Mitchie's POV
Kinabukasan nagising ako ng maganda ang mood, Maganda din kasi ang panahon.
Hinanap ko kaagad ang phone ko para makapag-selfie. Pagbukas ko, Nakita kong may message doon si Gabriel. Napairap ako sa kawalan dahil baka nangungulit na naman 'to.
Binuksan ko iyong text message niya at nanlaki ang mata ko sa nabasa ko.
Gabriel:
Nakita namin si Ken sa bahay nila na patay. Patay na siya, Binaril sa ulo.
Hindi maari. May namatay na naman. Ano naman ang kasalanan ni Ken at napatay siya? Nadadagdagan na ang mga namamatay at sa susunod isa na kami doon. Kailangan naming maagapan ang pagpatay, Dapat mahuli na namin ang pumapatay.
Natanggap ko iyon kagabi, Siguro tulog na ako nang matanggap ko ang message niya.
Teka nga, Bakit sila nandoon?
Agad ko siyang nireplyan.
Ako:
Teka, Bakit kayo pumunta doon?
Nang maisend ko 'yon agad nagring ang phone ko. Tumatawag si Gabriel.
"Hello?"
{Ganito kasi 'yon. Nagusap kami na maglaro ng LOL kasama si James, Kaso yun nga. Naabutan namin na may pulis doon, Ambulansya, Mga usyusero at mga magulang niyang umiiyak.}
"Mga anong oras ka pumunta doon?"
{Mga umm....... teka... bago mag 6? Siguro mga 5:30 palubog na kasi ang araw nun pero hindi pa madilim.}
"Okay, Sige. Salamat."
Pagkatapos 'non ay binaba ko na ang tawag at napahiga ulit sa kama. Napapikit nalang ako sa mga nangyayari. Pinipiga ang puso ko tuwing may nalalaman akong namamatay.
Halos mapatalon ako nang biglang kumalabog ang pintuan ko at pumasok sila..... Bakit sila nandito?!
"Hi Anak!" Bati saakin ni Mommy at Daddy.
Galit ako sakanila dahil ang tagal nilang hindi nagpakita saakin, Pero masaya ako dahil nandito na ulit sila!
"Mommy! Daddy! Bakit nandito kayo?"
Tumawa sila at nagkatinginan.
"Anak! Hindi mo na ba matandaan ang dahilan kung bakit kami nagpunta ng ibang bansa?" Nakangiting sabi ni Mommy.
Napaisip ako.
"Trabaho po diba?"
"Oh anong trabaho?"
Nakunot ang noo ko hinimas ang baba ko. Natawa sila ni Daddy sa ginawa ko. Hay, Ganun parin sila, Masayahin parin.
"Nakalimutan ko na po eh, Sorry." Sabay peace sign ko.
Napabuntong-hininga sila.
"Kaya kami nag-abroad dahil.. Tine-train kami maging..."
"Maging ano po?"
"MAGING DETECTIVES!" Sigaw ni Mommy saakin.
Nanlaki ang mata ko. So.. Ibig sabihin... Sila ang magiimbestiga ng mga nangyayaring pagpatay? Paano... Paano kung madamay sila?
"Pinadala kami ulit dito dahil may iimbestigahan daw kami na krimen. Basta patayan daw. Dapat nga ang mga biktima ang tumatawag pero, eh, pinadala kami dito." Sabi ni Daddy. Tama nga, Sabi na eh.
BINABASA MO ANG
Killers
Mystery / ThrillerIsang magkakaibigang makakaranas ng mga pangyayaring hindi nila kailanman na pinangarap. Paghihiganti. Pagpatay. Pagsisinungaling. Ayan ang mga ginagawa nila, Pero bakit?