Chapter 26

1.4K 22 3
                                    

Aftet two weeks ng nangyari natakot si Andrew sa madalas na paninikip ng dibdib niya, hindi naman niya ito pinapahalata kay Sarah dahil ayaw niya ito magalala habang nagtatrabaho.

Nasa condo niya ngayon si Sarah at nagpapahinga, kababalik lang nito from shooting, dumaan lang ito para makasama siya kahit sandali. ito ang pinakagusto niyang oras, magkatabi lang sila nakaupo o higa, tahimik, magkayakap nilalaro niya ang buhok nito, habang nakahiga ito sa dibdib niya. natigil ang kanyang pagiisip ng madinig niya ang doorbell. dahan dahan siyang tumayo sa kama para hindi ito magising. madali niyang binuksan ang pinto.

"kamusta? napadalaw ka?" tanong niya sa pinsan at yumakap dito

"nakwento sa akin ni Sarah yung nangyari. Drew, sinabi mo na ba? nagpaschedule ka na ba?" sunod sunod nitong tanong.

"ssshhhh Pia, wag ka maingay. magising yun, marinig ka pa" pagsita niya dito

"Andrew Rodriguez kelan mo balak sabihin? talagang gusto mo siyang masaktan"

"Alam mo ayokong mangyari yun. tumatiming lang ako. nasa panahon kami na sobrang saya niya. tingin mo ba ganun niya kadali matatanggap kapag sinabi kong " Sarah may sakit ako, anytime mamamatay na ako" sarcastic na sagot ni Andrew

"look my point here is, patagalin mo o sabihin mo, the fact remains masasaktan mo pa din siya. parte na siya ng buhay mo, karapatan niya malaman."

Naalimpungatan si Sarah ng may marinig na naguusap. kinapa niya ang kabilang parte ng kama at napatayo siya dahil wala si Andrew dun. nagmadali siyang lumabas ng kwarto.

"in time Pia, sasabihin ko sa kanya" ito ang narinig ni Sarah ng lumabas siya mula kwarto

"Pia" humalik siya sa bestfriend. "baby ano yung sasabihin mo? may problema ba?" nagkatinginan ang magpinsan, umubo ng fake si Pia at siya ang sumagot.

"sabihin na niya sayo na may balak siyang pumunta ng states para dalawin parents niya. pinapagalitan kasi ako, hindi daw siya tumatawag dun" pinandilatan niya si Andrew na sakyan ang dahilan niya.

"ah yeah babe." hinapit niya ang bewang ni Sarah "tumatiming lang ako sabihin sayo, kasi alam ko busy ka."

"you want me to come?" tanong ni Sarah pero nakita niya sa mata ni Andrew ang pagtutol

"no, babe ahm, ah I know you're busy. it will be a very short vacation lang mga 3 weeks, then I'll be back."

"oo nga, Sars. tayo muna magbonding. then pagbalik niya sayong sayo ulit siya." pagback up ni Pia kay Andrew.

"ok babe. no problem naman sa akin yun. basta babalik ka."

"I'm sure babalik kagad itong pinsan ko. hindi nga makatagal ng 1 araw na hindi ka makita 3 weeks pa kaya" pangaasar pa ni Pia kay Andrew.

"Sige ilaglag mo pa ako." binalingan niya si Sarah "yep babe, it'll be very quick vacation"

hindi na nakauwi si Sarah that night hindi na siya hinayaan umalis ni Andrew. nangako naman ito na ihahatid ng maaga kinabukasan.

"babe, you'll call me everyday. don't make me worry ha. baka naman makahanap ka kaagad ng iba dun?" piningot ni Andrew ang ilong niya, habang niyakap siya nito

"it will never happen baby. itong puso ko para sayo lang ito. kaya wag ka matakot na makahanap ako ng iba dun. sayo lang din ito" turo sa mata niya "ito rin sayo lang" sabay pout ng labi at halik sa kanya.

nagising si Andrew na sobrang naninikip ang dibdib, bumangon siya dahan dahan para hindi magising si Sarah. naglakad siya ng hirap na hirap hawak ang kanyang dibdib, halos madapa siya. pumunta siya sa kitchen at kumuha ng baso. nakakaramdam siya ng panginginig ng kamay, katawan, ng kanyang tuhod. nagsalin siya ng tubig at ininom ito. sobrang habol ng hininga niya na dahilan para pagpawisan siya ng tagaktak. nagulat siya ng may tumawag sa kanya.

"babe, are you ok?" pagaalalang tanong ni Sarah sa kanya.

My Sweetest Downfall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon