan na kami kaya pumunta na kami sa sinabi ng nagtext saamin. Sa school.
Dave's POV
Nabusted na naman ako! Lagi nalang. Ano bang meron saakin at palagi akong nabubusted? Gwapo naman ako, Mabait, Matalino. SAAN KA PA?
Magisa akong naglalakad paalis sa school nang mapansin kong may sumusunod din saakin. Lumingon ako at nakitang may sumusunod nga, Parang nabunutan ako ng tinik nang malaman kong guard lang pala. Lumiko na siya paalis saakin kaya magisa na naman ako. Walang gaanong tao, Meron nga pero dadalawa lang.
Napansin kong may sumusunod na naman saakin, Paglingon ko wala naman. Dito na ako nagsimulang matakot. Binilisan ko lang ang lakad ko para makaalis kaagad, Pero habang binibilisan ko mas kinikilabutan ako. Tumigil ako sa paglalakad at oo may kasama nga ako.
Lumingon ako ulit at nakitang may taong naka all black. Naka maskara din kaya hindi ko makilala ang mukha, Napaka luwag din ng suot niyang pang itaas at pang ibaba kaya mas nahirapan ako sa pagkilatis sakanya.
Tumalikod ako sakanya at naglakad ulit. Ngayon narinig kong may kinuha siya, Natatakot talaga ako kaya tumakbo ako palayo hanggang sa marating ko ang Main Gate ng school.
Nilingon ko yung nakita ko pero wala na siya, Nabunutan ako ng tinik nun. Pagharap ko nakita ko siya. Nanlaki kaagad ang mga mata ko, Sisigaw na sana ako ng hatakin niya ang bibig ko at hiwain ito. Umagos kaagad ang dugo mula dito. Ramdam na ramdam ko ang hapdi, Ang sakit. Sobra. Naluluha na ako sa sakit. Nakita kong may kinuha siya muli, Nanlaki ang mata ko at napaluha ulit.
Alcohol.
Kinuha niya ang alcohol at binuksan ito. Agad niyang sinaboy ang alcohol sa bibig ko dahilan para mapasigaw ako sa sakit. Mas humapdi ang sugat ko. Tinadyakan ko siya sa pribadong area niya dahilan para mapahiga siya sa sakit. Sinamantala ko na at tumakbo palayo. Nilingon ko siya at nakita kong dahan dahan siyang tumatayo.
Mas binilisan ko pa ang takbo ko nang bigla akong nakabangga. Nilingon ko siya at nakitang may pumapatak na dugo sa mukha niya.
Nanlaki ang mga namin, Sobrang saya ko nang makita siya."Tulungan mo ako, Mitchie!" Sigaw ko sakanya, Hirap na hirap akong magsalita dahil sa napakalaking sugat ko.
"D-Dave? Anong nangyari sayo?!"
"Tumayo na kayo diyan parang may humahabol kay Dave." Sabi nung isa sa kasama niya. Teka, Si Venice to ah?
Sinugod niya ang naka all black at sinuntok. Napakabilis ng nangyari, Nakita ko nalang yung naka all black na nakahiga at pinatakbo na kami.
--------------
Hanggang dito nalang muna!
Pasensya na napaka igsi!
BINABASA MO ANG
Killers
Mistério / SuspenseIsang magkakaibigang makakaranas ng mga pangyayaring hindi nila kailanman na pinangarap. Paghihiganti. Pagpatay. Pagsisinungaling. Ayan ang mga ginagawa nila, Pero bakit?