Chapter 22

1.4K 24 3
                                    

Hindi maalis ni Andrew ang lalong paglaki ng kanyang paghanga sa girlfriend. nakita niya ang mga kababayan sa Australia kung pano nila ito suportahan at gaano nila ito kamahal. lahat ng puntahan nila sa 5 araw na concert its either halos puno ang venue sold out ang mga ito. kaya masayang masaya ang buong grupo, matapos ang mahabang rehearsals at mismong concert eto na sila ngayon, mamamasyal sa beach kasama buong team.

Sa buong concert tour ng grupo ay nasa tabi lamang niya si Andrew. hindi man nakakabonding ng matagal alam nila na mabait ito, makakasundo nila, very supportive kay Sarah. nasa adjustment stage si Andrew pagdating sa mga kaibigan nito pero masaya siya at tanggap siya ng mga kaibigan at katrabaho ng girlfriend.

"teacher georcelle, guys, I want to formally introduce to you, Andrew Rodriguez, my boyfriend" agad siyang niyakap ng grupo at isa isang niyakap si Andrew.

"Drew, wag sa simula lang magaling. panindigan mo bunso namin. kasi kapag nasaktan siya, kami na talaga reresbak" sabi ng isa sa grupo

"naku teacher g, di ko magagawa saktan itong batang ito. masyado ko siyang mahal. baka nga ako pa saktan nito. kasi nagmahal ako ng sikat, mayaman at maraming nagmamahal. baka ayaw ng mundo sa akin para sa kanya" agad siyang niyakap ni Sarah sa narinig

"naku kahit ayaw ng mundo, ito pa din ang masusunod" sabay turo ni Sarah sa puso niya. "mahirap kontrahin ito" sabay ngiti sa mga kasama

"eh, kung ganun naman pala Drew, welcome to our family. I know how much you love her. her parents trust you that much para ikaw ang sumama sa kanya dito" ngumiti lang siya sa mga kasamahan.

"te ghelai, teacher g, gwapo noh? bait ito super. and super love ko siya. babe di ba?" proud na sabi ni Sarah

"bolera ka babe" sabay halik sa noo nito.

"tama na yan. tara swimming na tayo." sigaw ni Jan at nagtakbuhan na sila palapit sa tubig. naupo naman sila Sarah sa buhangin

"thank you for bringing me here, letting me see you, knowing you more. babe mahal na mahal ka nila. mapa-fans, katrabaho, mga bata. parang kapag nasaktan kita 3/4 ng mundo kalaban ko."

"O.A ka naman babe. half lang. bakit babe, natatakot ka? may balak ka bang saktan ako?" sabay tawa nito.

"tulad ng sinabi ko kanina hindi ko magagawa yun sayo. kasi gagawin ko pa lang nasasaktan na ako. baka ikamatay ko pa" nahiga si Andrew sa buhangin.

"hindi ko naisip na mangyayari ito babe. na for once nakasama ko yung taong mahal ko, sa isang malayong lugar, na tiwala sila mommy at daddy" humiga din siya sa buhangin unan ang braso ni Andrew

"babe ko senti." natawa si Andrew. hinaplos ni Sarah ang mukha ni Drew.

"babe paguwi natin balik na tayo sa normal. back to work ako sa bar, ikaw sa mga commitments mo."

"basta alam natin mahal natin ang isa't isa ok na yun. kelangan constant communication natin. hindi tayo matutulog na may away. pakikinggan lang natin ang isa't isa. we can listen sa mga advices ng mga nakapaligid sa atin. basta I have your spare key kapag malapit location ko sa condo magstay ako dun. tsaka every weekends, ok?"

"I love the last part" tumawa ito. dinapa niya ang katawan at niyakap si Sarah

"babe nga pala bili tayo ng pasalubong para kay tito at tita ha. sa paguwi ba sino susundo sayo?"

"sabi ko kasi kela mommy and daddy I'll stay at your condo for one day then kinabukasan ako uuwi"

"talaga babe? tara uwi na tayo" lokong yaya ni Drew kay Sarah. nagring ang phone ni Sarah, ng makita sino tumatawag agad niya itong sinagot at lumayo ng konti sa binata. narinig naman ni Drew ang pangalan ni Ana kaya alam niya trabaho ito. pagkatapos niya makausap ang R.M nagsimula magbago ang kanyang mood.

My Sweetest Downfall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon