Chapter 11

55 3 0
                                    

Mitchie's POV

"Attention!" Sabay sabay kaming napalingon nang biglang sumigaw si Mary.

"Nakita niyo ba si Alliah? Nung sabado ko pa siya tinatawagan pero hindi ako sinasagot."

Sus, Si Alliah pa. Eh, Babaeng gala kaya 'yun.

Nagtaas ng kamay si Gabriel at nagsalita.

"Kasama ko siya nung sabado. Pero nauna akong makaalis kasi ang sabi niya may kaibigan daw siyang pupuntahan. Ayun ang huli kong pagkakita sakanya."

Nagkatinginan kami nina Czandra, Jelcy, Erica, Dave at Marc.

Kinakabahan ako. Sana hindi totoo itong mga iniisip ko, Namin. Feeling ko talaga hindi maganda ang nangyari kay Alliah. And, Since saturday pa siya hindi nagpaparamdam. Anong petsa na? Lunes na. Nanginginig na hinawakan ni Erica ang braso ko at umiling-iling.

Ang dating 27 na estudyante ay naging 25 nalang, At kung hindi pa namin mahanap si Alliah ay baka... Baka masama narin siya sa mga namatay.

"Tatawagan ko." Giit ko.

*Riiiiiiing Riiiiiiiing Riiiiiiing Riiiiiiiing*

Ayaw sumagot?

Patuloy lang sa pagring ang phone ko pero wala talagang sumasagot.
Kinakabahan na talaga ako.

"Walang sumasagot."

Nababalot kami ng katahimikan.
Mukhang alam nila ang nangyayari.

"Guys, Hindi kaya--"

"Shut Up, Samuel!" Bulyaw ni Geleen kay Samuel.

Nabasag lang ang katahimikan nang pumasok ang teacher namin.
Pinagmasdan niya muna kami, Agad nakunot ang noo niya nang mapansing tahimik kami.

"Himala, Nanahimik din kayo."

Talaga.


Pagkatapos ng klase ay, As usual nasa cafeteria kami para kumain. Nakakagutom na nakakaantok ang klase ni Ms. Edla no.

"Nasaan kaya si, Alliah?" Sabi ni Erica habang nilalapag ang kanyang pagkain.

May tumabi saakin na ikinagulat ko. Namula ang pisngi ko nang makita kong si Gabriel ito. Shocks! Naalala ko yung sinabi ko sakanya! Yumuko ako dahil hindi ko siya matingnan. Mukha ngang napansin ng mga kaibigan ko ito kaya nginitian nila ako ng nakakaloko.

Kinalabit ako ni Gabriel, At nang lumingon ako, Nakangiti siya at kinindatan ako. Susmaryosep!

Agad ko siyang kinurot at napangiwi siya sa sakit.
Nang naalis ko na ang kamay ko sa kanyang baywang, Ay nginitian niya na naman ako.

Napalingon ako kay Erica na tumikhim. Halatang sinadya niya ito para mapalingon ako. Sila Jelcy, Erica at Czandra ay nakangiti saakin. Nginguso nila ako kay Gabriel at panay ang paglipat nila ng tingin saamin.

"Uy, Mitchie! Punta lang kami ng library ha? May aasikasuhin pa pala kami." Sabi niyang may halong panunuya at umalis narin kaagad.

Nakalimutan nila ako! Iniwanan nila ako! Huhu! Si Gab ang kasama ko dito at... at.. Ugh! Feeling ko pulang pula na ako!

"So... Crush mo ako?" Panimula ni Gabriel. O to the M to the G.

"Ano? Sino nagsabi?" Patawa kong sagot. Ba naman kasi!

Narinig ko ang halakhak niya. Nakakainis, Inaasar ako nito ah?

"Deny pa." Iyon ang huli niyang sinabi bago siya umalis sa table.

KillersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon