Chapter 34

1.3K 29 6
                                    

ANDREW's POV

alam ko kung gaano niya kamahal ang pagkanta, buhay niya ito. ang magperform sa harap ng maraming tao, dahil nandito ang puso niya. ang show niya, ito ang baby niya, ramdam ko ang sakit na bumabalot sa studio ngayon, sa mga katrabaho niya. at masakit yun dahil ako ang dahilan ng pagkawala nito.

"there are no goodbyes everyone only see you soon. mahal ko po kayong lahat." kaway niya sa mga audience at nagsimula tugtugin ang Forevers not Enough. punong puno ng luha ang studio. to the staff, to crew, to co-hosts, to audiences, and to her. ako ang dahilan ng mga luhang iniiyak niya

she decided to give up her show dahil sa kasal namin. pinigilan ko siya pero hindi niya ginawa, nagkagalit pa kami at hindi niya ako kinausap ng isang linggo dahil sa show.

FLASHBACK

"babe, I told the management to end my show so I can focus sa wedding preparation" nagulat siya sa naging reaction ko

"WHAT!!!! babe you don't have to do that. paano yung mga staff, yung crew, yung mga audience, ikaw? that's yours babe. pwede naman hindi"

"babe as I've said gusto ko magfocus sa atin"

"ayoko pabayaan mo ang career mo dahil sa akin. kapag namatay ako, paano ka? iniwan iwan mo career mo para sa akin tapos namatay ako. madami kang chances na pakakawalan."

"Andrew, I want this. choice ko ito. naiintindihan nila kung ano nararamdaman ko. pero yung panahon na pwede kita makasama kapag nasa trabaho ako, umiiksi, kumukonti. kaya pinili kita, kasi yung career ko mababalikan ko. ikaw ba kapag nangyari yung sinasabi mo, pwede ka pa bang bumalik?  Andrew, don't make this hard for me. I love you so much"

END OF FLASHBACK

then after that conversation hindi niya ako kinausap until pumunta ako sa taping ng show niya. nang makita niya ako, she ran to me, hugged me tight. walang salita salita, ayos na kami.

Nasa directors booth ako kaya kita ko lahat ng nangyari, ang group hug nila. iyakan, tawanan. parang pinipiga ang puso ko lalo na sa mga luha niya. madali siyang umalis sa stage kaya bumaba kaagad ako para puntahan siya sa dressing room. bago pa ako makapasok narinig ko usapan nila

"alam ko pong tama ginawa ko, at masaya ako dahil makakasama ko na siya pero bakit po nasasaktan ako?" umiiyak si Sarah kausap si mommy Divine at ate Ana

"nak ngayon lang yan. syempre first solo show mo ito. at lahat ng tao dito mahal mo at mahal ka" pagaalo ni mommy sa kanya. nasasaktan ako sa nakikita ko. iniiwan niya lahat sa akin pero bandang huli, iiwan ko din naman siya, napakaselfish ko. hindi ko naisip na mangyayari ito. ganito pala kalaki ang epekto ng gusto kong pagbabago.

"Andrew andito ka pala." nagulat ako sa paglabas ni Ana. napatingin si Sarah at mommy sa akin, umiling ako at umalis muna. gulong gulo lang ako. narinig kong tinawag niya ako pero hindi ako lumingon.

SARAH's POV

Narinig niya lahat siguro, namisinterpret pa. oo nasasaktan ako, pero hindi ko pinagsisisihan ang desisyon ko. mahal ko lahat ng meron ako, pero mas mahal ko siya. mas pagsisisihan ko kapag may nangyari na wala ako sa tabi niya. sinisisi niya sa sarili niya ang mga desisyon ko, pero ginusto ko ito. kakabati lang namin, ito na naman hay Mr. Rodriguez.

Dumiretso ako sa condo niya at doon hinintay ko siya. 30mins, 1hr., 2hrs., 3hrs., and counting wala pa din siya. nasaan na siya. hindi ko na namalayan nakatulog na lang ako

nagising ako ng may biglang yumakap mula sa bewang ko. hinalikan niya ako sa tenga hanggang sa leeg, naramdaman ko na lang ng may tumulong basa mula sa kanyang mga mata.

"you don't have to do this, babe. you're hurting. ayokong mawala sayo lahat dahil sa akin" hinalikan niya ako sa labi

"babe, I want this. I want you. I love what I'm doing. I love what I have right now." paginsist ko sa kanya

"Sarah, ayokong dumating ang araw na sisihin ako ng mga fans mo na bumagsak ka dahil sa akin. tinalikuran mo lahat. tapos..."

"dahil mahal kita. yun lang ang importante. I promised you, we're gonna fight this together."

Niyakap niya ako ng mahigpit hanggang sa makatulog siya. hindi ko maisip na sa likod ng masayahing mukha, ngiti, magandang mata, labing mapula at makulit na ugali ng lalaking ito, he's such a cry baby at heart.

"we'll win this fight. I love you, babe." hinalikan ko siya sa labi ng marahan. niyakap ko siya ng mahigpit at isinuksok ko ang ulo ko sa leeg niya, naramdaman ko ang higpit ng yakap niya.

"I love you so much babe" huling sabi niya at tuluyan na kaming natulog.

My Sweetest Downfall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon