Chapter 10

1.5K 24 2
                                    

Pagkatapos ni Sarah magbihis ay kinatok na niya si Andrew na nasa loob ng cr at mabilis siyang lumabas ng kwarto para hindi siya makita nito na namumula sa hiya

paglabas ni Andrew sa cr hinanap ng kanyang mata si Sarah pero wala ito sa kwarto naisip niya na umalis na ito kaya bumalik na ito sa pagkakahiga. may bigla na lang kumatok sa kwarto kusang bumukas ang pinto.

"hi" sabi ni Sarah

"hello" sagot ni Andrew

"nagluto si Pia, kain ka muna."

"thank you. pero wala akong gana"

inalis ni Sarah ang unan sa lap si Andrew at doon nilapag ang tray.

"I insist. hinintay kitang magising, maging ok, hinanda ko ito para kumain ka tapos ayaw mo dahil wala kang gana. paano ka gagaling?"

"bakit mo ginagawa ito?" diretsong tanong ng binata kay Sarah

"simple lang. para gumaling ka"

tahimik siyang tinitigan ni Andrew tila hindi ito naniniwala sa sinabi ni Sarah

"ok fine!!! nagalala ako. hindi naman siguro masamang magalala. gusto ko lang malinawan kasi araw araw kang nagpapadala ng pagkain, bulaklak. tapos nakakakita lang sayo sila ate ana, mga tao sa resto at mommy, daddy. pero hindi ka nagpapakita sa akin"

umiling si Andrew, sagot na hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ng dalaga. dahil alam niya may iba pang dahilan.

sinubuan siya ni Sarah ng soup pero hindi niya ito tinatanggap. tanging iling lang ang sagot niya kay sa dalaga

"ano ba Andrew!!! tigilan mo na ito. kumain ka na. Ok, nagalit lang ako kasi biglang hindi ka magpaparamdam ng tatlong araw, yun pala may sakit ka na" napangiti si Andrew sa narinig pwedeng ang dahilan pala ni Sarah ay namiss siya nito. hinahanap na siya ng dalaga.

susubuan sana ulit siya ni Sarah pero iniwas niya ang bibig niya sa kutsara.

"Andrew!!!! kumain ka na, para gumaling ka na. para maging maayos na lahat. para mawala na yung pagaalala ko. kasi hindi na ako kumportable sa ganito. please naman." umiiyak na sabi ni Sarah.

"hindi mo alam kung ano yung nararamdaman kong kaba habang hinahanap kita, namin ni Pia. na baka may nangyari na sayong masama" tumayo na ito sa kama at akmang lalabas na siya ng kwarto nang hawakan ni Andrew ang kamay niya at yakapin siya.

"napakasama mo para iparamdam sa akin na mawawala ka na. hindi mo alam kung ano yung pakiramdam ko kanina habang nanginginig ka, yakap yakap ka."

"I'm sorry. hindi ko sinasadya na pagalalahanin ka. at lalong hindi ko sinasadya na paiyakin ka." nilayo niya ng konti si Sarah sa pagkakayakap niya at pinunasan ang nga luha nito.

"sige na kakain na ako" naupo si Andrew at nilagay ang tray sa harap niya at sumubo ng soup.

"o ayan kumain na ako. balik ka na dito" tinap niya ang kama para dun paupuin si Sarah.

"papakabait ka na? papagaling ka na?" nagtaas baba ang kilay ni Andrew

"mabuti naman. kung hindi sa susunod na magkasakit ka, hahayaan na lang kita." dahil sa narinig nagpout si Andrew

"tigilan mo ako diyan sa nguso mo ha. yang mga paghalik halik mo sa akin." tsaka niya nilamutak ang mukha ng binata. nahuli naman kaagad ni Andrew ang kamay niya at agad hinalikan ito at nilagay sa dibdib malapit sa puso.

"pagkagaling ko, simula na ang pagbabago."

"huh?"

"di ba sabi ko sayo, hindi na kita papakawalan. papatunayan ko sayo yun." namula naman si Sarah sa sinabi ni Andrew agad binawi ang kamay

My Sweetest Downfall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon