Mitchie's POV
Nagising ako sa ingay ng cellphone ko, Kanina pa to beep ng beep. Muntik ko nang makalimutan yung nagtext saakin kahapon.
Napabangon ako bigla sa naalala ko. Tiningnan ko kaagad ang mga message doon, Sandamakmak na text ang nakuha ko sa isang unknown number.
Binuksan ko ito at nabunutan ng tinik nang hindi pala ito ang nagtext kagabi.
Unknown Number:
Hi Mitch!
Goodmorning!
Huuuuy! Sleeping beauty pa ba?
Bruhilda ka hindi beauty :)
Dave nga pala 'to.
Kamusta na?
Huuuuuuy! Ang tagal naman magising. Puyat kung puyat?
Tss. Yan na naman siya, kala niya naman papansinin ko siya. Tss talaga.
Hindi ko nalang pinansin yon.
Tiningnan ko yung orasan at nagulat ako. Naka-miss ako ng tatlong subject! Jusmiyo!Agad-agad akong naligo at nagbihis. Hindi na ako kumain at lumabas na ng bahay.
--
Nakarating ako sa room naming hingal na hingal, Pero laking gulat ko na nagkakagulo sila doon. Walang ka teacher teacher. Tss.
"Anong nangyayari?" Tanong ko sakanila kaya napatingin sila saakin.
Ang laki ng ngiti saakin ni Dave, Tss. Inirapan ko nalang.
"Natanggap mo ba mga text ko?" Sabi niya saakin na nakangiti. Inirapan ko nalang ulit.
Binaling ko ang atensyon ko sa kaibigan kong kahapon pa tahimik at tulala. Si Erica.
Lumapit ako sakanya para kausapin siya, Pero failed. Wala siyang pinapansin.Nagaalala na nga ako sa nangyayari sakanya.
Habang abala ako sa cellphone ko, Bigla siyang nagsalita sa kawalan.
"Duguan.......Nakita ko...Ms. Evalyn..." Sabi niya.
"Shh na, Erica. Alam namin, Pero tumahimik ka nalang muna." Pagpapakalma ko sakanya.
"Hindi.. May narinig ako sa likod ng school kanina. May naguusap, Hindi ko makilala mga boses nila.... Sabi nila..." Bahagyang pumiyok ang boses niya sa huli niyang sinabi.
"Sabi nila.... May isusunod na daw sila.. Natatakot ako." Yinakap ko siya para mawala ang takot niya. Nagulat ako nang narinig ko siyang humikbi.
Sino ang isusunod? At ang mahalaga, Sino ang papatay, Sino sila?
"Hindi mo ba sila nakita?" Tanong ko kay Erica.
Umiling siya at tulad kanina, Tulala parin.
"Bad news." Napatingin kaming lahat sa nagsalita, Si Czandra. Nasabi ko na bang, President namin to kaya alam ang lahat ng nangyayari sa school.
"Ano?" Panay na tanong ng mga kaklase namin.
Pumunta siya sa harap at umambang may sasabihin pero hindi niya natuloy dahil nagsalita si Gabriel.
"Bad News dahil may lumipat na gwapong student?" Natatawa niyang sabi. Sinamaan lang siya ng tingin ni Czandra kaya natahimik si Gabriel.
"So ano na? Ano yung Bad News?" Tanong ni Grazielle.
Napatingin kaming lahat sakanya, Paminsan minsan lang to nagsasalita eh. Pero hindi naman talaga gaanong tahimik.
"May natagpuan daw sa Corridor ng 5th floor, Duguan. Halos hindi mo na makilala, Sira yung mukha yung mata nakaluwa. Kaya hindi mo talaga mapapansin kung sino yon. Yung katawan naman maraming hiwa."

BINABASA MO ANG
Killers
Mystery / ThrillerIsang magkakaibigang makakaranas ng mga pangyayaring hindi nila kailanman na pinangarap. Paghihiganti. Pagpatay. Pagsisinungaling. Ayan ang mga ginagawa nila, Pero bakit?