Chapter 2

112 12 0
                                    

Czandra's POV

Nakakainis talaga 'yong Vincent na yun! Masyadong pa-porma.
Ang landi lang meron na nga siyang Alliah at Mary aba pinopormahan pa ako at si Erica.

Porket gwapo eh no? Kapal di naman siya ganon ka-gwapo.
Speaking of gwapo, May gwapo sa room namin! Like Oh My Gosh! Na love at first sight yata ako. Nakalimutan ko lang pangalan niya kasi tahimik eh ni Hello walang lumalabas sa bibig niya.

Dahil wala pa namang klase nagpunta muna ako sa CR para mag retouch ng make up. Papunta na sana ako sa CR nang makita ko si Jelcy na kaholding hands si Gabriel. Aba umiiral na naman kalandian nito ah? Eh wala pa ngang isang buwan ang pasukan naglalandian na agad. Buti nalang gwapo tong si Gabriel dahil kung hindi pandidirian ko na tong dalawang to.

Kinindatan ni Gabriel si Jelcy, Yung haliparot kinilig. Eh di naman bagay sakanya kumindat.

Nang makapag retouch na ako bumalik na ako sa room. Nagulat ako dahil ang ingay nila akala ko talaga late ako. Tiningnan ko yung oras, Aba teka? 10 minutes late na dapat ako.

Ah okay, Kilala ko na kung sino yung teacher namin ngayon. Yung teacher namin sa Filipino.
Time na next class na namin.
Sa gitna ng kaingayan namin biglang nahagip ng mga mata ko ang naglakad sa may pintuan namin.

Huh? Bakit siya nandito? Diba dapat... Bakit nandito siya?

"Goodmorning Class E, I'm Ms. Evalyn Lorena. I'll be your teacher in English"

What in the effing world?!

Binati siya ng mga kaklase ko.
Pinagmasdan muna niya ang mga estudyante niya na parang kinakabahan pa, Sinusuri niya bawat isa.

Nang mahagip niya ang mga mata ko nanlaki ang mga mata niya kaya biglang kumunot ang noo ko. Alam ko kung bakit.

Nagturo lang siya ng onti at nagkwento ng kaunting talambuhay. Wala naman kaming pake.

At ayun nagtime na, Hay salamat! Wala talagang kwenta tong school na to, Pinilit lang naman ako ng magaling kong nanay na dito pumasok sa di malamang kadahilanan.

--

Tumambay muna ako sa garden mag-isa, Wala lang gusto ko lang mag emote. Nakita ko si Gabriel at Dave. Tinuro ako ni Dave nung nakita niya ako. Pero iba nakita ko.

What the hell. What the hell. What the hell. Humagalpak ako sa tawa kaya nilapitan nila ako.
Tawa ako ng tawa lalo na nung makarating sila saakin.
Nagtataka sila habang tawa ako ng tawa.

"Huy! Mukha kang timang tumigil ka nga!" Sabi sakin ni Gabriel.

"Eh paano ba kasi...... Yang... yang.. yang si Dave!......" Hindi ko matuloy sinasabi ko sa kakatawa.

"Ano?!" Iritang sabi ni Dave at Gabriel.

"May buhok sa kilikili si Dave!" Humagalpak na naman ako ng tawa pati si Gabriel tawang tawa.

Si Dave namumutla na. Speechless daw ba.

"Eh normal lang yun!" Sabi ni Dave tapos nag walk out.

Umalis narin ako ng tawa ng tawa. Wala lang di makaget-over.
Hindi pa naman time kaya pagpasok ko ang ingay.

May katabi akong mga babaeng nagchichikahan, Interesado ako kaya pinakinggan ko sila.

"Girls ang gwapo talagan nila Gabriel,Vincent,Gabriel at Cyrus no?" Sabi nung isa sakanila.

Ew what the hell.

"Yes! Lalo na yung Gabriel! Ihhhhh! Kinindatan niya ako kanina!"

"Really? Kanina nakita kong magkaholding hands sila ni  Jelcy ah."

KillersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon