Chapter 13

43 7 0
                                    

Third Person's POV

Habang nagpapahinga si Mitchie kasama sina Gabriel at Erica ay sabay sabay na tumunog ang kanilang mga cellphone.

Nakaramdam sila ng takot, Muli. Dahil nangyari din ito kanina. Nanginginig nilang binasa ang mensaheng natanggap nila.

Unknown Number:

Magkita tayo sa school kung ayaw niyong mapahamak ang isa sainyo. Mas marami, Mas masaya. Goodluck.

Nanginginig sila sa takot. Si Mitchie na hindi pa nakakarecover ay tinanggal kaagad ang dextrose na nakakabit sakanya.

"M-Mitchie! Anong ginagawa m-mo?" Paga-alala ni Erica sa kaibigan.

"Magbibihis lang ako. Kailangan nating pumunta. Baka mapahamak ang iba."

"Mitchie, Hindi ka pa okay-"

"Okay na ako, Gabriel! Kaya please lang, Magayos na kayo! Lalabas na ako!" Sigaw nito at nagmartsa na papunta sa CR para magpalit.

Nagkatinginan na lamang si Gabriel at Erica. Naga-alala sila para kay Mitchie, Pero tama si Mitchie dahil kung hindi sila pumunta doon ay baka may mapahamak pang iba.

Wala na silang magagaawa kaya inayos nalang nila ang mga gamit nila at ni Mitchie.

--

Nang matapos na silang tatlo ay lumabas na sila sa loob ng kwarto at nagmamadaling umalis sa ospital. Pinigilan sila ng ibang nurse pero walang silbi dahil hindi sila pinapansin ng tatlo.

Pumara sila ng taxi. Nang may huminto ay dali dali silang pumasok.

"Manong, sa Juarez University po.
Pakibilisan po, Manong." Sabi ni Gabriel.

Sinunod naman ng driver ang sinabi ni Gabriel. Wala pang bente minutos ay nakarating na sila kaagad sa school nila.

Nakita nilang bukas ang gate ng school kaya dali dali silang pumasok. Sa entrance ng school ay nakita nila ang iba pa nilang kaibigan na binubuksan ang pinto ng school.

"Czandra! Andito na kami!" Sigaw ni Mitchie kaya napalingon ang iba pa nilang kaibigan kay Mitchie.

Tumakbo ang tatlo papunta sakanila.

Nanlaki ang mata ni Erica nang makita si Venice, Clarisse, Kyllene at Gilian. Kumunot ang noo niya rito.

"Don't tell me.." bulong ni Erica.

"Yep, Nakatanggap kaming lahat ng message."

Mas lalong kumunot ang noo ni Erica sa narinig niya.

"Ahhhh! Salamat!" Bigla silang napalingon kay Vincent nang sumigaw ito. Ayun pala ay nabuksan niya na ang pintuan ng school.

Papasok na sana sila nang biglang may bumagsak sa itaas na mga katawan. Katawan ng mga kaklase nilang nakalambitin at duguan.

Sabay sabay na nagsigawan ang magkakaibigan. Napahinto pa sila dahil natatakot silang pumasok.

"Ano?! Hahayaan nalang natin na may mapahamak na naman?! Pumasok na tayo!" Parangal ni Venice sakanila.

Kinikilabutan man, Matapang silang pumasok sa loob. Nanginginig sila sa takot kaya magkakahawak kamay sila.

Habang naglalakad sila ay bigla na lamang silang nakarinig ng malakas na kalabog. Nagsigawan sila at napatakbo kung saan saan.

Naghihilahan sila at nagsisigawan. Hindi mawari kung saan mapupunta. Takbo ng takbo, Di bali na ang madapa maisalba lang ang kanilang buhay.

Tuluyan nang nagkahiwa hiwalay ang magkakaibigan.

KillersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon