Chapter 5

81 8 4
                                    

Mitchie's POV

Ilang linggo na ang nakalipas nang matagpuang patay si Ms. Eva, Ilang linggo narin ang nakakalipas ay hindi parin matagpuan ang pumatay kay Ms. Eva. Naging balita din ang sabi sabi na baliw daw siya. Hindi ko kayang maniwala, Unang una mukha siyang normal, Pangalawa wala namang problema sakanya, at, Pangatlo mabait naman siya.

Isang buwan na kami sa
Livston University. At sa isang buwan na 'yon masasabi kong marami-rami na ang nangyari.
Hindi na naman siguro mauulit ang nangyari kay Ms. Eva diba?

Nakakatakot kung mangyari ulit 'yon. Tiwala lang Mitch, Maganda ka hindi ka mamamatay.

Lunch namin ngayon, Habang kumakain ako bigla nalang akong nakaamoy ng amoy na hindi ko nagugustuhan. Amoy, Anong amoy ba 'to? Ah! Amoy tuyo! Ew!

Hinanap hanap ko 'yong amoy at pak nakita ko si Guilliana na kumakain non, Sarap na sarap pa siya. Ang mga kaklase ko tinatakpan na ang mga ilong nila sa baho. Lalo na tong si Dave.

Lumapit si Dave kay Guilliana at inasar asar 'to. Mukha ngang magkakilala ang dalawang 'to dahil minsan kung magkatinginan sila, Ay nako.

"Guilliana, Hanggang dito ba naman ipapalanghap mo parin yang baho mo? Dati ka pa ah!" Pangungutya ni Dave.

Hindi umimik si Guilliana, Sa halip tumuloy lang siya sa kanyang pag kain at isinuot ang earphones sa magkabilang tenga.
Agad itong ikinagalit ni Dave.

Aamba na sana siyang paluin si Guilliana kaso pinigilan ito ni Cyrus. Hay, Mga lalaki talaga.
Lumabas nalang ako para hindi na maamoy ang kahindi-hindik na amoy ng tuyo at ang pagbabangayan nila. Lagi naman silang ganyan.

Naglakad lakad ako at hindi ko inaasahang makita si Jelcy na hawak hawak ang kamay ni Vincent.

"Hoy ano ba naman kayo!" Nanlaki ang mga mata nila sa sigaw ko at binitawan na ni Jelcy ang kamay ni Vincent.

"Kayo ha, Masyado kayong ano. Kayo na ba?" Tanong ko.

"Hindi ah." Sabi ni Jelcy na mukhang walang pake sa mundo.

"Nadala lang siguro ng emosyon, May dinadamdam ako eh. Balik na ako sa room" Sabi pa niya at umalis na.

Nagkibit balikat lang si Vincent at dumiretso sa Cr ng boys.

--

"Girls, Ano? Punta tayo ng bahay namin?" Nakangiting tanong ni Erica.

"Sure! Why not? Text ko lang si Mommy"

Payag naman lagi ang parents ko na gumala ako. Pero syempre OA padin.

Sinundo kami ng Driver nila at pumasok na kami sa loob. Ngayon nalang ulit kami makakapunta sa bahay ni Erica. Matagal tagal narin ang huli naming punta doon.

Pagkalabas namin sa kotse nila, Makikita mo na kaagad ang napakalaki nilang gate. Pag pumasok ka mas mamamangha ka sa makikita mo. Mayroon silang Mini Pond na may mga maliliit na isda. Meron pa silang statue doon na mayroong lumalabas na tubig. Makikita mo din sa gilid ang kanilang garden. Masasabi mong sobrang yaman nila Erica.

Sinalubong kami ng kanilang mga Maids sa pintuan.

"Pasok po kayo." Masiglang sabi ng isa sa mga Maids nila.

Diniretso kami ni Erica sa Sala nila.

"Girls, Diyan lang muna kayo ha. Oh eto yung remote" Pagkatapos non ay umakyat na siya at pumunta sa kwarto niya para magbihis.

Binuksan muna namin yung TV at nagkwentuhan muna ng kaunti. Maya maya pa dumating na si Erica. Naka pambahay na siya pero ang ganda ganda niya parin.

May lumapit na katulong saamin at tinanong kung ano gusto namin.

"Order mo kami ng Pizza, Yaya." Utos ni Erica sa isa sa mga katulong nila.

Habang nanonood kami ng TV, Saktong dumating yung Delivery Boy. Agad kaming kumuha ng pizza.

Habang nagkekwentuhan kami at nanonood ng TV. Biglang may lumabas na balita na siya namang kinagulat ni Erica.

"Isang lalaking tadtad ng saksak at may mga pasa sa leeg, Natagpuang patay sa isang eskinita" Sabi ng reporter.

"Oh...My....God" Gulat na sabi ni Erica.

"Anong meron girl?" Tanong ko.

"Nakita ko yan. Nakita ko kung paano siya pinatay.. si.... si.."

Nagkatinginan kami ni Czandra at Jelcy. Nagtataka kami sa inaasal ni Erica ngayon.

"Sino pumatay, Erica?"

"Si Ms. Evalyn" Sabi niya na hanggang ngayon ay tulala parin.

Nanlaki ang mga mata namin sa sinabi ni Erica. Part ba 'yon sa pagiging baliw ni Ms. Eva?

"I knew it." Malamig na sabi ni Czandra. "Alam ko kung bakit." Dugtong niya na ngayon ay nakangisi na.

Anong koneksyon ni Czandra dito? May alam ba siya sa nangyayari?
Mababaliw na yata ako sa kakaisip sa mga nangyayari kaya umuwi nalang ako.

Hinatid ako ng Driver nila Erica sa bahay. Pagkarating ko dumiretso ako sa kwarto ko at pagkapasok ko binuksan ko yung balkonahe sa kwarto ko.

Habang may hinahanap, Feeling ko may matang nagmamasid saakin.
Kinikilabutan ako. Pero mas lalo akong kinilabutan nang biglang mawalan ng ilaw ang kwarto ko at nahagip ng mata ko ang balkonahe ko. May nakita akong katawan na tumakbo at may hawak na kung anong matulis na bagay, Kumikinang din ito.

Sa takot ko nagtalukbong ako ng kumot at pinikit nalang ang mga mata ko hanggang sa makatulog.

Nagising ako nang biglang may humawak sa paa ko, Pero nang dumilat ako nawala na ito kaagad.
May naaninag din akong katawan na gumagalaw sa isang sulok ng kwarto ko, Nakita ko parin ang makinang na hawak niya. Pinikit ko nalang muli ang mga mata ko sa takot.

Pagkagising ko ng umaga, Agad akong bumaba para kausapin ang mga katulong sa nangyari kagabi.

Laking gulat ko nang makita ko si Dave na tinutulungan ang mga katulong namin sa pagluluto ng pancake. Takam na takam ako, Mas natakam ako nang maglabas siya ng strawberries at cream.

Bumaba ako at nakita niya ako. Nginitian niya ako at binati.

"Goodmorning Mitchie." Nakangiti niyang bati.

"Ano ginagawa mo dito?"

"Hala grabe, Wala ba manlang goodmorning na pabalil diyan? Bumisita lang ako." Sabi niya at tinitigan ako. Inirapan ko lang siya at dumiretso sa sala namin para manood ng TV.

Habang nanonood, Nakakita ako ng tao na nakaitim at may hawak na kung anong bagay na kumikinang. Nakita ko 'to sa bintana namin kahit may kurtina dito.

Agad akong napatayo sa nakita ko at tumakbo papunta sa kusina kung saan nagluluto sila.

Natataranta ako, Natatakot at Kinakabahan sa mga nangyayari.

Ano na naman bang nangyayari saamin? Saakin?

Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito.

May natanggap akong message sa isang unknown number at nagulantang sa nabasa ko.

Unknown Number:

Alam ko ang sikreto mo. Sikretong ikaw, at ako lang ang nakakaalam :) Mag-ingat ka.

Natulala ako. Ano ang ibig niyang sabihin?

Alam niya ba kung ano ang nangyari dati?





KillersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon