Chapter 14

54 3 1
                                    

Third Person's POV

Nagkakagulo na ngayon sa silid na kinaroroonan nina Erica matapos ang pagkawala ni Jelcy.

Lahat sila ay naga-alala para rito.
Pero, Huli na ang lahat, Patay na si Jelcy.

Napairap bigla si Venice.

"Bakit kasi hindi natin gamitin ang bintana para lumabas! Kanina pa kayo namomobrlema eh nandyan naman ang bintana! May sasalo sayo diyan, Kaya wag kayong OA na mahuhulog kayo." At pumwesto siya sa bintana at pinagmasdan muna kung paano sila makakababa.

Laking tuwa niya nang makita si Dave, Gilian at Mitchie na naglalakad lakad.

"Dave!" Sigaw nito kaya napalingon ang tatlo kay Venice. Pati ang mga kasama ni Venice ay napalingon at nagsilapitan sa bintana.

"Tulungan niyo kami! Bababa kami!" Tinanguan lang siya ni Dave at naghanap ng bagay na pwede niyang gamitin para sa pagbaba ng mga kaibigan niya.

Nang makahanap ng isang mahaba at matigas na kahoy ay itinapat niya ito sa bintana kung nasaan sina Venice. Nasa second floor lang naman ang silid na kinaroroonan nila kaya madali silang makakababa.

Habang bumaba si Venice ay hinahawakan niya ang kahoy na nagsisilbing alalay niya sa pagbaba.

Matapos ang ilang minuto ay nakaalis na rin sa silid ang lahat.
Bakas parin ang pagka-kaba ni Erica kay Jelcy.

"Hanapin natin si Jelcy! Please!" Sabay takbo nito.

Dave's POV

Nagulat nalang ako nang biglang tumakbo si Erica. Malay ko diyan! Nagchi chikahan kami dito ni Vincent eh! Wala na kaming nagawa, Nakitakbo nalang kami.

"Teka nga pre, Nasaan pala si Cyrus?" Tanong ni Vincent saakin habang tumatakbo.

"Oo nga 'no?" Natigil ako sa pagsasalita pati na rin sa pagtakbo nang makarinig ako ng humihingi ng tulong sa kung saan.

Natigil din sila sa pagtakbo.

Nagkatinginan kami at sinundan ang pinang-gagalingan ng tunog.
Nakarating kami sa corridor ng mga pre-school.

Nakakita ako ng anino na naglalakad at naiiyak na ata.

"Cyrus?" Nanlaki ang mata ko nang inangat niya ang ulo niya. "Cyrus!"

Lumapit ako sakanya pati siya saakin. Imaginin niyo nalang na gagawin namin yung 'I-Dawn Zulueta mo ako!'. Joke. Ang bakla naming tingnan nang niyakap niya ako kaya kinalas ko na ang braso niya saakin.

"May narinig ako doon," Turo niya sa classroom na nasa second floor. "Humihingi din ng tulong. Salamat at nakita niyo ako!" Napayakap siya agad saakin. Naman oh! Bakla ata to eh.

Tinakbo namin ang room sa ikalawang palapag. Nang buksan ni Mitchie ang pinto ay nanlaki ang mga mata namin.

Nakita namin si Clarisse na nakahiga at naka-tape ang katawan sa sahig at sa kisame ay may mga kutsilyo na nakaturo sakanya. May busal din siya.

"Oh my! Nasaan ang tali!?!" Paghi-histerya ni Erica.

Nakunot ang noo. Anong tali?

Sinundan nila ng tingin ang mga kutsilyo at nakakita ang tali. Ah eto ata ang sinasabi niya, Hehe.

Ang pinang-galingan ng tali ay nandun sa bintana. Tumakbo agad ako papunta doon para pigilin kung may biglang pigtasin ito.

Nagmamadali nilang tinanggal ang mga tape na masyado nang nadikit kay Clarisse dahilan kung bakit hindi siya agad nakawala.

KillersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon