Cyrus' POV
"Nasaan na?! Nakita niyo na ba si Mitchie?!" Galit na galit si Erica. Kanina pa siya naluluha dahil ilang oras nang nawawala si Mitchie.
"Kumalma ka lang, Erica." Tahan nila sakanya.
"Baka kung a-ano na ang nangyari kay Mitchie. Natatakot ako." Sabi niya kaya kaagad namin siyang dinaluhan.
"Saan ba siya galing kanina bago nawala?" Seryosong sabi ni Gabriel.
"Pinatawag daw siya ng Principal diba? Baka naman alam ng Principal." Singit ko sakanila.
Pinagmasdan nila ako.
"Oh! Oh! Sabi iyon ni Ma'am Lerisa!" Baka kasi isipin nila na ako ang kumuha.
May binulong si Gabriel kay Erica at tinanguan siya nito. Pagkatapos nun ay umalis na si Gabriel kasama si Vincent. Sasama sana ako kaso pinigilan ako ni Dave.
"Nasaan si Mary? Saka yung iba pa?"
Nagkatinginan kami. Halos mabingi na ako sa katahimikan. Nang biglang tumunog ang mga cellphone namin. Sabay sabay.
Nagkatinginan kami ulit.
Kinuha ko ang phone ko at nanlaki ang mga mata ko sa binasa ko.
Unknown Number:
Hawak namin si Mitchie at iba niyo pang kaklase. Kung gusto niyong maligtas sila hanapin niyo na kami. Dalawang oras lang ang ibibigay namin sainyo. Bilisan niyo. Nasa lumang bahay kami malapit sa subdivision nila.
Pagkatapos ko iyon basahin ay biglang humagulgol si Erica.
"Si Mitchie!" Iyak niya.
"Bilisan na natin! Tara tara! Czandra,Dave. Puntahan natin sila. Erica,Jelcy maiwan kayo dito pagdating nila Gabriel at Vincent sabihin niyo kaagad sakanila kung nasaan kami!" Sabi ko sakanila na natataranta na.
Hinila ko na sila Dave at Czandra.
Hindi ko alam kung bakit kami nakakaranas ng ganito. Masyado pa kaming bata para makaranas ng ganito. Kailangan naming mag-ingat.Mitchie's POV
Pagmulat ko. Ang una kong napansin ay, Isang silid na madilim pero hindi naman gaano ang kinalalagyan ko. Tatayo na sana ako nang maramdaman kong nakatali ang kamay at paa ko.
Mabuti at walang busal ang bibig ko. Mainit dito. Nakakaaninag ako ng liwanag sa bintana, sa tingin ko. Hapon na.Ano nga ulit ang nangyari kanina?
..
..
..
Ah! Nawalan ako ng malay dahil doon sa panyo na nilagay ng taong estupido. Tss. Napairap ako sa kawalan dahil sa inis.
Maya maya pa'y biglang bumukas ang pintuan at tumambad saakin ang isang lalaking naka face mask at kulay itim na jacket. Halata namang lalaki eh, Hindi ko lang kilala.
"Hello." Sabi nitong estupido na 'to.
Inirapan ko lang siya. Sus, Wag ako. Hindi ako natatakot sayo, Well oo. Mukha ka namang mamamatay tao, Eh, Mukha namang mahina.
Inirapan ko lang siya. Nagalit yata kasi sinampal ako. Aba't Bakla!
"Bakla. Tss. Nananakit ng babae." Sabay tawa ko at inirapan siya ulit.

BINABASA MO ANG
Killers
Mystery / ThrillerIsang magkakaibigang makakaranas ng mga pangyayaring hindi nila kailanman na pinangarap. Paghihiganti. Pagpatay. Pagsisinungaling. Ayan ang mga ginagawa nila, Pero bakit?