Chapter 43

1.4K 33 10
                                    

DELFIN's POV

Hindi madali sa akin na i-let go ang anak ko, magpakasal sa taong mahal niya, mahirap tanggapin na may mahal na siyang ibang lalaki na higit pa sa akin, mas hindi madali na ilet go sya sa taong anytime kailangan din niyang pakawalan, na masasaktan din siya pagdating ng araw, dahil sa mga pangyayari na hindi natin makokontrol, at Siya lang ang may hawak nun.

"Dy" mahigpit na yakap sa akin ni Sarah, parang sa pagkakataon na yun, ito lang ang kailangan niya, ako lang ang makakapitan niya.

"grabe makakapit anak. unggoy lang?" pinalo niya ang braso ko at sabay tumalikod sa akin, napansin ko ang mabilis na pagpahid niya ng kanyang mga luha "nasan mag-ama mo, bakit mgisa ka lang?"

"nagiwan si Andrew ng note, naglakad sila sa park. naka-stroller naman si Jayr kaya di naman mahihirapan si Drew" dumiretso kami sa kusina at nagluluto sila ng agahan nila "si mommy, bakit di mo kasama?" tanong niya sa akin habang nagmimix ng hotcake.

"ah nasa bahay yun, galing kasi akong Cebu, inasikaso ko yung may ari ng pagkukuhaan natin ng lechon para sa resto" paliwanag ko sa kanya habang pinapanood siya sa kanyang ginagawa.

"dy, bakit?" tanong niya sa akin. masyado ko kasi siyang natitigan, masyado akong napaisip ng malalim na hindi na siya si Sarah na baby ko, at meron na siyang baby.

"masaya lang akong makita na masaya ka, my princess but I missed my baby" lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"daddy, naglalambing. I'm still your baby. I'm sorry if madalang kami magpunta sa inyo. alam niyo naman po, but you're always welcome here." niyakap niya ako muli ng mahigpit.

"I hate to ask this, but how are you?" dahan dahan kong tanong sa kanya. mabilis nagbago ang expression niya, sabay tumalikod sa akin para maghugas ng kamay.

"I'm ok dad. I'm coping, mahirap pala maging asawa at the same time mommy. but I'm enjoying, I'm loving it. no regrets dad" then she faked a smile

"ramdam ko ang saya mo pero I know nasasaktan ka. nandito lang kami ng mommy mo. alam namin hirap kang tanggapin, but its His will. we know how much you love him. but you have to accept it." tinigil niya ang kanyang ginagawa at unti unting dumaloy ang luha niya

"daddy, I don't know what to do. kahit anong pagconvince ko sa sarili ko, hindi ko kayang mawala siya. gusto ko kontrahin ang mga mangyayari pero anong laban ko sa Kanya." hinayaan ko lang siyang ilabas ang lahat ng sakit, luha na kinikimkim niya. ayaw niya ipakita ang kahinaan niya kay Andrew.

"gusto ko itanong bakit Niya hinayaan na makilala ko si Andrew at mahalin ko ito tapos sa huli kukunin din Niya. pero sabi ni Drew wag ko daw kwestyunin, may purpose daw lahat. Daddy ang sakit naman ng kapalit ng purpose na yun."

"princess, tama si Andrew. maybe He has better plans for your family." Nagulat ako ng may biglang sumigaw mula sa likod namin at tinawag ako.

"LOLO!!!" sigaw ni Andrew at excited na pumunta sa akin karga ang apo ko.

"ang gwapo naman ng apo ko." humalik ako sa noo nito at tinapik ang balikat ni Andrew. "iho, kamusta? looking good ha." bati ko sa kanya

"dy, baka naman looking great." sabay tawa nito. napakamaloko talaga nito. "buti dy, nadalaw kayo. nasaan si mommy?"

"mga pogis, dun muna kayo sa sala at tapusin ko lang itong niluluto namin ng makakain na ng breakfast."

Matapos ang almusal ay nagpaalam si Sarah na papaliguan muna si Jayr kaya pumunta muna ako sa garden at doon nakita ko si Andrew nakatingin sa kawalan parang ang lalim ng iniisip

"ehem. ilan?" tanong ko sa kanya

"ay dy! ano pong ilan?"

Natawa ako sa mukha niyang nagtataka. "wala. kamusta ka? hindi ka ba nahirapan?"

"dy, never. I've never been this happy. wala po akong maramdamang hirap, kung di puro saya. sana habang buhay na nga kaso hindi talaga pwede." tinapik ko siya bilang pagsagot ko sa kanya na ok lang.

"ayoko makita nya ako at my weakest. kasi.. ako.. yung.. ako.. yung lalaki. ako dapat yung matapang.. ako.. ako.. dapat yung magalaga sa kanila. ako yung padre de pamilya. ayoko makita niya ako na umi..i.. yak.." nakita ko ang pangingilid ng mga luha niya at nadinig ko ang paggaralgal ng boses nya. agad siyang tumalikod sa akin at pinunasan ang di niya napigilang pagtulo ng luha.

"tao lang tayo, nasasaktan, umiiyak. oo tayo ang superhero ng pamilya natin, pero lahat ng superhero may weaknesses, at tayo bilang asawa, bilang ama, pamilya natin ang kryptonite natin. wag mo kimkimin ang sakit at hirap diyan" tinuro ko ang puso niya. "hindi dahil literal na sasakit yan, kung hindi dahil hindi din makakabuti sa pamilya mo, sa lahat ng nagmamagal sayo." yumakap siya sa akin ng mahigpit. Ngayon lang nangyari ito, at dama ko ang sakit sa puso niya, ang kagustuhan niyang makasama ang pamilya niya sa mahaba pang panahon.

"I'm sorry daddy. Alam ko nangako ako na aalagaan ko siya at si Jayr, na aalagaan ko siya at mamahalin. Bibigyan siya ng masaya at buong pamilya, pero heto ako kahit di niya sabihin alam ko nasasaktan siya.  Nasasaktan ko siya" nagulat ako at para siyang batang umiiyak na nakayakap sa akin. "Daddy, promise me, aalagaan mo po sila, babantayan kapag wala na ako. Dad, ang sakit sakit kasi mahal na mahal ko si Sarah, sobra dad."

"Hindi man namin matumbasan ang pagmamahal mo sa anak namin, gagawin namin lahat para maging masaya ang mag-ina mo. Andrew don't worry about them. We will make sure na magiging masaya sila, na whatever happens maaalala ka nila palagi" at niyakap niya uli ako ng mahigpit

My Sweetest Downfall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon