Chapter 15

1.5K 23 2
                                    

Excited sila pareho sa first ever date nila. dito rin kasi magaganap ang meet the parents ika nga. hindi naman ito pormal dinner lang sa bahay at nagpaluto si Sarah sa mommy niya at sinabi niyang may espesyal na bisitang darating.

naghahanap naman si Andrew ng masusuot. first time kasi lahat para sa kanya although matagal na niya nakakasama at alam naman ng parents ng kanyang 'Babe' na nililigawan niya ito, iba na ngayon hindi lang basta manliligaw, siya na ang boyfriend ng prinsesa nila ngayon.

gulong gulo naman ang closet ni Sarah sa paghahanap ng damit din niya, kasing gulo at excited ng isip niya. sa wakas sila na ni Andrew, sa wakas masaya na siya ulit, sa wakas napasaya na niya ang taong nagpapasaya sa kanya.

narinig ni Sarah mula sa kwarto niya ang busina ng sasakyan ni Andrew papasok sa kanilang driveway. kaya nagmadali na siyang magayos. inabot din siya ng 30mins. sa paghahanap ng damit.

sinalubong naman ni daddy delfin at mommy divine si Andrew pagbaba ng sasakyan.

"hijo. ikaw pala ang bisitang dadating." bati ni mommy divine, yumakap siya dito at nakipagkamay naman kay daddy delfin.

"ay opo tita. sabi po kasi ni ba... ah ni Sarah po na dito na lang tayo magdinner." nakangiti niyang sabi.

"ok lang hijo. mas ok nga yun. dito sa bahay busog tayo. no limitation." tawa ni daddy delfin habang nakahawak sa tiyan nito

"oo nga tito" tumawa na din siya. masaya siya dahil hindi siya nahirapan pakisamahan ang mga magulang ng dalaga. kabaliktaran ito ng mga tsismis na masungit, mahirap pakisamahan, mayabang ang mga ito. ang katotohanan ay tanggap at may tiwala sila sa kanya kaagad at may dahilan sila kung bakit mahirap sila magtiwala, salamat na lang din sa pinsan niyang si Pia.

"tita, tito si Sarah po? kanina ko pa po kasi tinetext at tinatawagan hindi po sumasagot."

"baka busy lang yun Drew sa paghahanap ng masusuot. alam mo na babae." hindi naman nila napansin si Sarah na nakababa na at papalapit na sa kanila sa may garden.

"dy, my interrogation pa din?" sabi nya habang medyo tumawa, tumawa din ito at niyaya pumasok ang asawa. naiwan naman muna sila sa garden para magusap.

"ahm wag ka kakabahan ha. isipin mo na lang si..simple dinner lang ito. o.o.ok ka naman sa ka.. ka..nila. kaya re.. relax ka lang ha." agad hinawakan ni Andrew ang nanginginig na kamay ni Sarah.

"babe may sakit ka ba? and you're stammering, nanginginig pa. ikaw ata kinakabahan e." pagpapakalma niya dito

"e babe kasi naman first time ito. as in pormal na may ipapakilala ako na boyfriend. ganito pala pakiramdam"

"what did you say?"

"sabi ko first time..."

"no. not that. what did you call me?"

"Drew"

"hindi yun ang narinig ko." ngumiti ito ng nakakaloko.

"kasi naman e.."

"then tell me ano nga yun, Babe" pagemphasize ni Andrew ng babe

"sabi ko. be.. babe" mabilis nyang banggit

"cute. why so shy? bagay naman. halika nga dito." hinawakan niya ito sa balikat at hinaplos ang mukha ng dalaga

"nahihiya ka ba kasi ako lang ang boyfriend mo? hindi artista, hindi sikat. but babe di ba sikat naman ako sa mga bars ko at especially sayo?" may halong tampo ang boses niya.

"hindi ako nahihiya na ikaw ang boyfriend ko." habang inaayos ang kwelyo ng polo ni Andrew

"at hindi kita kinakahiya. I'm proud na boyfriend kita. at ikaw" pinindot ang ilong ng binata. "dapat proud ka sa akin bilang girlfriend mo din"

My Sweetest Downfall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon