Vincent's POV
Usap usapan ngayon yung bagong student sa Classroom. Absent kasi ako kahapon kaya di ako saksi. Maganda daw. Hindi ko pa 'yon nakikita kaya balak kong pumunta sa classroom nila ngayon.
Nasa corridor na ako, Sa labas ng Classroom namin may nagtitipon tipon at maingay.
Naisip kong may nagaaway kaya nakisali ako sa sa gulo doon.Laking gulat ko nang hindi away 'yon, Kundi isang babae na inuulan ng tanong, Marami ding nagpapapicture sakanya. Meron ding pumoporma sakanya.
"Clarisse, Fabion nga pala"
Walanghiya! Ayan pala yung Clarisse na sinasabi nila?! Taragis. Ang ganda nga, Gusto ko tuloy magpalipat sa section na 'to.
"Excuse me lang ha, Tumabi nga kayo."
Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Agad siyang lumapit kay Clarisse.
"What the? Seriously? Pinagkakaguluhan 'to? Ugh."
Sabay irap niya saamin.
"Hello, Geleen." Nakangiting sabi ni Clarisse.
Inirapan lang siya ni Geleen at pumasok na sa room namin.
Nagsi-alisan na ang mga tao na nakabuntot kay Clarisse at nagbulong bulungan na patungkol kay Geleen.Nakaalis na lahat lahat, Ako nalang ang hindi. Napatingin saakin si Clarisse na kanina ay nakatingin sa mga taong papaalis.
"Uy"
Nagulat ako sakanya. Agad akong napangiti.
"Hi Clarisse, Pwede manligaw?"
Napatigil siya at hinarap ako.
"Sorry, You're not my type"
Nginitian niya ako at agad na pumasok sa loob ng classroom namin.*
"Aw pare! Ilang beses ka na ba narereject?" Sabay tawa ni Dave.
Nandito kami sa labas ng school, Tumatambay.
"Mga anim na beses na yata." Sabi ni Gabriel. Humagalpak sila ng tawa.
Panay rin ang pang-aasar nila saakin. Taragis. Pagtawanan daw ba ako.
Tawa lang sila ng tawa doon. At ako? Eto ramdam ko parin ang sakit.
"Gabriel, Balita ko wala na kayo ni Jelcy ah?" Sabi ko kaya agad silang napatingin saakin at kay Gabriel.
Panay ang pag 'Weh' nila kay Gabriel. Nakabusangot na ngayon ang mukha ni Gabriel. Pero bigla siyang umiling at ngumiti.
"Kasawa kasi eh."
Imbes na pagtawanan namin siya, Sinamaan namin siya ng tingin.
"Oh? Balak niyo ba akong patayin sa mga titig na yan?" Dagdag ni Gabriel.
"Alam mo kasi pre, Huwag mo paasahin ang isang babae. Grabe kaya magmahal ang mga babae. Hindi tama ang pambabastos at panloloko sakanila, Hindi nila deserve 'yon. Magka-respeto ka naman sa mga babae pre. Wag kang timer." Paliwanag ni Dave na nagpa-nganga saamin.
"Malandi naman si Jelcy. Makaka-move on kaagad 'yun" Sagot ni Gabriel kay Dave na ngayon ay tulala na.
"Hayop ka!" Sabi ko sabay bato ng libro kay Dave pero naiwasan niya ito. "Ang drama mo! Tigilan mo kami! Ganyan ka rin kaya! Akala mo hindi namin alam yung kay Erica ha?"
Tumayo siya at naglakad na palayo saamin. Nagkatinginan kami at nagsitawanan. Ang hina talaga nun ni Dave.
"Ako lang ba, Ako lang ba talaga?"
Biglang nagsalita si Cyrus na nakatulala. Nagkatinginan kami ni Gabriel at Dave na nagtataka. Tumingin kami kay Cyrus na hanggang ngayon ay nakatulala parin.
"Anong ikaw lang?" Tanong ko.
"G-guys.. A-ayun o-oh!" Sabay turo niya sa harapan niya.
Napatingin kami ni Gabriel at Dave doon at nanlaki ang mga mata namin. Napatakbo kami sa nakita namin. Pagkarating namin sa loob ng Building, Hingal na hingal kami. Hindi ko kinaya 'yon ah.
Cyrus' POV
Napatingin ako sa harap ko pero laking gulat ng makakita ako ng ganito. Natulala ako. Bakit?
"G-guys.. A-ayun o-oh!"
Nakita naming sinasakal si Ma'am Evalyn ng isang hindi naming kilala na tao. Naka-maskara ito at itim na itim ang suot kaya hindi talaga namin kilala. Pagkatapos niyang sakalin si Ma'am Evalyn, Sinaksak niya naman ito sa sikmura dahilan para mapasigaw si Ma'am. Tinakpan ng killer ang bibig ni Ma'am Evalyn. Hinatak niya ang kutsilyo at sinipa si Ma'am ngunit hindi na ito gumalaw. Nakita kami ng Killer kaya napatakbo kami. Hingal na hingal kaming nakapasok sa loob ng Building.
Habang naghahabol kami ng hininga ay biglang may nagsalita sa aming likuran, Dahilan para mapatalon kami sa takot at gulat.
"Hi boys! Ano ginagawa niyo dito? Saka bakit hingal na hingal kayo?" Nakangiti niyang sabi.
Nakita rin naming pinagpapawisan siya.
"Nakita namin na pinata-"
Tinakpan ni Vincent ang bibig ni Gabriel upang hindi niya maituloy ang kanyang sasabihin.
"Naglaro lang kami ng basketball." Malamig na sabi ni Vincent kay Clarisse.
Hinila niya kami palayo sa kinaroroonan namin dahilan na mapalayo kami kay Clarisse.
Dinala niya kami sa Cr ng boys at parang galit na galit pa."Dude, Seriously? Ano yun?"
Sabi ko."Wala. Sige balik na ako sa room." Malamig niyang sabi at lumabas na ng CR.
Nagkatinginan kaming tatlo.
"Anong problema nun?" Sabi ni Dave na nagpatawa saamin.
Bumalik na kami sa classroom namin matapos ang madamdaming moment na 'yon. Joke lang.
Nang makapasok kami sa room, Umiiyak yung teacher na nasa harap namin. Nailang tuloy kami. Yung mga kaklase ko nagbubulungan at yung iba nakayuko.
Ano problema ng mga 'to?
"Hoy, Anong meron?" Pabulong kong sabi sa katabi kong nakayuko.
"May sumigaw kanina...sa likod ng school. Nakita yung bangkay ni Ma'am Evalyn" Sabi niya pero nakayuko parin.
Nako. Hindi pwede. Sino 'yong gumawa nun?
Tahimik ang buong classroom.
Masyadong tahimik.
Buti nalang at binasag ng teacher namin ang katahimikan."Class dismissed." Sabi ni Sir na nakayuko at lumabas na sa room.
"May balita kami kay M-Ms. Evalyn. S-sinabi ni Sir kanina"
Sabi ni Samantha saakin."Ano?"
"Si Ms. Evalyn daw.. Baliw."
"Mas baliw ka. Seryoso ba?"
Sinamaan niya lang ako ng tingin at tinalikuran na ako.
What the?!?!? Seryoso?! Jusko!
----
Announcement:
Hanggang dito nalang muna.
Umm, Naguguluhan kasi ako sa mga section, So may mga babaguhin ako simula Chapter 1 pagsasama samahin ko na sila para walang nakakalito. Pati narin yung ibang characters pagsasama samahin ko na.Yun lang! Thank you sa pagbabasa! Vote niyo ♥

BINABASA MO ANG
Killers
Misterio / SuspensoIsang magkakaibigang makakaranas ng mga pangyayaring hindi nila kailanman na pinangarap. Paghihiganti. Pagpatay. Pagsisinungaling. Ayan ang mga ginagawa nila, Pero bakit?