Chapter 8

73 3 0
                                    

Vincent's POV

Unknown Number:

Pumunta ka sa school kung ayaw mo mawalan ng kaibigan.

Kanina ko pa to paulit ulit na binabasa. Hindi ko kasi alam kung totoo ba to o hindi eh. Baka mamaya maholdap lang ako.

Napag desisyunan kong pumunta sa school dahil natatakot ako na may mangyaring masama sa kaibigan ko. Sumakay na ako ng jeep papunta sa school, Well pwede namang lakarin, Eh tinatamad ako.

Nagpara ako malapit sa school, Hindi na kasi pwedeng pumasok ang jeep malapit sa school. Habang naglalakad ako, Nakakita ako ng mga taong dali daling pumapasok sa isang kotse, Ang isa sa mga kasama nila binugbog pa ang taong naka all black. Nanliit ang mga mata ko para tingnan kung sino iyon, Saka ko napagtantong si Venice ang bumubugbog at sila Czandra, Erica, Mitchie, Jelcy at Dave ang pumasok sa kotse.

Papasok na sana si Erica nang makita niya ako. Nanliit din ang mga mata niya at nang makitang papalit ako sakanila ay sinigawan ako.

"Vincent! Bilisan mo! Sumakay ka na muna dito! Bilis!" Sigaw niya na parang natataranta at may bahid ng takot.

Tumakbo ako papunta sa kotse at dali dali akong hinila papunta sa loob. Tiningnan ko sila at nanlaki ang mga mata ko nang nakita ang nangyari sa mukha ni Dave. Ano ang nangyari sakanya?

"Anong nangyari sayo, Dave?!" Sabi ko sakanya. Napatingin siya saakin at agad bumuhos ang mga luha niya.

Agad ding pumasok si Venice sa kotse.

"Manong drive na! yung pinaka mabilis po! Pakihatid narin kami sa pinaka malapit na ospital." Venice.

Anong nangyari kay Dave? Bakit ganyan mukha niyan? Tumutulo pa yung dugo kadiri!

Nakatitig lang ako sa napakalaking hiwa niya sa bibig niya. Kinuha ko ang dala kong bag at hinalungkat ang dala kong panyo. Nang makita ko ito agad ko tong binigay kay Dave para hindi nakakadiring tingnan ang hiwa niya.

"Salamat." Sabi niya at pinilit na ngumiti kaso napahawak siya sa sugat niya dahil mahapdi ata.

"Kamusta na, Vincent?" Sabi ni Venice kaya napalingon ako sakanya sa front seat.

"Eto gwapo padin. Ikaw? Tagal nating hindi nagkita ah?"

"Hay nako Vincent." Sabay tawa niya.

Niliko kami ng Driver sa isang ospital. Nang makita kami ng guard ay may tinawag sa ER para asikasuhin si Dave.

Pinasok na siya sa isang kwarto doon at pinagstay kami sa labas. Bwisit lang. Tahimik lang kami sa labas. Si Venice malalim ang iniisip, Si Erica nanginginig na ewan inaatake na ata ng epilepsy, Si Mitchie palakad lakad, Ako, Si Jelcy at si Czandra ay nakaupo lang at naghihintay sa doktor na lalabas.

----

Matapos ang ilang minuto na pagstay namin sa labas ay lumabas narin ang doktor.
Pinuntahan agad ni Venice ang doktor. Bagi pa magsalita si Venuce ay naunahan na siya ng doktor.

"Okay naman ang kasama niyo. Kailangan niya lang magingat sa pagsagi ng hiwa niya baka kasi bumuka." Doc.

"Bumuka? Bakit po? Tinahi?" Singit ni Erica.

"Oo, Sige mauna na ako. Pwede niyo na siyang bisitahin." Sabi ng doktor at umalis na.

Pumasok kami kaagad sa kwarto ni Dave at nadatnan namin siyang nakatingin sa nurse na may ginagawa sa isang tabi.
Napatingin siya saamin at ngumiti. Nang makita niya ako agad niyang nginuso ang nurse na nasa tabi niya at ngumiti ng napaka-lapad.

KillersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon