Chapter 8

1.5K 27 3
                                    

Kakarating lang ni Sarah sa photoshoot niya. inabutan kaagad siya ng R.M niya ng coffee at light breakfast.

"salamat, ate ana. tamang tama di ako nagbreakfast, sino may birthday at nagpakain?"

"naku bebe walang may birthday, may personal na nagdeliver niyan, at infairness gwapo."

"huh? gwapo? boyfriend mo?"

"naku! how I wish ako nga ang gusto niya pero hindi ako." nginitian siya nito ng nakakaloko

"e sino? mga ngiti mo ha, sino nga nagpadala nito?" takang tanong ni Sarah

"e di si pogi. si Andrew. ang aga aga nandito na. tinext ako kaninang madaling araw, nakuha niya number ko sa calling card na iniwan ko dun last night, tinanong san ang work mo ngayon, nagulat na lang ako pagdating ko nandito na. may dala dalang mga pagkain. halos lahat meron kaya busog kami. lahat sila dito nakangiti"

"ganun?"

"sa hinaba haba ng kwento ko, "ganun" lang reaction mo? hmmm bebe may naaamoy akong iba."

"anong naaamoy? kaw te ana kung ano ano mga sinasabi mo."

"i smell romance. nanliligaw be? infairness gwapo siya. mukhang matalino, mayaman, business minded."

"mayabang, arogante, makulit pasaway" sabi niya habang kumakain

"maganda ang smile at sweet and sincere pa" pilit niyang pagbuild up kay Andrew para kay Sarah. halatang tutol ang mga mata niya sa mga sinasabi ng R.M nya.

natapos ng maaga ang trabaho niya, kaya dumiretso na lang siya sa IMO's para makasama ang mga magulang.

"my, dy" pagpasok niya sa opisina ng mga ito.

"ash. buti napadaan ka?" bati ng ama

"maagang natapos trabaho ko, dy." napansin niya ang mga bulaklak na nakadisplay.

"ang gaganda nak noh, at ang dami pa "

sabi ni mommy niya.

"sweet talaga ng daddy" agad niyang niyakap ang ama at humalik.

"naku ang anak ko, salamat. pero hindi sa akin galing yan" sagot ng daddy niyw

"galing yan kay Andrew, anak. siya yung sweet" sabi ng mommy niya.

"nagpunta siya dito?" kung nagpunta siya dito bakit di siya nagpakita sa akin puro sa mga taong nasa paligid ko lang, topak talaga yun.

"oo ang aga aga nga niya. ito nga pala yung para sayo" sabay abot sa akin ni mommy. ang ganda, ang galing talaga ng taste nun. hindi kaya bakla yun. naku!!!

"lalim ng iniisip ah." naputol mga iniisip ko kasi si dad nagsnap ng fingers sa harap ko

"nanliligaw ba anak?" tanong ni mommy

"ano po sabi niya my, dy?" pagiwas ko sa tanong. sana di nila mahalata.

"thank you sa akin para daw sa last time na nandito siya. sarap daw ng pagkain natin"

"at yung sayo prinsesa, salamat daw kagabi. dun daw sa binigay mo. ano ba yun, at nagkita kayo kagabi?"

napaisip siya kung ano yung binigay niya kagabi.

"ah baka yung madaming tao dun sa resto bar niya" pero ang totoo ang iniisip niya ay yung kiss. ramdam ko yung init sa mukha ko.

"o siya labas muna ako, dy. nak dito ka muna may aasikasuhin lang ako sa labas." lumabas na ang kanyang mommy.

"gusto ko siya" sabi ng daddy niya.

"daddy!!!!" asar niyang sigaw sa pangaasar sa ama

"I mean yung ugali niya. hindi naman niya kelangan gawin yun. kaw talaga anak."

"e kasi naman dy." at nagtawanan silang magama.

magulo pa din ang isip niya sa ginagawa ni Andrew. pero may tuwa sa puso niya na binibigyan nito ng halaga ang mga magulang niya.

Samantala si Andrew ay nagiisip ng iba pang plano para kay Sarah. naisipan niyang tawagan si Pia pero nagbago isip niya dahil baka ilaglag siya nito.

halos tatlong linggo na ganun ang routine ni Andrew pagkagaling sa bar didiretso sa kung nasan ang trabaho ng dalaga o sa IMO's para magiwan ng bulaklak, pagkain pati na din mga notes.

isang araw na dumaan si Andrew kung nasan ang trabaho ni Sarah nagiwan ulit siya ng pagkain kay ana at nagpaalam kaagad dahil masama ang kanyang pakiramdam.

excited at maaga naman na dumating si Sarah sa location niya, pnilit niyang maabutan si Andrew pero hibsi ndi niya ito naabutan.

"Bebe, ito na yung daily supply mo ng flowers and here's your breakfast" tumawa si ana dahil nagpout ang alaga

"dumaan na siya? bakit ang aga ata." pikon na tanong niya.

"oo, sandali lang siya. binaba lang mga pagkain tsaka bulaklak umalis na. masama daw pakiramdam tsaka may dadaanan pa daw siya saglit sa mindanao ave."

"nakakaasar. nakakapikon. bakit ayaw niya ako harapin? bakit puro kayo? sila mommy at daddy?" reklamo ni Sarah sa R.M

"agahan mo na lang bukas bebe. para maabutan mo siya ng makapagusap na kayo. alam ko marami ka ng tanong."

"sobrang dami na talaga. at kapag nakita ko siya makakatikim talaga sa akin yung lalaking yun" asar na sabi ni Sarah

"love is in the air. my bebe." sabay alis kaagad sa tent nila.

"ate!!!!" binato nito ng tissue si ana pero nakaiwas ito ng mabilis

kinabukasan maagang dumating si Sarah sa location nila halos sabay sila ni Ana mangilan ilan pa lang ang mga tao. matiyagang naghintay si Sarah kay Andrew hanggang sa makatulog siya.

"bebe be ready dito na sila direk." gising nito kay Sarah

"ate. nakatulog pala ako" at bigla siyang napatayo ng maalala si Andrew

"hindi siya dumaan. lahat nga kami dito nagtataka. walang palya pagdaan nun. kaso ngayon kahit anino niya wala"

"Andrew!!!!" asar niyang sabi habang ginulo ang buhok.

umuwi siya ng gabing yun ng puno ng pagtataka. gustong gusto na niya makausap ang binata. halos tatlong araw din siyang pumupunta sa location ng maaga pero walang Andrew, pagkain o bulaklak na dumadating. hindi asar ang nararamdaman niya kung di pagaalala. pinapunta niya si Ana sa bar nito matapos ang trabaho pero sabi sa bar 3 araw na siyang di pumupunta, wala silang balita kung nasan ito. ganun naman daw talaga ang amo bigla mawawala, bigla din susulpot. pero iba ang pakiramdam ni Sarah sobra siyang nagaalala kaya kinabukasan tinawagan niya si Pia.

"hello, Pia. kamusta?"

"Hi Sars. ok naman ako. kamusta ka? bakit ka napatawag?"

"kasama mo ba si Andrew?"

"yung tukmol na yun? hindi. 2 linggo na kami di nagkikita. bakit? ginugulo ka ba? hayaan mo kausapin ko"

"sana nga Pia, ginugulo na lang niya ako hindi yung ganito nagaalala na ako."

"teka bakit may nangyari ba? bakit ka nagaalala?"

"kasi for 3weeks sa lahat ng location ko nagpupunta siya pagkagaling sa bar niya tapos bago umuwi. may flowers at food siyang dinadaan."

"biruin mo sweet pala pinsan ko." natawang sabi ni Pia

"yun nga Pia, 3 araw na siyang di dumadaan. hindi ko alam paano siya macontact. huling punta niya dito sabi ni ate ana masama daw pakiramdam."

"ANO?!?!"

"pinapuntahan ko siya kagabi sa bar kay ate ana. di din daw pumapasok. e sabi doon ganun daw talaga yun kaso Pia nagaalala pa din ako."

"sige Sars ganito. ahm I'll try to call him. tawagan kita kung nacontact ko." tarantang sabi ni Pia

"just keep me updated, Pia. please"

"sige. sige"

nagpatuloy si Sarah sa trabaho kahit sobra ang pagaalala niya. hindi niya alam bakit ganoon ang nararamdaman, nakiusap siyang tapusin ang shoot dahil masama ang pakiramdam niya pero ang totoo walang ibang nasa isip niya kung di si Andrew.

My Sweetest Downfall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon